"Mama bakit po ako walang papa?"
Napatingin ako sa commercial sa tv na pinapanood nya. Pamilya sila na nag eendorse ng sabon
"Baby, diba i already told you that papa is a busy man and he's working abroad?"
Naaawa ako sa anak ko dahil lagi nyang tinatanong kung nasan ang ama nya. Hindi ko naman masabi ng deretso sakanya na di nya kailan man makakasama ito dahil di naman alam nito na nabuo sya noon
Ayokong saktan ang anak ko. Ayokong makita na umiiyak sya doble ang sakit na mararamdaman ko
"Mama teacher told us to give this letter to our fathers because today is father's day" malungkot nyang inaabot sakin yung letter
"Wow baby! we can give this to your Pareng Kiero"
Mas lalong lumungkot ang mukha ng anak ko dahil sa sinabi ko
"But Pareng Kiero is not my papa, mama"
Si Kiero ang tumayong ama para kay Trace pero alam naman nito na di sya ang kanyang ama kaya di parin nya mapigilang hanapin at itanong kung nasaan ang totoo nyang tatay
Ayaw nyang tawaging papa si Kiero dahil para lamang daw iyon sa tunay nyang papa kaya naman pare nalang daw ang itatawag nya dahil parehas silang lalaki
"But i heard you talking to him last night kaya, you're asking him if he can be your papa instead" tinusok tusok ko pa ang tagiliran nya
Nanlaki ang mata nya at parang di nya inasahan na sasabihin ko yun
"Mama! you told me that its not right to listen to others conversation!" Inis nyang banat sakin
Tumawa naman ako sakanya ganyan kasi yung palaging sinasabi sakin noon ng tatay nya noong college kami. Sa lahat ng mamanahin sa ama nya e ang mukha pa at ugali wala ata syang nakuha sakin
Si Kiero ang naging sandalan ko dito sa Bataan. Sya ang nag aya sakin na dito manirahan pagtapos akong iwanan ng tatay ng anak ko
Magkaklase kami ni Kiero noong college sa Manila. Di lingid sa kaalaman kong may gusto sya sakin dahil palagi itong inaasar ni Doreen sa akin noon
Hindi na ko nakapag paalam kela Doreen noong sumama ako kay Kiero dito sa Bataan. Sobra kong broken hearted noon at nagpadalos dalos sa desisyon
Pitong taon na kaming walang komunikasyon ng mga kaibigan ko sa Manila. Alam kong nagtatampo sila sa amin dahil sa biglaan naming pag alis noon pero handa akong harapin sila at magpaliwanag sa susunod naming pagkikita
Alam kong malapit na yun dahil napag isip kong bumalik narin ng Manila para humanap ng trabaho at makapag ipon sa eskwelahan na papasukan ni Trace
Huli kong balita ay nasa ibang bansa si Train. Hindi na ko magtataka pa kung may sarili na itong pamilya. Alam ko ding sya na ang nagmamanage ng company nila kaya di na ako kinakabahan pa na magtatagpo pang muli ang landas naming dalawa
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romance"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes