Chapter 3

14 4 10
                                    

Hindi ko pa po naeedit :(

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil madami daw announcemet si Ma'am Dela Vega sa amin. Ayaw non ng late kaya walang sino man ang nagtatangkang mahuli sa klase nya

"Goodmorning" bati nya sa amin

"Goodmorning Ma'am Dela Vega" sabay sabay naming bati sakanya

"I just want to remind you all that intramurals is coming and i want you to cooperate with our department booth. May grade sa akin ang tutulong doon"

Umalingawngaw agad ang bulungan ng mga kaklase ko

"Shhh. I'm still talking class. As what i am saying may booth nga tayo at kasama natin ang mga tiga Business Ad. Nag bunutan kaming mga prof ng magkakasamang department at nabunot ko ang Business Ad at kayong Engineering department"

Umapaw ang tilian ng mga babae dahil nasa Business Ad daw ang grupo nila Train. Hindi sila mapakali sa kakabulong sa mga katabi nila kung pano sila magpapapansin sa mga boys doon

"Next next week pa naman yun kaya for sure next week pa mag iistart ang preparations. So for now, class dismiss"

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko kanya kanya na silang labas

Nakatulala pa ko ng hampasin ako ng bag ni Doreen

"Baklaaaaaaa! excited na ko grabe makakasama natin sila Shan kinikilig ako!" sabin nya habang tumitili pa

"Ano naman sakin?"

Inirapan ko siya at inaya na lumabas. Gusto ko kasi umuwi ngayon ng maaga at mag review may exam pa kami bukas kay Ma'am Olga

"Punta naman tayong mall.. kahit arcade lang ganon" nagpapout na naman si Doreen

"Oo nga girl punta tayong mall ngayon balita ko tambay daw doon sila Train" dagdag pa ni Kathie

Mabilis akong napatingin sakanya at naningkit ang mga mata ko

Kelan pa siya nagkainteres kay Train ha? Anak ng tinapa akala ko ba e walang agawan sa friendship na to

"Sige pero saglit lang ha.."

Nakita kong ngumiti ng bongga si Kathie at parang kinikilig kilig pa. Alam kong di lang ako ang nakakaramdam ng parang may mali sakanya dahil maski si Doreen ay nakatingin sakin ngayon. Parehas siguro kami ng iniisip..

Naglalakad lakad kami ngayon sa mall at sa kasamaang palad ay nakasalubong namin sila Train, Shan, Miguel at..... wait? bakit may nakakapit na tuko sa braso ni Train? siya din yung sa canteen kahapon ah!

"Oh wait... you are the girl yesterday right?" tinignan nya ko mula ulo hanggang paa

Aba may pa head to toe si ateng! akala mo naman kinaganda nya yung pagtingin nyang ganon. Gaga mukha kang tuko!

"Oo bakit? siya nga? ano bang pakielam mo sa kaibigan ko ha?!" inis na sabi ni Kathie sakanya

Hala? kelan pa ko neto pinagtanggol? totoo ata ang himala

"Im sorry pero di ako pumapatol sa palengkerang katulad mo duh" maarteng banat nung tuko kay Kathie

Tinulak siya ni Kathie at tinulak din siya ni tuko. Nagulat ako ng matumba si Kathie kay Train

What the hell? napayakap pa siya kay Train ngayon. Nagkatinginan kami ni Doreen at iiling iling siya na parang sinasabi sakin na "may traydor"

Tinggal ni Train ang yakap sakanya ni Kathie at bumaling sa mga kaibigan nya. Hinila siya ni tuko at tumingin ulit samin

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon