Chapter 11

1 1 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas magmula nung pagpunta namin ni Train sa park. Naging mas malapit kami sa isat isa. Araw araw ay hinahatid nya ko pauwi sa bahay, nag ooffer din siyang sunduin ako sa bahay tuwing umaga para sabay daw kami papasok pero tumanggi ako sakanya at nagalit kaya di nya na pinilit pa. Ayaw ko naman sabihin ng ibang tao na ginagamit ko lang siya para sa gawing taga sundo at hatid ko no. Halos  di na din siya mahiwalay sakin kahit pa sa mga lakad naming magkakaibigan e sumasama siya

Hindi ko pa siya sinasagot pero para kasing ganon narin naman ang turingan namin. Siguro nga'y di na kailangan ng sagot ko dahil magkarelasyon ang tingin namin sa isat isa. Hindi parin maiiwasan ang mga mapanghusgang tingin sakin ng mga tao sa university namin. Sinasabi nila na kesyo peneperahan ko lang daw si Train, yung iba naman sabi nilandi ko lang daw siya at kumagat naman tong si Train pero kailan man ay di nya pinaramdam sakin na ganon ang tingin nya sakin. Sa tuwing nakakarinig kami ng panghuhusga e mas lalo nya kong binubusog ng pagmamahal nya

"Baby, we have a family dinner later.. do you want to come with me?" marahang tanong sakin ni Train

"Nakakahiya Train, sigurado namang di ako magugustuhan ng parents mo"

"Why not? you are so beautiful inside and out Alli. I want them to know the girl i want to marry"

Kinagat ko ang labi ko "Marry? agad agad? di pa nga ako nakakagraduate e"

"Edi bago ka gumraduate bubuntisin na kita para kapag nakatapos kana wala kanang kawala sakin"

Natawa ko sa sinabi nya "Tss nababaliw kana Train"

"Yeah, baliw sayo Alli... damn I'm so corny"

Kinurot ko siya sa pisngi at tumayo na sa damuhan. Nandito kami ngayon sa grass field ng University. Dito kami nagpalipas ng oras dahil may meeting ang mga prof

"Please come with me Alli, i'll introduce you to my parents" seryoso nyang sabi sakin

"Pag isipan ko muna.. give me 10 seconds" sagot ko sakanya

"Okay sige sama ko" dagdag ko pa

"Whoa! ang bilis mo naman pala mapapayag my soon to be Mrs. Mendes"

"Ano ba Train! wag ka ngang ganyan keshe nemen e"

Tumawa siya at kinurot ako sa pisngi "Tss crazy. I love you"

"I love you too three and four!"

Nagpunta na kami sa mall dahil bibilan daw nya ko ng susuotin para mamaya sa family dinner nila

Nagpalipas kami ng oras sa condo at nagbihis na. Suot ko ngayon ang black sleeveless mid dress na binili kanina at naglagay din ako ng kaunting blush on at liptint

"Ang ganda shit" pang aasar sakin ni Train

"Ano kaba ako lang to. Yung crush ng bayan sa Engineering department"

Nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi ko

"Ouch! ang dami ko palang kaagaw sa baby ko"

"Tse arte! tara na nga"

Nagmaneho na siya papunta sa family mansion nila dito sa Makati. Sabi nya meron din daw silang bahay sa isang isla sa Palawan at sa kung saan saan. Balak ko nga sana manghingi ng isa kaso naalala ko may hiya nga pala ako hehehe

Pinagbuksan kami ng gate ng isang guard at binati nya si Train. Sa labas palang kitang kita na yung laki ng mansion grabe

Modern style ang mansion nila. Apat na palapag ito at white and black ang kulay. Di siya mukhang patay dahil sa totoo lang ang cool ngang tignan. May malawak din silang garden at kung sisilip ka sa kabilang side makikita mo ang pool nila

Pagtapak palang namin sa pinto ay kaliwat kanan na ang bati ng mga maid nila Train. Napahawak ako sa kabilang kamay ko dahil di ko maiwasang kabahan. Natatakot kasi ako baka di ako magustuhan ng parents nya

Hinawakan nya ang kamay ko "I love you baby"

Nginitian ko siya ng tipid dahil di ko padin matanggal ang kaba sa puso ko. Pumasok na kami sa loob at agad na sinalubong ng babaeng maputi at mukhang mas matanda siya kay Train

"Train! how are you?! i really miss you" tuwang tuwa nyang sabi

Tinignan nya ko at bumaling uli kay Train

"And who's the lady beside you young man?"

Hinawakan ko ang braso ni Train at ako ang sumagot

"Hi po! I'm Allison Faye Cortes, maam? madam? ate? ale? sis?" di ko kasi alam kung ano ba siya ni Train kaya di ko alam ang itatawag ko dito

Natawa siya dahil sa sagot ko sakanya

"I'm Leanne Mendes and the man beside you is my son"

"Hala! nanay nya po kayo? e mukha lang po kayong magkapatid ni Train!"

"Nako inuuto mo naman ako masyado Allison Faye"

"Alli nalang po maam"

"Sige na tara na at dadating na ang bisita namin"

Hinawakan ni Train ang kamay ko at iginaya sa long table ng mansion nila. Bumati ako sa tatay nya pagtapos bumati ni Train sakanya

Ang gwapo din ng tatay nya grabe, mukhang foreigner. Ang tangos ng ilong at ang puti..

Naupo na kami at hinihintay yung sinasabi ng mommy ni Train na bisita. Friend daw ng nanay nya e? ewan ko ba

Inanunsyo na ng mommy nya na nandito na daw ang bisita. Naunang pumasok ang mag asawang mukhang may masasabi sa buhay. Naka coat pa at tie ang lalaki at nakadress naman ang babae na mukhang galing pa sa isang business meeting

Nanlaki ang mata ko sa kasunod na pumasok dito sa kusina. Niloloko ba nila ko? bat nandito si Kathie?!

"Well, This is Mr. and Mrs. Ocampo and their daughter Kathie Flaire" pakilala ni Mrs Mendes

Shit... Ano ba tong nangyayari? nananaginip ata ako....

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon