Pagpasok ko kinabukasan bumungad agad sakin si Doreen
"Bakla alam mo ba napanaginipan ko si Shan, ikakasal na daw kami"
"Ay gaga panaginip nga talaga yan" biro ko sakanya
"Alam mo ikaw di ko alam kung kaibigan ba talaga kita napakapanira mo ng imagination e!"
"Oo nga pala may sasabihin ako sayo.."
"Nagsex na kayo?!" bintang nya sakin
Inirapan ko siya "Anak ka ng pating! sex agad? di ba pedeng may part time job na ko?"
"Ay teh sana all! saan yang part time job mo? gusto ko din mag part time" nagpapout na sabi nya
"Sa coffee shop dyan sa may malapit. Alam mo yung tambayan nila Jerson noon"
"Ay gagi.. Kela Leo yun diba?!"
"Pano mo nakilala si Sir Leo?"
"Tange sikat din yan sa Business Ad! napaka gwapo din nyang si Leo e"
"Mas gwapo si Train ko no"
Umirap siya "Syempre si Train lang naman nakikita mo gaga"
Lumipas na ang oras hanggang sa mag uwian na
Excited akong lumabas dahil first day ko sa trabaho. Natanaw ko agad si Train na nakasandal sa sasakyan nya habang inaantay ako
Niyakap ko muna siya bago kami sumakay sa sasakyan nya
"I'll wait for you until you're done with your work"
"Wag na Train, maiinip ka lang at matatagalan. Di mo naman kailangan gawin yun"
"I want to drive you home after Alli. I want to make sure that you're safe"
"Promise safe akong makakauwi. Promise talaga peksman mamatay man si Kathie"
Natawa siya sa sinabi ko at hinawakan ang isa kong kamay. Nakahinto na kami ngayon sa coffee shop
"Una na ko Train. Mag ingat ka sa pagdadrive ha"
"I told you I'll wait.." nagpapout pa siya
"Wag ka ng makulit please! I love you Train sige na.."
Hinalikan ko siya sa lips ng mabilis
"Fine, you are using my weakness Allison Faye" inirapan pa ko ng poging to
"Babye baby!" maligaya kong sagot
Bumaba na ko at pumasok sa coffee shop. Nagpalit nadin ako ng polo shirt at skirt na uniform ng mga nandito
"Ako si Keisha, dalawang taon na ko dito. Lumapit ka lang sakin pag may kailangan ka" nakangiting sabi nya sakin
"Akala ko naman masungit ka! kahapon kasi kung makatanong ka sakin na anong kailangan ko kay Sir Leo wagas e"
"Baliw! akala ko kase babae ka ni Sir Leo. Crush ko kasi yon"
Nagtawanan kaming dalawa at nag asaran ng kaunti
"Here's your order ma'am"
"Thanks" maikling sagot ng customer
Nanlaki ang mata ko ng pumasok ang grupo nila Stella dito kasama si Kathie
Nagkatinginan kami at nginisian nya ko
"Here's your order"
Dinampot nya ang kape at tinapon nya ito sakin
"Shit... aray" napasigaw ako ng bahagya sa hapdi ng braso ko dahil sa paso
"Opss sorry Alli, di ko sadya" maarte nyang sabi sakin
"It's okay...ma'am"
"Linisin mo nalang tong natapon ha"
Mabilis akong nagpunta sa stock room at kinuha ang pamunas ng mesa
Napaaray ako ng may humablot ng braso ko
"Aray masakit"
"What happened to you Faye?" nag aalalang tanong ni Leo
"Wala po Sir, natapunan lang... a-aksidente po"
"Bullshit. Let me put some ointment to your burn"
"Nako sir wag na po, lilinisin ko pa yung mesa e"
"No, give it to Keisha.."
Inutos nya kay Keisha ang paglilinis at eto kami ngayon nakaupo at pinapahiran nya ng ointment ang burn ko
Maya maya ay nakarinig kami ng sigaw sa labas. Naabutan namin si Keisha na sinisigawan ni Kathie
"I want Allison to clean this mess, not you bitch!"
Medyo naiiyak na si Keisha dahil sa pagsigaw sakanya nito
"So-sorry po ma'am ginagamot po kasi siya"
"No! I want her here! di nakakamatay ang burn duh..." maarteng balik ni Kathie
Nagulat ako nang dere deretsong nagtungo doon si Leo
"What's the problem?" mababang tanong nya
"Hi Leo!" bati ni Stella
Di siya pinansin neto at tumitig kay Kathie
"Why are you looking for my employee?" may diing tanong nya
"I- I want her to clean this" natatarantang sabi ni Kathie
"No. She's not available, if you will not allow Keisha to clean this.. why don't you do it instead?" He said while smirking
"Why would i?! I'm not your employee!" sigaw pabalik ni Kathie
"So let Keisha clean this"
Umalis na siya doon at dumeretso ulit sa loob habang hatak hatak ako
"Thank you Sir Leo" nahihiyang sabi ko
"No problem. I won't let anyone insult my employee here in my coffee shop"
Tinuloy nya ang pagpapahid ng ointment. Di nya na muna ako pinagtrabaho at pinilit nya kong ihatid sa bahay
Pagkarating sa gate namin ay mabilis akong nagpaalam sakanya
"Thank you po ulit sir, dami nyo pong nagawa para sakin ngayong araw"
"Always welcome Faye, you can pay it to me"
Nanlaki ang mata ko "P-Po?! bayad? nako wala po akong pera Sir Leo"
"I'm not asking for money..."
"Ano po pala?"
"Date me Allison Faye..."
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romantizm"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes