06

2.2K 82 1
                                    

Halos apat na buwan na 'yung nakalipas mula nung huling bonding namin nina Xia at Ami. Madalas sa face time na lang kami mag-usap.


Palagi naman ang pagkikita namin ni Dale dahil palagi kaming sinasama sa mga party at ipinapaalam 'yung nalalapit naming kasal ni Dale.


Nag-impake na rin ako para sa nalalapit na paglipat ko ng bahay. Hindi ko ipagbibili 'yung unit ko dahil halos 5 years din akong tumira dito.


Mga damit, sapatos at bag ko lang 'yung mga nilagay ko sa luggage ko, isang luggage naman para sa mga gamit nina Jari at Jareb.


Hindi muna ako papasok sa work ko until next year since December naman 'yung date ng wedding. Sina mom at dad na 'yung nag asikaso no'n.


Uuwi na bukas si Xia galing London, habang si Ami naman mamayang gabi ang uwi niya at deretso siya sa condo unit ko dahil sa'kin muna siya titira. Binenta kasi niya 'yung unit niya simula nung nag stay in na siya sa Cebu dahil sa business.


7 am palang pero gising na ako, so I decided to do my workout inside my house na lang dahil hindi din naman ako gagamit ng tredmill dahil napansin ko na medyo pumayat pa ako kumpara sa timbang ko ngayon.


In 3 days gaganapin na 'yung engagement party namin ni Dale, may pinadala na ring gown si Mommy. It's a pink satin gown with two thin straps holding.


Binigay din ni Dale sa akin kahapon 'yung engagement ring na binili ng parents namin. Simple lang 'yung singsing pero masasabi ko na maganda talaga 'yon.


4 pm nung biglang may nag door bell kaya pinause ko muna 'yung pinapanood kong movie at pinatong ko muna 'yung bowl ng popcorn sa may coffee table.


Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko si Ami kasama si Ardon. Medyo nagtaka pa ako pero naalala ko na may nabanggit pala nung minsan sa amin ni Ami na may lucky guy na at hindi ko inaasahan na mahuhuli ni Ren ang kiliti ni Ami.


"Ami, napaaga ka yata?" nagtatakang tanong ko habang nakasandal ako sa pintuan.


"Hi, Liana," bati ni Ardon. "Hinatid ko lang si Ami," nakangiti pero medyo nahihiyang sabi niya.


"Sige, thank you, ingat," paalam ko saka kinuha 'yung maleta ni Ami at pinasok ko na sa loob ng guest room.


Narinig kong nagsarado ang pintuan, nakita kong mag-isa lang na pumasok si Ami sa loob ng bahay, mukhang nauna ng umalis si Ardon.


"Umalis na si Ardon?"


"Ah, oo may gagawin pa raw kasi siya."


"Nabanggit ba ni Xia sa 'yo na bukas pa ang dating niya?"


"Yah, she messaged me last night."


Pinagpatuloy lang namin ni Ami ang panonood ng palabas na pinapanood ko kanina bago siya dumating.

Unplanned Plans[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon