Mabilis lumipas ang araw hanggang dumating na ang araw ng Biyernes. Sobrang excited na ng mga kaibigan ko dahil makikiparty daw kami mamaya kela Jerson. Akala mo naman e kilala sila ng celebrant kung makaasta
Imbes tuloy na magbasa ako ngayon, eto tulala nag iisip kung ano ba isusuot ko mamaya. Nakakahiya naman kasi kung magpapantalon ako at mag susuot lang ng tshirt. Sigurado magmumukha akong hardinera o kaya serbidora nila doon sa ganda kong to ayoko mapagkamalang taga silbi no duh..
"Bakla! ano isusuot mo mamaya? gusto mo ba ipahiram ko nalang sayo yung pula kong tube dress? nako! galing pa yung sa pinsan kong nag abroad di daw nya masusuot yun kaya binigay nalang sakin" sabi sakin ng mahadera kong kaibigan na si Doreen
"Ayoko nga.. baka mamaya e magmukha akong pokpok na nirentahan nila para sa gabing yon"
"Gaga malay mo naman may magkagusto sayo doon na mayaman tas jowain ka diba? sayang ganda teh matuto kang gamitin yan para sa ikauunlad ng ekonomiya"
"Kung si Train ang magkakagusto sakin don e baka talagang tumulong ako sa pagpapa unlad ng ekonomiya"
"Akitin mo si Papa Train mamaya! basta doon tayo magbihis sa amin. Ako nang bahala sa outfit mo"
At ayun para siyang bulateng binudburan ng asin dahil sa sobrang excitement nya
Mabilis na lumipas ang oras habang nakikinig kami sa bawat klase namin ngayong araw hanggang sa mag uwian na...
"Mga tol kita kita tayo sa 7/11 malapit kela Kiero sabay sabay tayo pumunta samin. Susunduin ko kayo doon at magdadala ko ng sasakyan para di na din kayo mahirapan pumasok sa subdivision namin" sabi ng mokong na si Jerson
"Copy that boss!" sabi ng mga kaibigan ko
Nagkanya kanya na kaming alis dahil magbibihis pa kami
Ala singko na at nandito kami ngayon ni Doreen sa bahay nila. Pinauna nya na ko maligo para daw makapagpatuyo na ko ng buhok ko
Lumabas na siya ng cr at magsisimula na kaming mag ayos. Pinasuot nya sakin ang red tube dress na hanggang kalahati lamang ng legs ko. Kahit di ako katangkaran ay bumagay ito sakin dahil sa maputi at makinis kong kutis. Pinahiram nya din ako ng heels na mataas para daw madagdagan ang height ko at magmukha akong matured na talaga. Nilagyan nya din ako ng kaunting make up para daw lumitaw ang features ng aking mukha. Sabi ng iba ay mukha daw akong may half dahil sa tangos ng ilong ko at kinis ng balat ko pero ang totoo ay namana ko lang talaga kay nanay ang pagiging maputi at matangos ang ilong. Naalala ko nga noon, may nag offer sakin magmodelo pero di ko tinanggap dahil baka mamaya makaapekto ito sa pag aaral ko
Suot naman ni Doreen ang kanyang black sleeveless croptop, mini skirt at sandals na may kaunting takong. Pinayagan kami ng nanay nya dahil naiintindihan daw nya na kabataan kami at kailangan ng paminsang kasiyahan
Humarap ako sa salamin at halos di ko makilala ang sarili ko. Para na kong mayamang modelo na magbabar sa kung saan. Grabe iba talaga pag nakasuot ka ng maganda e ang laki ng pinagbabago ng itsura
Umalis na kami at nagtungo sa 7/11 malapit kela Kiero. Natanaw namin agad na kumpleto na sila doon at mukhang inaantay na lamang kami
Nahagip ng mata ko ang suot ni Kathie. Mukha siyang mang aakit sa napili nyang isuot. Naka spaghetti strap tube top siya at fitted skirt din
"Aba ang gaganda ng girls natin ah!" sumipol pa ang walang hiyang si Kiero sa amin
"Gago lapingurutin ko kaya yang bibig mo" inis kong baling sakanya
"Shit mukha kang model Alli! kung di lang kita kaibigan e baka ako unang nanligaw sayo" pang iinis sakin ni Jerson
Inirapan ko siya "Di tayo talo tol may lawit din ako di lang halata"
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romance"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes