Kinabukasan, inagahan ko talaga ang paggising ko para maisakay ko na sina Jari at Jareb sa kotse ko.
Iniwan kong tulog na tulog si Dale sa sofa. Kagabi, nang makalabas ako galing sa banyo ay nasa sofa na ito at hindi ko na siya inistorbo dahil sa nangyari.
Nauna kong narating ang bahay namin kaya ako na ang nagbukas no'n. iniwan ko na lang na bukas ng kaunti ang gate para malaman ni Dale na narito na ako.
Inayos ko muna ang magiging kwarto namin nang aking mga babies sa itaas para pagkatapos ay ililibot ko sila sa buong bahay para masanay sila.
Una ko silang dinala sa garden. Kasabay nang pag-ikot-ikot ng mga aso ko sa garden ay nagdilig na rin ako at nagwalis na rin nang kaunting kalat dahil may mga dahon dahon na nagkalat sa damuhan. Halos isang oras ko silang pinabayaan na mag-ikot-ikot sa garden sa likuran ng bahay.
Sunod ay inakyat ko sila sa rooftop ng bahay. Noong una'y akala ko hanggang dalawang palapag lang iyong bahay pero may pangatlo pa pala at may swimming pool pa 5 feet lang ang lalim kaya naisipan kong magbabad.
Bumaba ako at nagpunta sa kwarto para magbihis ng swimsuit. Nang makapagpalit na ako ay saka na ako umakyat ulit dahil iniwanan ko sila Jari at Jareb sa itaas. Naglagay lamang ako nang sunblock upang maiwasan ko ang pag-itim ng balat ko.
Ibinabad ko ang katawan ko sa malamig na tubig na nasa swimming pool. Naupo lamang ako sa may hagdanan at saka ko ipinikit ang aking mga mata. May bubong naman at presko ang hangin kaya hindi ko na inalala ang pag-itim ng aking balat.
Lumagoy ako nang hindi ako makontento sa simpleng babad lamang hanggang sa mapagod ang aking katawan. Nagutom ako kaya bumaba ako upang tignan kung may makakain ako sa baba, kung wala ay magluluto na lamang ako.
Pagkababa ko ay dumeretso na ako sa banyo sa masters bedroom saka na ako naligo. Mas mabilis sa natural na pagligo ko ang ginawa ko dahil sa gutom. Pagkatapos maligo ay nagsuot lang ako ng pambahay ko, sando at boxers. Dumeretso ako sa kusina para magluto dahil mukhang mag-gagabi na at mukhang wala pa si Dale.
Laking gulat ko nang may tao sa kusina at nagluluto ito. Napansin ko ang suot niyang uniporme ay kagaya nang sa mga kasamabahay sa bahay nila mom at dad.
"Excuse me po," pagtawag ko rito.
"Oh, Liana, ikaw pala," si Mama Reggie. Nilapitan ko ito at saka niyakap.
"Ma, ikaw pala? Kanina ka pa ba narito?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.
"Kaninang mga alas singco, nauna lang ako ng kaunti sa asawa mo," sambit niya habang hinahalo ang niluluto niya.
"Nandito na po si Dale?" ang buong akala ko ay ako pa lang tao sa bahay.
"Oo at nasa kwarto siya, maliligo raw muna siya."
"Sige po, sa sala lang po ako, Ma," paalam ko at tumango lang siya dahil nagluluto pa.