Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Hindi ako makapaniwala na nagkasama kami ni Train kahapon grabe hanggang ngayon kinikilig ako
Bumaba na ko para sabayan si nanay sa almusal. Naabutan ko siyang kumakain na at umiinom ng kape sa mesa
"Nay kanino po itong baunan?"
"Baka dyan sa kapit bahay natin. Pinagbaon ko siya baka magutom e kawawa naman" inirapan pa ko habang nagsasalita
"Nay?! sabihin mo sakin yung totoo! may jowa kana ba ulit? nagpaalam kaba sa puntod ni tatay ha?"
"Gaga! malamang sayo yang baunan. Sino ba ang nag aaral dito at kailangan ng baon ha? yung kapit bahay ba? malamang ikaw! ikaw lang naman ang anak ko"
"E kasi nay ngayon mo lang ako pinagbaon kaya nagtataka ako"
"Nauubos na kasi ang ipon ko Alli. Kaya magbabaon ka muna simula ngayon. Pinaghirapan ko kaya yang tortang talong at corned beef" sinsero nyang paliwanag
Natuwa naman ako kay nanay, ang swerte ko dahil never nya kong pinabayaan. Kailan man ay di nya ko hinayaan pumasok ng alam nyang magugutom ako. Simula mamatay si tatay ay nahirapan kami ng sobra ni nanay sa mga gastusin. Paglalabada at pamamalantsa lang kasi ang trabaho nya
Mabuti nalang ay nakakuha kami nila Doreen ng scholarship sa eskwelahan kayat walang gastos at binabayaran doon. Sabi nila e mayayaman lang daw ang nakakapag aral doon pero di nila alam na kapag matalino ka at matyaga e kaya mo din makapasok sa ganoong kamahal na eskwelahan
Nagpaalam na ko kay nanay at sumakay sa jeep papuntang eskwelahan
Mabilis lumipas ang oras habang nasa klase kami hanggang sa mag lunch break na at mag aya na ang mga kaibigan kong pumunta sa canteen
"Alli tara na.. Sabay sabay na daw tayo nila Kiero" pag aaya sakin ni Kathie
"Ah kasi may baon ako ngayon. Dito nalang siguro ako sa room kakain nakakahiya sa canteen no tas ganto ulam ko"
"Ano kaba naman Alli kelan kapa nagkaroon ng hiya sa katawan ha?" asar asar sakin ni Doreen
"Punyeta ka lumayo ka nga at baka di kita matantya dyaan"
Inirapan ko si Doreen at tatawa tawa naman siya sakin
Inakbayan ako ni Jerson at Kiero dahil alam kong di sila pupunta sa canteen hanggat wala ang isa samin
"Lika na kase Alli.. gusto mo kainin pa namin yang baon mo at ioorder kita sa canteen para di ka mahiya" sabi pa ni Kiero
"Wag kana mag inarte Alli di naman namin hahayaan na may mamahiya sayo doon no. Ako mismo aaway don" dagdag pa ni Jerson
"Oo nga girl.. Lika na kasi di ka naman hahayaan mapahiya doon" singit pa ni Kathie habang nakatitig sakin
"Ano girl? pakipot pa? dami na nag aaya sayo wag kana pabebe gusto mo ako mismo kumain ng luto ni Nanay Sali sa harap nila e. Pakielam ba nila!" pangungumbinsi sakin ni Doreen
Mabilis akong tumayo at inakay na ko ng mga kaibigan ko. Akbay akbay padin ako ni Jerson at Kiero habang papasok sa canteen. Nagkakasatan sila habang nasa gitna nila akong dalawa
Kalikot likot kakainis baka mamaya matapon pa tong baunan na hawak ko
Habang nagkakasatan silang dalawa ay nakita ko si Train na nakatayo sa harap namin kasama ang mga kaibigan nya. Nakatitig siya sakin na para bang nagulat siya sa presensya ko
Nagtititigan kaming dalawa ng biglang may tumakbong babae sakanya nang papalupot na ang babae sa braso ni Train, bigla nyang nasanggi ang baunan na hawak ko
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romance"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes