The next day we went to Bodhi Mind and Body Shop dahil nakaka-relax daw ang view rito. Ang first floor ay puno ng mga binibenta nila, may soaps at iba pa. Sa second floor naman mayroong library 'tapos sa thirdfloor ay mayroong open deck kung saan pwede mo ng ma-enjoy ang view mo roon habang nagbabasa at humihigop ng mainit na kape.
Since maaga kami rito ay breakfast meal na muna ang inorder namin dahil may pupuntahan raw kaming masarap na kainan rito sabi ni Xia. I wish Ami was here with us pero imposible dahil sa work niya na walang tigil, buti nga naiintindihan siya ng boyfriend niya.
Pumwesto kami sa may bandang sulok dahil sa napakagandang view na meron doon ay mae-enjoy ko rin ang pagbabasa ng libro habang sumisimsim ng mainit na kape.
Habang umaakyat ang araw, dumarami na rin ang mga taong nagpupunta rito at tatlong oras na kami rito kaya naman napagdesisyunan namin na sa hotel na muna kami para makapagpahinga at manood na muna ng series sa netflix. I'm currently watching Dr. Romantic. Parehas pala kami ng pinapanood ni Xia kaya naman parehas naming na-enjoy iyung palabas.
"Okay ka na ba?" maya maya ay tanong niya habang nag-aaply ako ng powder sa mukha ko.
"Yep, baka hindi lang ako natunawan," ayaw kong isipin na buntis ako dahil napaka-imposible naman. Well, possible rin dahil may nangyari na sa amin, but, that fast? Grabe naman iyung sperm ng lalaking 'yon!
"Pa-check up ka kapag pauwi na tayo ah? Baka iba na iyan," tumango lang ako saka kinuha ang pouch ko. Lately, ayaw ko ng may binibit-bit na bag, mas nagugustuhan ko na iyung pa-pouch-pouch na lang dahil hindi naman mabigat.
Dinala ako ni Xia sa El Cocinero at katulad kahapon, siya nanaman ang nag-order para sa aming dalawa. May paella, pizza, at pasta.
"Ang bibigat naman nito sa tiyan, Xia. Grabeng workout nanaman ang gagawin ko dahil sa mga ito," komento ko ng mailapag na ng waiter ang inorder niya sa harapan namin.
"Okay lang iyan ano ka ba. Minsan ka lang naman kumain ng ganiyang ka rami," pagdadahilan niya.
Nitong mga nakaraang araw nga ay napaparami na ang kain ko baka dahil na rin sa pagod ako palagi at oras lang ang pahinga ko sa trabaho. Kailangan kong bumawi dahil noong ikinasal ako ay halos isang buwan akong wala.
"Haay! Ano ba iyan?! Bakit ang baho naman niyan!" patungkol ko ro'n sa Paella dahil hindi ko nagustuhan ang amoy no'n.
"Paella lang 'yan, ano ka ba! Edi huwag mong kainin kung ayaw mo," maarteng sabi niya saka na siya nagsalin sa plato niya at nagsimula ng kumain. Dahil ayaw ko nung Paella, iyong pasta na lamang ang kinain ko at masasabi ko ngang masarap iyon. Naka tatlong slice rin ako sa pizza at nakontento na ako ro'n.
Sa mga sumunod na araw inilibot lang ako ni Xia sa mga lugar na napuntahan na niya, siya ang nagsilbi kong tour guide na ang bayad ay pagkain lang at matutulugan. Nagpunta kami sa sikat na sikat na Sky Ranch dito. Gusto raw sumakaya ni Xia sa ferris wheel dahil na-miss niya raw maging bata.
Iba't ibang rides ang sinakyan namin ngunit hanggang pangatlo lamang ako dahil napagod na ang katawan ko kakalakad. Sa laki ba naman ng lugar na 'to, sinong hindi mapapagod? Naupo lang ako sa may bench malapit sa nagtitinda ng ice cream. Bigla ay gusto kong kumain ng ice cream na nasa cone, iyon bang pambata.
Inutusan ko si Xia na bumili ng ice cream naming dalawa. Vanilla ang gusto ko sa kadahilanang hindi ko alam.
"Oh," abot niya nung ice cream sa akin. "Bakit bigla ka naman yatang kumain niyan? E, 'di ba iniiwasan mo ang matatamis?" totoong iniiwasan ko ang pagkain ng matamis dahil baka bumalik ako sa dati kong pigura, ang pagiging chubby.
