Captain Spade's POV.
Mahina akong natawa ng makalabas sina Diamond at Heart. Seriously speaking tinatakot ko lang sila. Matagal ko ng alam na naka Contact Lens sila. Pero yung kulay ng totoo nilang mata? Hindi ko pa naman nalalaman. Pakiramdam ko kilalang kilala ko sila pero ewan hindi ko malaman kung sino silang dalawa.
"Let's start. Madami pa akong gagawin." usal ko ng lamunin nanaman kami ng katahimikan dito nung umalis sina Diamond at Heart.
"Before anything else. Sino ka ba Spade?" tanong ni Miss Asachi kaya tinignan ko siya at huminga ng malalim.
"Walang pag kakakilanlan ang mga kagaya namin Miss Asachi." walang gana kong sabi.
"Utos to ng HR Captain Spade of Dauntless. What is your real name." seryoso niyang sabi kaya umiling ako.
"Hindi lang naman sa HR ang katapatan naming mga Dauntless." giit ko kaya kita ko kung papano gumuhit sa mga mukha nila ang pag tataka.
"Anong pinag sasabi mo Spade?" tanong ni Miss Montañez.
"Alam ko na alam ni Ash ang sinasabi ko. Can you tell them for me, Miss Abrenica?" tumango si Ash sakin at tumingin sakanilang lahat.
"Ang mga Dauntless ay galing din sa mga IR." diretsong sabi ni Ash.
"What do you mean? Hindi tapat sa HR ang Dauntless?!" gulat na tanong ni Miss Manuel.
"Nah. Tapat kami sainyo at sa IR din. Atsaka... Galing ako sa Region ng mga IR kaya natural lang sakin na maging tapat sakanila. And so my squad." palihim akong napangisi ng makita ko kung paano mag kuyom ang kamao ni Miss Asachi.
"Enough. Dapat nating pag usapan ang babaeng ito." may ipinakitang litrato si Miss De Jesus. Ang taong naka Kitsune Mask? Babae siya?
"Kitsune Mask." usal ko.
"Kilala mo ba siya Spade? Tutal sabi mo galing ka sa IR. I'm hoping that you know her. Marami sa mga sikreto ng HR ay alam niya. We want to ask to those IR—"
"Then ask them." putol ko sa sasabihin ni Miss De Jesus. "Ask them by your self. That Girl with Kitsune Mask. She's still unknown to me. So I can't answer your Question. So why not asking those Imperial Royalties?" tumingin siya kay Miss Asachi at sakin.
"I can't." tanging nasabi niya nalang kaya natawa ako at napailing.
"Ang taas ng pride. Pero wala naman na akong pake. Na sa inyo yan kasi tulad ng sinabi mo. Ang babaeng yon ay maraming nalalaman. Pano kaya kung masabi niya rin ang totoong dahilan? Ang dahilan kung bakit nangyari ang aksidenteng yon." sa mga oras na ito ay nakangisi ako habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Aksidente? Tinutukoy mo ba ang pag kamatay ng Dating HR na lumabag sa batas?" tanong ni Miss Asachi.
"Yup!" mahina akong tumawa at tumayo. "If you don't ask them. Then it's your lost." Dagdag ko.
"Sit down. Hindi pa tayo tapos mag usap." seryosong sabi ni Miss De Jesus kaya naupo ulit ako.
"Ano pa ba pag uusapan?" tanong ko.
"Tungkol kina Diamond at Heart." giit ni Miss De Jesus.
"Anong meron sa kanila?" rinig ko ang pag buntong hininga niya bago mag salita.
"Can you tell us who are they? Sa kung papaano kayo mag usap kanina. Parang hindi lang kayo simpleng mga tao." is she sincere? I can't tell. Auh. Yes may hinala ako na mga HR ang dalawang yun. Pero hindi ko masabi kung sino sila. Lalo na't hindi pa natatagpuan ang iba pang HR.
"Sa tingin ko ay mga HR din sila or IR." usal ko.
"Hindi ka pa sigurado?" tanong ni Miss Asachi kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Z-Slayer (Rise Of The Undead) ✔
Science FictionWhen the dead came back to life, the only thought that was hit in their mind "it was their biggest accomplishment," that "it was their biggest success in the history". Although everyone knew, that no people could bring a dead back to it's life witho...