Chapter 6

6 2 1
                                    

Lunes na naman, makikita ko nanaman ang mga bwisit kong friends sa school. Excited nadin naman ako pumasok kase may ichichika ako kay Doreen mamaya. Sigurado matutuwa yun at ibabandera ang loveteam namin ni Train sa buong university

Nasa room na ko at pinagbabati na ang mga kaibigan kong pagong. Mukhang di naman nila napansin non na nawala ako nung Biyernes kaya keri lang

"Alli san ka nagpunta nung Biyernes? bat ka nawala?" tanong sakin ni Kiero

Akala ko pa naman e walang nakapansin kainis

"Samin siya natulog Kiero bakit ba?!" sagot sakanya ni Doreen

"Wala pangit mo" balik sakanya ni Kiero

Umalis na si Kiero at humarap sakin si Doreen at pinaniningkitan ako ngayon ng mata

"Pagbilang kong lima at di kapa nagkwento sakin ibubuking ko sa lahat na nag one night stand kayo ni Train"

"Ay gaga! virgin pa ko teh! ano kala mo sakin kaladkarin? slight lang no"

Nagtawanan kaming dalawa at kinukulit nya ko na magkwento

"Bakla... si Train ano kasi..."

"Ano nga?!"

"Buntis ako Doreen si Train ang ama"

Nanlaki ang mata nya at napanganga sa sinabi ko pero mabilis ding nakabawi ng may marealize siya

"Tanga! bilis naman palang may mabuo sa tyan mo.. ano ka alien? nung friday lang nangyari tapos buntis agad ngayon? taas mo naman mangarap friend"

"Panira ka talagang bwisit ka! fine eto na.. si Train sabi nya "I like you Alli"

Tumili siya ng pagkalakas lakas na akala mo e kaming dalawa lang ang nandito sa room

"What the hell Doreen!" inis na baling sakanya ni Kyle na kadadaan lang sa gilid namin

Inirapan siya ni Doreen "Paki mo nerd"

"Crazy.." sagot sakanya ni Kyle at nagpatuloy na sa pagpunta sa pwesto nya

Bumaling sakin si Doreen at kinurot kurot pa ko

"Di kaba nagdedeliryo lang friend? sigurado kaba dyan sa sinasabi mo? baka naman nananaginip kalang"

"Gaga gusto mo puntahan mo si Train at tanungin siya kung gano siya kapatay na patay sakin e"

"Ay wow naman haba ng hair ah? donate ka naman dyan"

Nagtawanan kaming dalawa at nakinig na sa klase namin

Nagpunta na kaming magkakaibigan sa canteen para mag lunch. Wala kong baon ngayon at sagot daw ako ni Doreen dahil kakasweldo nya lang sa part time job nya

Nakaupo na kami sa usual spot namin nang biglang may naglapag ng tray sa tabi ko

Sabay sabay napaawang ang bibig ng mga kaibigan ko...

"T-Train?" gulantang kong sabi sakanya

"Yieeeeeeeeeeee kinikilig akooooo!" tili tili ni Doreen sa gilid ko

"Can i seat beside you?"

"Bawal!" sagot sakanya ni Kiero

"Ay panira ka ng diskarte Kiero manahimik ka nga dyan!" sigaw sakanya ni Doreen

Lumingon ako sa paligid at nakita kong halos lahat ng estudyante dito sa canteen ay nagtataka bakit kami magkatabi ni Train ngayon

Nagsimula na kaming kumain lahat

"Ehem baka naman gusto mo kaming iinform Allison Faye. Baka lang naman gusto mo" nakakunot na baling sakin ni Jerson

Tahimik lamang si Kathie, Kyle at Kiero habang nakikinig

"I'm courting her..." sagot ni Train sakanya

Napaawang nanaman ang labi ng mga gago kong kaibigan

"Ha?! kelan pa?! bakit mo siya nililigawan!" sabat ni Kiero na mukhang naiinis

"Why? It simply because i like her. May problema ba doon?"

Natahimik na si Kiero habang padabog dabog pang kumakain. Muntanga ang bwisit hahahaha

Nagpatuloy na kami sa pagkain at paminsan minsan ay nagkukwentuhan. Naging magaan na ang paligid dahil nagkakausap si Jerson, Kyle at Train

Natameme nanaman ako nang punasan ni Train ang gilid ng bibig ko gamit ang kamay nya at pasimple nyang tinikman ang daliri

Mabilis kong tinignan ang mga kasama namin kung nakita ba nila pero mukhang hindi naman hashtag safe

Bumalik na kami sa room at nakasunod padin si Train hanggang makapasok ako sa loob. Ang sweet nya palang manligaw grabe nakakapanibago. Napansin kong hindi masyadong kumikibo si Kathie mula nung kumain kami sa canteen samantalang etong si Doreen e akala mo siya ang nililigawan sa sobrang kilig samin

"Pass your plate number 5 tomorrow at exactly 8am in the morning. Just put it in my table in the faculty. Ang mahuhuli ay di ko na tatanggapin pa" sabi samin ni Sir Franco

Ayan tuloy nagmadali akong lumabas nung uwian na dahil tatapusin ko pa ang plate ko sa bahay. Paglabas ko palang ng gate nakita ko na ang nakangiting mukha ni Train na nakahilig sa sasakyan nya. Lumapit ako sakanya...

"Kanina pa uwian mo diba? bat nandito kapa?"

"I want to drive you home"

"Di naman kita service para ihatid ako sa bahay"

"I will be your boyfriend soon, so i'll drive you home everyday"

Nangiti ako, papakipot paba ko e libre na to sabi nga ni nanay wag nagsasayang ng opportunity no

Sumakay na ko at nagmaneho na siya. Hawak nya ang isang kamay ko at nakapatong ito sa legs ko habang seryoso siyang nakatingin sa kalsada

Ganto pala pakiramdam ng may lovelife grabe ano kayang nakain neto at nagustuhan ako? ganda ko talaga hays

Nakarating na kami sa bahay, bago ako bumaba nagpasalamat ako sakanya

"Thank you Train ha, nakalibre ako"

"Always welcome baby" kinindatan pa ko ng mokong

"Wag ka ngang ganyan at kinikilig ako!"

He smirked "Masanay kana, i'll make you kilig everyday"

"Tse bwisit.." nangingiti kong banat sakanya

Bumaba na ko at kumaway sa papaalis na kotse ni Train

Pumasok na ko sa loob at dumeretso sa kwarto. Inikot ko ang buhok ko gamit ang lapis at nagsimula nang gumawa ng plate namin

Nagsabi naman ako kay nanay kanina na di muna ako bababa dahil may tinatapos ako. Mabilis na lumipas ang oras. Napatingin ako sa cellphone  ko at nakitang mag aalas dos na ng umaga. Hindi ko na nagawang kumain kanina dahil sa pagod. Ang hirap kasi ng plate number 5 namin kagigil

Tinapos ko na ang ginagawa ko at natulog na ng deretso kahit di pa kumakain ng hapunan...

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon