Chapter Eighteen : Emergency?

12 1 0
                                    

Captain Spade's POV.

Nang makarating ako sa Medical Facility ay nakita kong nakahiga sa kama sina Diamond at Heart.

"Nawawalan ng pulso si Heart. Habang si Diamond naman ay may nakain ng kung ano at ngayon ay sumasakit ang tiyan niya. Sa nakita ko sa X-ray ay may isang bagay na nasa loob niya. Kailangan kita ngayon Spade. We need to do an operation right now." salubong sakin ni Hakima.

"Pero may ibang doktor jan Hakima. Bakit ako pa?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ang mas may karanasan. Doctor ka bago ka naging Z-Slayer kaya please. Kailangan ko ng mauna kailangan ko ng umpisahan ang operation kay Heart." giit nito at aalisin sana ang mask ng hawakan ko ang kamay niya.

"You still need to follow the protocol. Hindi aalisin ang mask na nag kukubli sa mga Z-Slayer." wika ko kaya napatango ito at hinila ang kama papunta sa kabilang kwarto.

"Captain ano ang gagawin namin?" tanong  ni Elen kaya nilingon ko siya.

"Bantayan niyo at siguraduhin niyo walang makakakita samin." utos ko kaya tumango ito at lumabas sa kwarto. Hinubad ko agad ang suot kong vest, mask at jacket tsaka sinuot ang pang surgery na damit. Sinuot ko agad ang gloves ko at hinanda sa tabi ko ang mga gamit.

Sa ganitong sitwasyon talagang mag isa ka lang na gagawa ng operasyon. Huminga ako ng malalim at tinaas ang mask ni Diamond hanggang sa matakpan ang mata at makita nalang ang ilong at bibig niya. Nilagay ko agad ang oxygen sa kaniya.

"Bakit mo kasi tiniis ang bagay na to Diamond? Nahihibang ka na ba ha?" pabulong kong tanong at itinaas ang damit niya. Tinurukan ko siya ng anastisya. Tinabi ko sakin ang mga gamit ko at huminga ng malalim bago simulan ang operasyon.

'Diyos ko sana magawa ko to ng tama.' giit ko sa isipan ko at sinimulang hiwain ang tiyan niya. Tumingin ako sa X-ray na nasa tapat ko.

Ano ba ang nakain niya? Argh! Ano bang nangyari nung nag hanap kayo ng makakain?

"Hindi po kayo pwede dito. Sa labas lang po kayo." rinig kong sabi ni Honey. Sino naman ang nasa labas ngayon?

"HR kami at may karapatan kaming tignan ang nangyayari sa loob." ow that voice. Kay Miss Novora iyon. Bahala na kailangan kong tapusin ang operasyon na to bago isipin ang iba.

Elen's POV

Bwisit na kung pwede ko lang sapakin tong HR na to tulog to. Grr!

"Papasukin mo na kasi kami!" sigaw ni Miss Manuel pero pinigilan parin namin sila.

"Hindi po pwede. Kahit na HR kayo ay hindi namin kayo hahayaan na makapasok." pigil ni Chrono.

"Sabing tabi!" sigaw ni Miss Novora kaya tinutukan ko siya ng baril.

"Pwede ka naman makapasok. Basta nasa alanganin kang buhay. Pero sa sitwasyong ito. Nag mamadali sina Captain Spade at Doctor Sittie. So Please Miss Novora and other HR. Leave us alone." seryoso kong sabi.

"Bakit ano bang nangyayari sa loob?" tanong ni Captain Club.

"May ginagawa sila na hindi niyo na kailangan pang malaman." mapanglokong sabi ni Delta.

"Delta wag mong sabihin yan. Magagalit sayo si Captain bahala ka." giit ni Gama. Ito nanaman sila tsk!

"What? Tinutulungan ko si Captain na paalisin ang mga binibini para wala na tayong problemahin pa. Maganda ng manipulahin ang mga isipan nila ng sa gayon–"

"Delta listen to your big brother." seryosong sabi ni Furious kaya natahimik si Delta.

"Speed! Asap! Bring me some blood! O+ make it fast!" sigaw ni Captain mula sa loob kaya nag mamadaling tumakbo si Speed paalis.

Z-Slayer (Rise Of The Undead) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon