Maaga akong bumangon dahil may 8 am flight pa ako at masasabayan ko pa sina Randolph papuntang airport 'ayun nga lang may sarili ng kotse ngayon si Randolph dahil sa trabaho niya.
Dinala ko lang ang pinakamaliit ko na luggage dahil less than two days lang ang flight ko, mabilis lang ang stop over kaya hindi naman kailangan magdala ng maraming damit.
"Ma, umuwi po ba kagabi si Dale?"
"Hindi ko napansin, Liana, pasensya ka na pero nakabukas ang pintuan sa kwarto niya kaya sugurado akong hindi iyon umuwi rito."
"SIge po, mauuna na ako at baka mahuli pa ako sa call time namin. Paki-lock na lang po ang back and front door, lalo na po ang gate. May susi naman po kami pareho ni Dale."
"Sige at mag-iingat ka."
"Kayo rin po mag-iingat kayo. Pakisabi na lang po kay Randolph pumasok na ako."
Hanggang sa marating ko ang airport ay okyupado parin ng isip ko kung saan si Dale natulog kung okay lang ba siya.
Hindi ko na tinawagan ang mga kaibigan niya baka makaistorbo pa ako at saka wala akong cellphone number nila.
Naupo muna ako sa waiting shed habang hinihintay ang piloto namin. Isinabay ko na rin ang pag-check sa schedule ko this week. Mabuti naman at 3 days ang allowance ko bago ang susunod na flight ko.
Balak ko ng kausapin si Dale noong isang araw pa pero mukhang tadhana na yata ang nagsasabi na hindi ko dapat muna iyon sabihin sa kaniya.
Naniniwala ako na nasa oras lahat ng bagay. Baka masyado akong naging mabilis sa damdamin ko dahil nakikita ko lang sa araw-araw ay si Dale.
Pero tila nakakapanibago mula nung tumuloy muna sa amin si Randolph ng isang linggo at 'ayun si Dale, isang linggo ko na ring hindi nakikitang umuuwi sa bahay.
Kapag uuwi ako ng alas nuebe ay palagi siyang nasa study room. Ipinakabit namin iyon dahil sa mga libro ko na walang paglalagyan at masyadong ookyupahin ang isang bahagi ng kwarto ko kaya ipinalagay ko na lamang iyon sa study room.
Kung minsan ay nagsasabay pa kami kung magpunta roon ni Dale, pero siya ay para sa trabaho at ako naman minsan ay para sa trabaho rin kung kailangan kong mag-aral ng mga lengguwahe ng ibang bansa pero madalas ay nagbabasa lamang ako para malibang at hindi palaging nasa TV ang libangan ko.
Halos nakukuha na rin ni Dale ang loob nila Jari at Jareb. Napaka-unusual no'n dahil noong sina kuya ay halos tatlong buwan ang ginawa nilang paghihirap para lamang hindi sila kagatin o ni tahulan pero ipina-master ko rin sa kanila na huwag tahulan ang mga tao kaya nai-lalabas ko na sila noon sa park malapit sa condo at nakakatuwang tignan na nakikihalubilo na sila at hindi na mukhang galitin ang mukha.
Mula nung dumating si Dale ay hindi ko na alam kung bakit parang biglaan ang pagbabago ng buhay ko. Noong una ay pumayag lang ako na makasal sa kaniya kahit hindi ko pa naman siya nakikilala at gaya ng sabi ko dati, kagustuhan iyon ni dad at wala akong magagawa roon.