Chapter 10

3 1 1
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa sunod sunod na pag ubo na narinig ko

"Nay?! ayos lang po ba kayo?"

"Oo anak, natuyuan lang siguro ako ng pawis kahapon"

Nandito siya sa kwarto ko ngayon at kinukuha ang marurumi kong damit dahil isasabay na daw nya sa labada nya

"Ako na dyan nay, wag mo nang labhan yang marurumi kong damit. Magpahinga naman po kayo kahit konti please"

"Sus etong batang to ang sweet talaga.. Nagpapahinga naman ako kahit papano tsaka kailangan kong kumayod para may pambaon ka, bumawi kana lang sakin kapag Engineer kana anak"

Niyakap ko siya at tinulungan na kuhanin ang marurumi kong damit. Naligo nadin ako at nagbihis dahil papasok ako ngayon

"Nay ayos lang po ba talaga kayo? gusto nyo po ba mag absent muna ako ngayon para maalagaan kayo?"

"Ubo lang to Alli.. di na kailangan pa ng alaga"

Nagpaalam na ko at umalis na patungo sa University namin

"Bakla ang tamlay mo naman. Break naba kayo ni Papa Train?" baling sakin ni Doreen

"Baliw hindi... si nanay kasi e"

"Ano nangyari kay Nanay Sali?"

"Inuubo siya kanina, pero kasi alam mo yung mapangit pakinggan na ubo? yung parang di normal"

"Ipacheck up mo na si Nanay Sali friend baka mamaya e seryoso na yan"

Napabuntong hininga ako at tinext nalang si Train

Train myloves:

San ka?

Ilang minuto na ang lumipas pero di pa din siya nagrereply baka busy..

Nakinig na lang ako nung pumasok na ang prof namin at nag discuss

"Friend..." mahinang bulong ni Doreen sakin

Kinunotan ko lang siya ng noo habang seryoso padin akong nakatingin sa prof at nakikinig

"Friend..." ulit nya pa

"Gaga ano ba?! sususo kaba sakin at kanina kapa tawag ng tawag dyan?!" mahinang angil ko sakanya

Nginuso nguso nya sakin yung bintana ng room namin. Tumingin ako doon at mabilis na napangiti nung nakita kong nakatayo si Train sa labas na parang may inaantay

Natapos na ang klase namin, nagtungo agad ako sa labas para yakapin si Train

"Ehem ano yan" taas kilay na tanong ni Jerson sakin

Inirapan ko siya at bumaling sa mga kaibigan ko

"Una na kayo sa canteen sabay nalang ako kay Train"

"Bakit pakiramdam ko pinagpapalit mo kame dyan kay Train. It hurts!" maarteng drama ni Doreen

"Tse! pwet mo hurts!"

Umalis na sila nang di man lang ako pinansin ni Kiero. Ano kaya problema ng bwisit na yon

Napansin ko ding di na masyado nagsasasama si Kathie sa grupo namin at sumasama na siya sa grupo ni Stella, grupo ng mga maaarte kong kaklase na akala mo e sobrang kinaganda nila yun

Bahala siya sa buhay nya kung ayaw nya samin edi wag nya

"Where do you want to eat?"

Napabalik tuloy ako sa wisyo nang marinig ko ang boses nya

"Kahit saan Train.. di naman ako mapili sa pagkain"

"Hmm sa condo?"

"Ayoko! sigurado di tayo makakakain doon!"

Tumawa siya "Joke lang, lets go to mall.. I'll treat you to pizza house"

"Copy that boss!" masayang tugon ko sakanya

Nagdrive na siya papunta sa mall habang hawak ang isa kong kamay

Me:

Bakla nasa mall kami ni Train di ako makakasabay sainyo ha

Doreen:

Wag mo kalimutang gumamit ng proteksyon iwas sa baby na di pa pede mabuo

Napatawa tuloy ako sa text nya.. loko loko talaga

Me:

Gaga ako si virgin mary.. never been touched, never been kissed

Doreen:

Utot! ikaw virgin mary? baka.

Natigil lang ako sa kakdutdot ng hablutin ni Train ang phone ko

"So sinong katext mo?"

"Si Doreen sino paba"

"Really huh?"

"Inaano ba kita?" inirapan ko siya

"Please just focus on me kapag ako ang kasama mo baby" malambing nyang sabi sakin

Kiniss ko siya sa pisngi para matigil siya sa kakasalita and i can see that its effective huh

Bumaba na kami nang makarating kami sa mall, hawak nya ang kamay ko habang naglalakad

Kapag kasama ko siya nalilimutan ko ang mga problema ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag ramdam ko ang presensya nya

Pumasok kami sa pizza house at kumain na

"Ang sarap dito Train grabe!"

"Yeah, i can see it in your face" tawa tawa nyang sabi sakin

Natapos na kami at nag order siya ng dalawa pang box para daw iyon kay nanay

Dinala nya ko sa malapit na park at tumambay kami saglit doon

"Im so happy because i met you Alli"

"Masaya din ako Train.. sobra"

Nakatitig lamang kami sa mga batang naglalaro

"Ilan ang gusto mo maging anak natin Alli?"

"Wow confident na ikaw ang magiging tatay ah"

"Ofcourse Alli, bakit may iba kapa bang gusto na mapangasawa ha?"

"Meron. Gusto ko sana yung matandang malapit nang mamatay e para yumaman ako" biro ko sakanya

"What the hell Alli... I can give you everything you dont have to marry an old man"

"Joke lang patola ka talaga!"

"Whats patola?

"Ibig sabihin madaling maniwala, madaling mauto"

"Am i?"

"Seryoso mo naman dyan boss. Pero alam mo gusto ko dalawa ang maging anak ko, babae at lalaki sana"

Ngumiti siya sakin "Bakit dalawa lang? ang onti naman. I want twelve"

"Ay baliw! ano ko paanakan mo? tsk"

"Just kidding. I also want two.. yung lalaki kamukha ko at kamukha mo naman ang babae"

Niyakap nya ko at inamoy amoy ang batok ko

"Pano pala kung aksidente kalang na nakabuntis? tatakbuhan mo ba?"

"Hmm.. Kung hindi ikaw ang nabuntis ko baka nga takbuhan ko yun" he said while smirking

"Bakit ha? kung ako ba yun papanagutan mo?"

"Is that really a question baby? ofcourse papanagutan kita, di lang papanagutan papakasalan pa"

"Promise?"

"Yeah, i promise baby"

Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit

"Thank you Train.."

"Always welcome my love"

Sana pang habang buhay na to, sana kami nalang talaga ni Train. Kasi di ko na alam kung pano pa ko makakaahon sa pagmamahal ko sakanya. First love ko siya at kung kailangan kong paulit ulit na magdasal para kami na talaga hanggang dulo e gagawin ko. Sana walang humadlang saming dalawa....

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon