Chapter 7

4 2 0
                                    

Pagpasok ko sa room napansin kong wala pa sila Doreen at tanging si Kyle lang ang nandito. Naisip kong ipasa na ang plate para di na ko babalik pa mamaya

Tumayo ako at nilapitan si Kyle..

"Kyle pasa na tayo ng plate kay Sir Franco"

Inangat nya ang tingin sakin, mabilis na tumayo at kinuha ang plate nya

"Lets go"

Sabay kaming naglakad papunta sa faculty at dinala sa loob ang plate namin. Paglabas ng faculty ramdam kong sumakit ang tyan ko at parang nasusuka ako. Ganto kasi talaga ko tuwing nagpalipas ako ng gutom

Napahawak ako sa tyan ko at namalipit ng bahagya...

"Shit.. what's happening Alli?" tarantang tanong sakin ni Kyle

"K-Kyle.. ang sa-sakit ng tyan ko" hinang hina kong baling sakanya

Binuhat nya ko ng marahan at dinala sa clinic ng university...

"Nurse what's happening to her?"

Kinwento ko sa nurse na nagpalipas akong gutom kagabi at sinabing pahinga lang ang katapat neto

"Wag kana uli magpapalipas ng gutom, masama iyan at baka magka ulcer kapa"

May pinahid siya sa tyan ko na kung ano at pinainom ako ng gamot. Nangunot ang noo ko nang lumabas si Kyle ng clinic ng wala man lang paa paalam

Akala ko pa naman e mabait siya pero iniwan nya ko dito huhuhu

Limang minuto lang ang lumipas nang bumalik si Kyle na may dala dalang pagkain. Take out ito sa mcdo at mga prutas na di ko alam san nya nabili

"Here, eat this Alli"

"Nako! hulog ka ng langit Kyle gutom na ko.. the best ka talaga!"

Susubo ko palang ang pagkain nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa non ang mga kabigan ko

Tumakbo sakin si Doreen at si Kiero habang nahuhuli naman si Kathie at Jerson

"Shit mamamatay kana ba friend? ano?! sagot ko na kape at biscuit sa lamay mo kung sakali" pang aasar sakin ni Doreen

"Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo at nagkakasakit ka ha? Allison Faye..." seryosong baling sakin ni Kiero

Napatingin sila kay Kyle na tahimik lamang nakatayo sa gilid ko

"Mabuti nalang at tinext kami netong si gago at mukhang natataranta pa dahil ang natext lang ay "Sos Alli" tawang tawa na sabi ni Jerson

Nagtawanan silang lahat at tinulungan na nila ko kumain. Di pa man ako natatapos ay bumukas nanaman ang pinto at niluwa non si Train na mukhang nag aalala

"What happened Alli?! shit... are you okay? do you want me to bring you to the hospital?

"Di na kailangan Train. Maayos na ko at nakapag pahinga. Si Kyle ang nagdala sakin dito"

Tumingin siya kay Kyle...

"Thanks bro" sinsero nyang sabi

Nginitian lamang siya ni Kyle at bumaling na muli sakin. Pinipilit nila kong umuwi na pero sabi ko ayoko dahil maayos na ang pakiramdam ko

Hindi ako nilubayan ni Train hanggang sa room namin at pinipilit nyang dito lang daw siya sa tabi ko hanggang uwian. Para siyang bata na ayaw mawalay sa ina, ang cute cute nya...

Wala na kong nagawa kundi payagan siyang manatili sa tabi ko. Kilala siya ng mga prof kaya di siya pinapaalis ng mga ito. Ang laki ata kasi ng share ng magulang ni Train sa University namin at nag iisponsor pa ito madalas sa mga event

Uwian na at sabay sabay kaming mag kakaibigan na pumunta ng gate. Nakasanayan na kasi namin ang ganto simula pa last year

"Alli, lika sabay kana sakin tutal magkaparehas lang daan ng bahay natin" baling sakin ni Kiero

"I'll drive her home" singit ni Train

"Magkaiba naman kayo ng daanan.. mabuting ako nalang maghatid sakanya pre tutal madadaanan ko din naman ang kanila"

"But i want to drive her home. Dont worry, ayos lang sakin na mapalayo ako basta mahatid ko si Alli sakanila" banat pa ni Train

"Kung ganon isabay nyo nalang din pala ako. Mabait kana man e sagarin na natin" pang iinis ni Kiero sakanya

Nagtawanan ang mga kaibigan namin at nagkanya kanya na kami ng alis

Nasa passenger seat kami ni Kiero ngayon. Pinipilit ako ni Train na sa unahan umupo pero nahihiya ako kay Kiero dahil wala siyang kasama sa likod kaya dito nalang din ako

Bumaba na si Kiero nang makarating kami sakanila. Inuna siyang ihatid ni Train kaya naiwan kaming dalawa dito

"Lipat.." seryosong sabi ni Train

"Ayoko nga"

"Im not your driver Alli, kaya dito ka sa tabi ko"

"Sabihin mo muna, ang ganda mo Alli pakiss"

Natawa siya ng bahagya pero sinunod padin ako

"You are so beautiful Allison Faye, can you please seat beside me because i want to kiss you"

Namula ako sa sinabi nya at mabilis na lumipat sa harap dahil baka ano ano pa masabi netong bwisit na to

Nakaayos na ko sa pag upo pero nagtataka ako na limang minuto na at ayaw nya pa buksan ang makina ng sasakyan

"Train ano? forever na tayong dito? ayaw mo naman mag drive e" angil ko sakanya

Hindi siya sumasagot kaya mabilis ko siyang binalingan pero ganon nalang ang gulat ko nang mabilis nya din akong patakan ng halik sa labi...

Inistart nya na ang kotse at hinayaan akong lamunin ng kilig dito sa tabi nya. Anak ng patola! first kiss ko yon! at sa crush ko pa!

Nang makarating na kami sa bahay, bumaling ako sakanya at nagpaalam

"Ah.. Train salamat sa paghatid ah" nahihiya kong sabi

Nakangiti siya sakin ngayon at parang tangang nakatitig sakin. Ang gwapo ng lolo nyo grabe

Pinatakan ko siya ng halik sa labi at nagmadaling bumaba. Bago ko masara ang pinto nakita ko pang natulala siya sa ginawa ko. Anong akala mo sakin papatalo?! nek nek mo

Tumakbo na ko papasok ng bahay at dinamdam ang bilis ng tibok ng puso ko

First crush, first kiss, at mukhang first love ko na din ata si Train. Wala na hulog na hulog na ko... pano na?

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon