(3 hours Earlier)
My name is Sarah De Guzman. One of the Highest Rankers. Isa ako sa mga namumuno sa bawat lalawigan. It's been 2 ½ month when the infection spread so fast. If... If we just listen maybe this won't be happen. If we believe on her maybe everything is still normal. Hayst... Sa ngayon ay nasa evacuation center na ang ibang mga tao. Sa lugar ko naman ay hindi pa nakakalikas lahat ng mga tao dahil hindi pa naman sumusugod dito sa pinamumunuan namin ang mga Infected or mga Zombies. Nandito ako ngayon sa Cagayan kasama si Ycel, ang kaibigan ko.
Mag kaiba ang pinamumunuan ko sa pinamumunuan ni Ycel, ang hawak ni Ycel na Region 3 ay matagal ng nasakop ng mga Infected. Ligtas naman ang karamihan sa mga mamamayan niya. Samantalang siya ito at binabantayan ko siya dahil inatake nanaman siya ng kaniyang sakit. Hindi ko alam kung sakit ba, o natural lang ba o ano ba ang dahilan ng biglaan niyang pagkatulog. Bigla nalang siyang nakatulog sa loob ng tatlong buwan. Nag aalala na ako sa kaniya kasi baka pag gising niya ay mag taka siya sa biglaang pangyayari. Bago siya mawalan ng malay, bago siya nakatulog ay maayos pa naman ang lahat... Nagagawa pang asikasuhin ng mga militar at scientist ang nangyayari pero nung namatay ang kasamahan namin na doktor, nung pinalayas ang isa naming kaibigan na doktor nag bago ang lahat. Pinag sa walang bahala ng mga tao ang sinabi nila, naging kampante at panatag sila kasi imposible naman daw na bumangon ang mga patay? Na maging halimaw ang mga normal... Pero ika nga nila walang imposible.
"Hey." napalingon ako kay Riene at ngumiti.
"Napadalaw ka ulit? Hindi ka ba natatakot Riene?" umiling naman siya at naupo doon sa isang upuan.
"Medyo? As long as the militaries are protecting this place we'll be fine." giit niya kaya napayuko ako.
"I'm worried about the others, Riene. What if they didn't make it? L-like what happened to Shen and Sheena??? If we just listen to As—"
"Hmm."
"Ycel? Gising ka na? Ycel!" masaya kong sabi ng makita kong dumilat ito.
"S-sarah?" tumingin naman siya sa kanan niya at nakita si Riene. "Aika?"
"Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Aika kaya bumangon agad si Ycel na para bang nag mamadali.
"Nahihilo ako pero tara na. Hindi ba't nangako akong aalis tayo?" palihim akong nalungkot sa sinabi niya. Napatingin ako kay Riene na nag aalalang nakatingin kay Ycel. Hindi parin ata alam ni Ycel ang nangyari sa kaniya. At sa mga oras na ito kaila—
"Sarah? Aika? Ano na? Tara na! Ayoko pa namang ma-late." ngumiti ako sa kaniya at tumango.
—kailangan nanamin lumikas.
--+--+--+--+--+--+--+
(Present time)
Cagayan Valley, Isabela Sm Cauayan
12:56 PM"Oh fuck! Yuko!" sigaw ni Spade kaya agad akong yumuko at siya naman ay bumabaril sa mga infected na papalapit saamin.
"Spade! Support!" agad na lumingon si Spade sa isang kasamahan niya at nag paputok ng kaniyang baril.
"Miss De Guzman... Teka nasaan si Miss Guiñares?" tanong ni Delta kaya napalingon ako sa tabi ko pero wala na si Aika!
"N-nandito siya k-kanina..."
"Forget it. Kailangan mo ding kumilos. Alam naming bawal humawak ng baril ang mga HR kaya kung maaari samahan mo nalang ang mga tao at mag tago. Maya maya lang ay darating na ang rescuers." giit ni Delta kaya umiling iling ako.
BINABASA MO ANG
Z-Slayer (Rise Of The Undead) ✔
Ciencia FicciónWhen the dead came back to life, the only thought that was hit in their mind "it was their biggest accomplishment," that "it was their biggest success in the history". Although everyone knew, that no people could bring a dead back to it's life witho...