Chapter 20

4 1 0
                                    

Dumating na ang pinaka inaantay kong araw, ang birthday ni Train. Sabay sabay kaming pupunta nila Doreen sa bahay nila. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo halong kaba, saya at excitement

"Bakla ayos lang ba ang itsura ko?"

"Nako! napakaganda mo bakla kahit sino mapapalingon sayo e" eksaheradang sagot ni Doreen

"Natatakot ako sa mommy nya"

"Relax Alli, we're here. We'll protect you" singit naman ni Kyle

Nakarating na kami sa bahay nila Train. Sinadya kong di magtext sakanya maghapon dahil gusto ko siyang sorpresahin ngayong gabi

Pumasok na kami at binati ang ilang kakilala namin dito. Hinahanap ng mata ko si Train pero di ko siya makita. Humiwalay ako kela Doreen dahil gustong gusto ko nang ibigay ang regalo ko kay Train

Nakasalubong ko ang mommy nya

"Oh dear, nice to see you here"

"Nasaan po si Train?"

"Guess what iha..." nakangisi nyang sagot

"Just go upstairs in his room. Pangalawang kwarto, just look for the blue door sa second floor" dagdag nya pa

Mabilis akong umakyat dahil pakiramdam ko ay may maling nangyayari

Nahanap ko agad ang asul na pinto. Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ang paglakas ng kabog ng dibdib ko

Parang gumuho ang mundo ko nang makita kong nakapatong si Kathie kay Train. Putangina ang sakit!

Binuhos ko ang lahat ng lakas ko sa pagtakbo at pagtulak kay Kathie papaalis kay Train. Gusto ko siyang sampalin, sabunutan, suntukin... pero parang biglang namanhid ang buo kong katawan

Napansin kong parang wala sa tamang wisyo si Train. Di siya makadilat ng maayos at parang wala siya sa sarili nya

Hinarap ko si Kathie at sinampal ng pagka lakas lakas

"Tangina mo! anong ginawa mo ha?!"

"Bakit? inggit ka? or di mo matanggap na pinagtaksilan ka ni Train?" nakangising sagot nya

Sinampal ko ulit siya "Pinagtaksilan? gago kaba?! kita mo ba yung mukha nya.. wala siya sa sarili nya! anong pinainom mo dyan ha!"

"Okay lang sampalin mo ko kung dyan mo nalalabas ang galit mo, di kita papatulan. Alam mo madali lang pala akitin si Train.. painumin mo lang ng alak na may drugs pwedeng pwede na... pwede nang patungan" at tumawa siya ng malakas na akala mo nababaliw na

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Di ko alam anong gagawin ko tangina gusto kong patayin tong nasa harap ko kaso hindi pwede

Agad kong nilapitan si Train at tinapik tapik sa mukha

"Train... Train..." tawag ko sakanya habang tumutulo ang luha ko

Ungol lamang ang sinagot nya sakin

"Train.. please tara na"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mommy ni Train

Nakangiti siyang bumaling sakin "How's the show dear? is it nice?"

"Pano mo nagawa to sa anak mo?! anong klase kang ina!"

"Opps easy lady... i told you I'll make you hate Train to death. Kung ayun lang ang dahilan para layuan mo siya edi gagawin ko talaga"

Lalapitan ko sana si Train pero tinulak ako ni Madam Leanne. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko

"You stay away from my son! umalis kana dito bago kita ipakaladkad sa guard!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon