Pagpasok ko palang ng bahay hinarang na ko ni nanay sa pintuan
"At saan nanggaling ang magaling kong anak?"
"Ah... e sa ano po, sa.."
"Anak ng tupa kabagal mo naman sumagot" inis nyang baling sakin
"Kela Doreen nay! opo kela Doreen ako natulog gumawa po kami ng project sakanila malapit na po kasi ang pasahan"
Pinanliitan nya ko ng mata at parang baliw na tumango tango
"Okay sa susunod magpaalam ka ha? nag alala ako e mabuti nalang nagtext sakin si Doreen na nasa kanila ka kagabi tsaka hinuhuli lang kita kung totoo bang sakanila ka natulog"
Aba napaka galing ko talaga mag isip at tugma pa sa palusot nang gaga na si Doreen kung nagkataong iba ang sinabi ko e baka hambalusin nalang ako bigla ng nanay ko. Napakatalino ko talagang nilalang...
Pumasok na kami sa loob at dumeretso ako sa kwarto para magpalit ng damit
Tuwing sabado nakagawian ko nang tulungan si nanay sa paglalaba. Ako ang sa labada siya naman sa pagpaplantsa. Nakakaawa kasi siya pag naiisip kong mag isa nya lang ginagawa ang lahat ng ito
Sa damuhan ako malapit sa terrace namin naglalaba dahil malapit ito sa sampayan
"Nay? eto na po ba lahat ng labada ngayong araw?"
"Oo anak"
"Okidoks nay"
Sinimulan ko ng maglaba, inuna kong ihiwalay ang puti at may kulay dahil baka magkahawaan sila. Habang nagkukusot ako, nakita ko ang pamilyar na sasakyan sa labas ng gate namin
Tumakbo ako papunta sa gate at di na inalintana ang itsura ko ngayon. Naka bun ang buhok ko, nakacycling shorts at nakamalaking tshirt
"Napadaan ka ata Train?"
"Why? is it bawal?"
"Oo bawal dito ang pakalat kalat na aso baka madampot ka ng dog catcher"
Natawa siya sa sinabi ko. Kakainlove talaga to pag tumatawa sarap ikulong sa kwarto ko hihihi
"Im not a dog! Do i look like one?"
"Biro lang ano kaba.. ikaw mukhang aso? labo"
"Allison Faye! sino ba yang kinakausap mo dyan? kung si Aling Ging ging yan sabihin mo wala kong mapapautang ngayon gipit kamo tayo!" sigaw sakin ni nanay
"Customer ko to nay wag kang maingay dyan!"
"Ay sira ulo ka talagang bata ka! Hintayin mo ko dyan at sasabunutan kita"
Sabay kaming natawa ni Train habang inaantay si nanay lumabas dito
Nanlaki ang mata ni nanay nung nakita nya na si Train ang bisita namin
"Hala! iho? bat ka naparito? nangutang ba sayo ang anak ko at naniningil kana?"
"Ofcourse not Nanay Sali, napadaan lang po ako at nagdala nadin ng konting meryenda"
Tinusok tusok ko siya sa tagiliran at bumulong bulong
"Sus napadaan daw.. e ang layo kaya neto sa condo mo. Palusot kapa di mo nalang aminin na crush mo din ako"
Hinatak ako ni nanay at binulungan ng mariin
"Tigilan mo yang kaharutan mo ah"
Inaya ko si Train pumasok sa loob at hinain sakanya ang dala nyang pizza. Nagtimpla nadin ako ng juice para di siya mabulunan
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romance"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes