Chapter Twenty : Suprise.

17 1 0
                                    

Captain Spade's POV.

Nakasakay kami ngayon sa isang Helicopter. Hinahanap ko parin sa paningin ko sina Hakima, Club at Card. Pero wala parin sila. Sa isang Helicopter ay anim kaming nakasakay.

Sa unang Helicopter sina Miss Asachi, Miss De Jesus, Miss Trixie, Miss Retrato, Miss Novora at Miss Manuel.

Dito naman samin ay kasama namin sina Miss Arao, Sarah, Miss Montañez, Diamond, Heart, at Ash. Nakaupo ako sa bandang tabi ng Piloto. Kahit tutol sila ay wala na silang nagawa.

"Pilot tell me the coordinates." utos ko sa kaniya.

"Ahm Miss sorry pero hindi po pwede." giit ng piloto kaya napabuntong hininga ako.

"I'm the Captain of Dauntless, Stupid. Sino ka ba at parang wala kang alam?!" galit kong sabi mula sa Radio.

"A-ah eh ma'am mula po kasi ako sa IR pasensya na po." giit nito.

"Eh galing din naman ako don eh! Hindi mo ba alam!?" namumuro na talaga sakin ang nag pasimuno nito ha.

"Sorry po pero isa ka pong IR pinagbawalan po ako ng Queen na tumulong ka sa amin." napatigil ako sa sinabi niya at nag iwas ng tingin.

"Fine." usal ko. "Pero saan ba tayo papunta ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Sa Aklan po ang pinakamalapit dito sa lugar ng HR." tinanguan ko siya at tumingin sa labas. "Wag po kayong mag alala Ma'am mabilis po ang lipad ng Helicopter na ito kaya makakarating agad tayo doon." dagdag pa niya.

So si Queen pala ang nag utos na wag ako mangialam. Ano kaya ang meron? At kailan pa nakipag usap ang mga HR sa IR? At bakit sina Diamond at Heart ay involved dito? Hayst. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ang sarili na makaiglip.

……
………
…………
……………
………………
…………………
……………………
………………………
…………………………

"Tignan niyo kung maayos ba ang lagay ng pasyenteng yan."

"Opo doc. Nagana po sa kaniya ang gamot. Ayos naman po ang vital signs niya. Baka po—"

"Doc ang batang ito! Nag rereact ang katawan niya. Mabilis na bumababa lahat ng vitals niya."

"Dali irecover niyo siya."

Nasaan ako?  Anong lugar to. Teka ako ba iyon? Anong ginagawa nila saakin? At sino ang ibang bata? Nasaan ba ako?

"Spade." napadilat ako at tumingin sa nag salita. "Spade gising na nandito na tayo." si Diamond lang pala. Anong lugar naman to? At yung panaginip ko kanina. Ano ba ang bagay na iyon?

"Maligayang pag babalik Imperial Royalty, Countes—"

"Spade nalang." putol ko sa mga sundalo ng IR. Grr. Ano bang trip ni Queen?

"Imperial Royalty pala. Kaya pala ang yabang." rinig kong bulong ni Miss Novora. Hindi ko na siya pinansin at naunang pumasok.

"You need an access to enter." rinig kong sabi ng robot kaya napa buntong hininga nalang ako. Tinapat ko ang kamay ko sa isang Fingerprint Scanner.

"Access Granted." giit ng robot at bumukas ang pinto. Nang makapasok kami ay nakita ko ang mga IR na nakaupo sa isang mahabang hapag kainan.

"Queen. Ano nanaman to?" agad kong tanong.

"Hindi ka ba nagagalak na nakabalik ka muli dito?" tanong ni Queen.

"Nagagalak ngunit Queen–"

"Mayumi ang itawag mo sakin, Spade. Tulad ng sabi ko hindi ka na iba samin." nakangiting sabi ni Mayumi. Grr.

Z-Slayer (Rise Of The Undead) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon