Chapter 12

1 1 0
                                    

Nagsiupo na kaming lahat at nag ready na sa pagkain. Pinagsilbihan kami ng mga kasambahay nila

Hinuhuli ko ang tingin ni Kathie pero magaling ang gaga na umiwas

"Son.. I hope you get along with Kathie" nakangiting sabi ng mommy nya

Ngumiti lang si Train sakanya

"Is this your son Leanne? ang laki na at ang gwapo pa" pamumuri ng nanay ni Kathie

"Ofcourse mare kanino paba magmamana?"

Nagtawanan ang dalawa maliban samin

"What are your plans iho?" tanong naman ng tatay ni Kathie

"I'm still in my 3rd year in college tito but I'm planning to manage our company in the future"

"Syempre ikaw ang magmamanage nun dahil ikaw lang naman ang anak nila Leanne" pabirong sabi pa nito

Pucha feeling ko di ako para dito ah? out of place na out of place ang lola nyo

"Kathie magsalita ka naman dyan anak. Kilala mo ba si Train? diba parehas kayo ng school?"

Ngumiti si Kathie ng bahagya "Yes dad, i know him"

"Nako mukhang magkakasundo kayo nito iho.. Siya din ang magmamanage ng kumpanya namin pagka graduate. Ewan ko ba dito bakit di nag Business Ad, gusto raw nya ay Engineering kuhanin dahil gusto yung passion nya" tango tango pang ani neto

"What is this family dinner all about mom?" matigas na tanong ni Train

"Don't get me wrong son. I just want you to know our family friend and ofcourse Kathie.."

Kumunot ang noo nya "But i don't want to.."

"What are you saying young man?"

"I know what's this all about mom and I'm also here because I want to introduce my girlfriend"

"Girlfriend who?!" inis na baling ng nanay nya sakanya

Napakagat ako sa labi at marahan yumuko ng kaunti. Nararamdaman ko ang hiya at pagtutol nila samin

"Everyone, i have here my girlfriend.. Allison Faye Cortes" anunsyo nya sa lahat

Inangatan ko sila ng tingin isa isa at nginitian. Nakita ko ang dismayado nilang mukha maliban kay Sir Lance na tatay ni Train

Nang dumaan ang tingin ko kay Kathie, nakita kong umirap siya sakin at tinaasan ako ng isang kilay

"I hope you understand but we have to go home because my girlfriend is already tired. Excuse us.."

Hinawakan nya ko sa bewang at inakay palabas. Hindi pa kami nakakasakay ng sasakyan nakita kong nakasunod na agad ang nanay ni Train sa amin

"How dare you do that to me in front of my friends Train Ace Mendes?!"

"What mom? i didn't do anything bad"

"Saan mo ba napulot yang babaeng kasama mo ngayon ha?!"

"Be careful with your words mom, respect my girlfriend" seryosong tugon ni Train sakanya

"Girlfriend?! kelan kapa nagseryoso sa babae ha!"

"Ngayon lang mom, I'm serious with Alli so don't talk to her like that!"

"Don't raise your voice to me! ayan ba natututunan mo sa babaeng yan ha?! ang bastusin ang mommy mo?"

"Aalis na kami. Sa susunod na tayo mag usap kapag napag isip mong susuportahan mo ko sa kung saan ako masaya... mommy" dismayadong sabi ni Train

Inakay nya na ko sa sasakyan pero di pa kami tuluyang nakakapasok sa loob, nagsalita ang mommy nya...

"I'll do everything para maghiwalay kayong dalawa. Always remember that.."

Mabilis siyang tumalikod at pumasok sa loob...

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon