Chapter Six: Heart vs. Miss Novora

30 3 0
                                    

Heart's POV.

"Okay Z-Slayers. Next mission. Kailangan niyo ng kunin si Lyra Jane Retrato. She's the one who holds the C.A.R part and now she's in Baguio City. All of the civilian in her place was already in here. Spade and Card. Kayong dalawa ang mag susundo sa kaniya. Club tell them the information. Get her ASAP. " giit ng nasa hologram na to. Ito minsan ko lang to makausap.

We call her Empress. Natatakpan ng Mask ang mukha niya at kadalasan ay sa hologram lang namin siya nakakausap.

Lalapitan ko sana si Spade ng makita kong bumulong si Spade kay Card ganun din kay Club. Lumabas sila ng room kaya walang pag aalinlangan ay sumunod ako.

"- Miss Q want to know the progress." rinig kong sabi ni Club.

"Kung ganun, sabihin mo sa kaniya on-going na ang mga kagustuhan niya." giit ni Spade. Sisilip sana ako kaso may humila sakin. Pag lingon ko ay nakita ko si Diamond.

"Kailangan natin marinig ang pinag uusapan nila." bulong nito sakin kaya tumango ako.

"By the way Spade, kailangan matapos natin tong mission na to." giit naman ni Club.

"Tss." asik ni Spade.

"Ano nangyari sayo Spade?" si Card yun. Halatang seryoso na siya.

"Tama si Card, ang daming nag bago sayo. Tapos mababalitaan namin na nasaksak ka ng isang RZ? Woah Spade! Pambihira. Ano at nag kakaganiyan ka. Wag mong sabihin na-"

"Shut up." pinutol ni Spade ang sasabihin ni Club. Ayan nanaman ang malamig niyang pananalita.

"You should fix your self Spade. Pag nakahalata sila. Ikaw ang kawawa." giit ni Club at dadaan sa pinag tataguan namin kaya agad kaming lumabas. Halatang nagulat silang tatlo sa pag labas namin ni Diamond.

"Spade, pwede ba akong sumama sa inyo?" tanong ko agad.

"Kanina pa ba kayo nanjan?" tanong ni Spade. Tumingin naman ako kay Diamond at hinarangan siya. Knowing her she will never ever lie to Spade.

"Kadarating lang namin. Kasi... Gusto namin makasama sayo. Sainyo ni Card." hindi ako pinansin ni Spade bagkus ay tumingin kay Diamond.

"Diamond? Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong ni Spade. Tumingin sakin si Diamond at tumingin din kay Spade.

"Yes! Hahaha." You don't have to lie Diamond...

"Oh by the way Spade. Kung hindi kami pwede sumama. Pwede naman kami mag paiwan." pag kausap ko sa kaniya. Tumingin ito sakin at tumango tango.

"Kailangan kayo ni Club dito. Ipag kakatiwala ko muna sa inyo ang lugar na to." giit ni spade at tinapik tapik ako sa balikat.

"Spade, we need to go." wika ni Card kaya umalis sila. Kinawayan ko nalang sila at nag tungo sa kainan. Hindi naman ako kakain gusto ko lang tumambay.

Now I know kung ano ang nararamdaman ni Club pag naiiwan.

Yumuko ako at iiglip sana kaso may umepal.

"Calling for Captain Heart and Captain Diamond. Captain Heart and Captain Diamond. Pinapatawag po kayo sa HR." anunsyo sa Speaker. Napahawak ako sa noo ko at padabog na tumayo.

"Siguraduhin nilang importante to." bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong pumunta sa kwarto ng mga HR. Walang paalam paalam ay pumasok ako.

"Ano kailangan niyo?" walang gana kong tanong.

"Walang galang? Great." giit ni Miss Novora kaya natawa ako.

"Baka kayo? Ayaw niyo kaming pag pahingahin?" tanong ko sa kanila.

Z-Slayer (Rise Of The Undead) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon