Tulala lang ako hanggang sa makarating ng bahay namin
"Baby please don't be angry"
Bumuntong hininga ako "Hindi ako galit Train"
"I know you are... I'm really sorry Alli, I promise I'll talk to her"
"Wag na, ang mahalaga naman e mahal natin ang isat isa diba?" nakangiti kong baling sakanya
"Papakasalan kita Alli..."
"Hala? ayan ka nanaman tss"
"Promise I'll marry you and we'll build a happy family in the future" sinserong nyang sabi
Tumawa ako "Proposal ba to?"
"Di pa naman, di ganto magpropose ang Train Ace Mendes baby..." He said while smirking
Bumaba na ako nang makarating kami sa bahay...
Kinabukasan ay maaga ako nag ayos para pumasok. Si Ma'am Olga kasi ang prof namin alam nyo naman ang motto non na "Time is gold"
Nasa room na ako at nandito narin ang mga kaibigan ko. Mabilis lang lumipas ang oras..
"Bakla canteen tayo tara na" aya sakin ni Doreen
Tatayo na sana ko nang biglang may bumagsak saking mga libro
"Opss sorry sis" maarteng sabi ni Kathie sa akin
"Problema mo?!" inis na sigaw sakanya ni Doreen
"Wala naman, by the way nabalitaan nyo ba na pakalat kalat daw ang malalandi dito sa university?"
Kinunotan siya ni Doreen ng noo "Oo nabalitaan namin... Actually nandito nga yung isa sa harap namin ngayon e"
Inirapan siya ni Kathie at umalis na kasama sila Stella
"Aba anong kaartehan yung kanina? nanggigil ako dyan sa kaibigan mo ah Allison Faye" inis na sabi ni Doreen
"Kaibigan ko? baka kaibigan mo"
"Utot! matagal na kong inis don! pinapakisamahan ko lang"
Pumunta na kami sa canteen at tumabi sa mga kaibigan naming lalaki
"Tahimik mo ata boss Alli?" tanong ni Jerson
"Natatae kase ko"
"Kadiri ka talagang babae ka, pumunta ka ng cr kung natatae ka wag ka dito magkalat"
Inirapan ko siya "Di pede magjoke sis? kainis"
"Hi Kiero Trevor Angeles" pang iinis ko kay Kiero ayaw nya kasing tinatawag sa buong pangalan
"Anong trip mo?" seryoso nyang sabi
"Hala ang sungit naman ng bebe ko ngayon mukhang may mens nanaman..."
"Tss kiss mo ko para di na ko masungit" nagpapout na sabi ni Kiero
"Ay tulok! Tara kiss kayo ng paa ko"
Tinawanan nya ko at nagsimula na kaming kumain
"Bakit di na sumasama satin si Kathie?" kyuryosong tanong ni Kyle
"Wow di kana pipi. Congrats bro! I'm so proud" pang iinis sakanya ni Jerson
"Fuck you" sabay taas ng middle finger nya
"Hoy! wag kang ganyan Papa Kyle! Alam kong type mo ko pero wag mo naman akong finafuck fuck dyaan" dagdag pa ni Jerson
"Sali naman ako sa loveteam nyo, kahit ka love triangle lang" pagdugtong ni Kiero kay Jerson
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romance"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes