07

2K 65 1
                                        

Pagkatapos ng party, kinabukasan ay umuwi na kami sa kani-kaniya naming mga bahay.


Sa akin muna tutuloy sina Xia at Ami pansamantala hanggang sa matapos ang kasal ko.


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Dale kagabi sa hotel, 'yon ang unang beses kong mahalikan ng isang lalaki dahil sa wala pa akong nagiging boyfriend at kahit fling ay wala rin at sariling kagustuhan ko na 'yon.


Gano'n pala ang pakiramdam ng mahalikan para banag may kung ano ang umiikot sa tiyan mo at masasabi ko na malambot ang pakiramdam dahil na rin sa lambot ng mga labi ni Dale.


Hindi ko inaasahan ang sarili ko na sasagot sa mga halik na iginawad ni Dale sa akin sa mgaoras na 'yon, ang tanging nasa isip ko lamang sa mga oras na 'yon ay ang maramdaman kung ano pakiramdam ng mahalikan.


At dahil rin doon ay medyo awkward na kami ni Dale pagkatapos ng gabing 'yon. Mula nung umalis kami ng umaga sa mall hanggang sa makarating kami sa unit ko ay tahimik kaming pareho.


"Ayos lang ba kayo ni Dale?" bigla ay tanong ni Xia habang naupo sa may sala.


"Oo naman, bakit naman hindi?" matapang na sabi ko habang tinatawag ko ang mga babies ko para yakapin dahil hindi ko alam na mag-o-overnight pala kami.


"Pansin ko lang kanina sa lobby hindi kayo nag-uusap," kunot noong sabi niya.


"Kelan ba kami nag-usap?" walang emosiyong tanong ko sa kaniya at nagkibit balikat lang siya.


"Ewan, hindi ko kayo maintindihan," may halong inis sa bawat salitang binigkas niya.


Hindi naman talaga kami palaging nausap ni Dala pwera na lang kung kailangan. Kagaya na lamang kahapon. Kailangan naming magpanggap na in na in kami sa isa't isa para hindi maghinala na ipinagkasundo lamang kami.


Kasal na namin sa isang linggo at last month pa ako nasukatan kaya bukas ay aalis kami para magpunta sa dress shop para makita namin 'yung gown na susuotin ko sa kasal.


Kaya kinabukasan ay maaga akong nagising para makapaghanda. Nagsuot lang ako ng blue sleeveless top 'tsaka white maong short 'tapos ay nag doll shoes lang ako. Hindi na ako nag abalang magdala ng bag dahil phone at wallet lang naman ang dadalhin ko.


Sinabihan ako nila mom na kay Dale na raw ako sumabay papunta sa dress shop, syempre wala naman ako magagawa kundi ang sumunod sa utos nila.


Nauna na akong bumaba sa parking ng building at nakita ko na ro'n si Dale na nakatayo sa gilid ng kotse niya, hindi naman sa assuming, mukhang hinihintay niya ako.


"Sabi ng mom mo sabay daw tayong pumunta sa dress shop," sabi niya habang binubuksan ang pintuan sa front seat. "Sakay na."


"Thank you," sinara niya ang pintuan saka nagpunta sa kabilang side well ofcourse siya ang magmamaneho.

Unplanned Plans[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon