Prologue

408 8 4
                                    

Note: Heyo! Gusto ko lang sabihin na ilan sa mga pangalan, lugar at iba pa ay totoo. Pero hindi yung legit na about sa story ha! Tungkol lang sa mga tauhan at lugar yung totoo dito. May permiso naman ako na gamitin yung mga pangalan ng mga taong mababanggit dito. And if you thinking that I copyed this story somewhere.... Sorry but you're wrong. I wish you like this story. Maraming salamat at kung may galit ka sakin you're free to go Feo.

: ATTENTION! This story contains violence, strong words, and brutal scene. Kaya humihingi agad ako ng pasensya.

--+--+--+--+--+--+--+
TITLE:
Z SLAYERS

PROLOGUE.

Masaya naman kami eh. Masayang nag aasaran, masayang nag lilibang, masayang ginagawa ang mga bagay bagay. We even went to malls to spend our daily life, but something changed. Specially when she said that... Why didn't we even believe at her?

Present Time.

"By the way Ycel saan ang next nating pupuntahan?" tanong ni Sarah kaya napatingin ako sa kanya.

"Kahit saan. Pero... Aish tinamad na ako." natawa naman siya sa sinabi ko tsaka tumatango. May umakbay naman sakin kaya napalingon ako dito.

"Wala namang araw na hindi ka tinamad Alliah." napalingon naman ako kay Aika atsaka napa iling nalang.

"Hay nako tara umuwi nalang tayo." sumang ayon ako sa sinabi ni Sarah kaya lumiko na kami ng daan para makalabas ng mall. Napatigil kami sa pag lalakad ng may narinig kaming malakas at nakakarinding tunog. Para siyang isang alarm.

'This is the warning system. All of the civilian must leave at once. This is the warning s-ytem-lea-nce.' nawala ang nag sasalita kaya natahimik kaming lahat.

Tumigil sa pag lalakad ang ilang sibilyan at tumingin sa paligid. Bulungan yan lang ang maririnig mo dito sa loob ng mall. Napahawak naman ako kay Aika at tumingin sa labas ng mall.

"Aika,S-sarah kailangan na ata nating u-umalis." bulong ko sa kanila kaya tumango sila.

"Tara." naagaw ng sigawan ang atensyon ko kaya nagitla ako.

'Ahhhhh!'
'Takbo!'
'May mga halimaw!'
'Tulong!'

Tumingin kami sa entrance ng mall at nakita ang mga taong nag sisipasukan dito. Ngunit ang mas naka kuha ng atensyon ko ay ang mga taong duguan. Lalapitan ko sana sila para tumulong ng mahigpit na hinawakan ni Aika ang kamay ko. Nilingon ko naman siya at halata sa mga mata niya ang takot at pag kabigla. Tumingin ulit ako sa mga sibilyan at laking gulat ko ng mapansin na para bang may kulang na bahagi sa katawan ng mga taong duguan na iyon. I-imposible, ano sila?

"Takbo!" sigaw ni Aika at hinila agad ako. Nagsi takbuhan din ang ibang tao at karamihan ay nag papanic na sa kaganapan. Lumingon ulit ako sa at doon ay nagitla ako sa nasilayan ko. Bakit nila kinakain yung mga tao?

"Mama! *hik* Nasaan ka po? M-mama." agad akong kumalas sa pag kakahawak ni Aika at agad na tinungo yung batang umiiyak.

"Ycel!" rinig ko pa ang pag tawag nila sakin pero hindi ko na sila pinansin at hinila yung kamay ng bata.

"Bata. Tara dali!" pag kahawak ko sa kaniya ay agad akong lumingon kung saan kami nag kahiwalay nina Sarah at Aika pero wala na sila... Wala na ring mga tao dito. Lumingon ako sa entrance at tanging mga tao lang na kinakain ang mga kapwa tao ang natira. May mga kagat sila sa iba't ibang parte ng katawan nila. Anong klaseng halimaw ang mga ito?

Z-Slayer (Rise Of The Undead) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon