Ngayon ang start ng preparation para sa intramurals next week. Kaya eto kami ngayon walang klase at nag aayos ng booth na naka assign samin. Busy ngayon ang karamihan sa kani kanilang club pero kami hindi pwedeng umalis dito at di tumulong dahil lagot kami kay Maam Dela Vega
Magkasama ngayon ang Business Ad at ang Engineering department. Food booth ang inaayos namin ngayon. Napag kaisahan naming juice, softdrinks, donut, waffle at sandwich ang ibenta bukas. Mamimili lang sila ng donut at waffle sa labas tapos ibebenta namin dito sa loob dahil wala naman pedeng maggawa sa amin noon
"Bakla tignan mo yung mga tiga Business Ad... tingin mo ba e kelangan kong makipag kaibigan sa isa sa mga yan? kasi diba mga future tagapagmana ng mga business ang karamihan dyan?" seryosong baling sakin ni Doreen
"Ako gusto ko yung mga katulad ng nasa grupo nila Train. Gwapo na, mayaman pa san kapa diba?" kinikilig na ani ni Kathie
"Sino ba sa grupo nila Train ha? o baka naman si Train mismo ang gusto mo" inis na sabi sakanya ni Doreen
"Hala! hindi ah. Eto naman diba nga bawal ang mang aagaw sa friendship na to.. ano ano pinagsasasabi mo dyan sis"
"Siguraduhin mo lang at kung hindi e kakalbuhin kita nako"
Nagpatuloy kami sa ginagawa naming pag didisenyo dito sa tent namin sa ground ng school. Kaming mga girls ang taga disenyo at ang mga boys naman ang taga buhat ng kung ano ano
Wala dito ang grupo nila Train dahil busy sila sa pag eensayo ng basketball para sa laban nila sa intrams. Kaya naman walang mga haliparot na kinikilig kilig ngayon at seryoso lamang ang lahat sa ginagawa
Bumukas ang pintuan at niluwa non si Shan, Miguel at Train na pawis na pawis. Kasasabi ko pa nga lang na nag eensayo sila tas andito na agad?
Nagbulong bulungan ang mga kababaihan na kasama naming nag aayos ng booth. Pero di sila pinansin ng grupo at dumeretso si Train sa akin. Agad akong napangiti sakanya nang mabilis nya kong hinalikan sa pisngi. Namula ang mukha ko at nahiya sa ginawa nya
"Im tired baby, i need a yakapsule from my Alli" paglalambing nya sakin
"Yakapsule mo mukha mo" kunwaring pag iinarte ko
"Boom basag bro!" asar sakanya ni Miguel at Shan
"Atleast ako may baby e kayo?" banat nya sakanila
"Walang ganyanan bro, masyado kang namemersonal e"
Napatingin kami sa gawi ni Kathie nang umaray siya dahil nabagsakan ang paa nya ng box na may lamang mga gamit
"Aw, shit. Ayos lang ako" at ngumiti siya sa amin
Naglakad siya papunta sa iba pang box na nasa gawi namin ng bigla siyang pahawak kay Train dahil natapilok siya
Tangina.. Bat ako naiinis?
Inalalayan siya ni Train at dinala sa upuan. Tumingin sakin si Doreen, alam kong fan na fan to ng loveteam namin ni Train kaya di siya papayag na may humadlang na haliparot. Nagmartsa siya papunta kay Kathie. Tinabig nya si Train...
"Chupi! ako na bahala dito" inis na sabi nya
Bumalik sakin si Train pero di ko siya kinibo. Alam kong wala akong karapatan mag inarte pero para kasing sinasadya ni Kathie yung mga kaartehan nya kay Train
Niyakap ako ng bahagya ni Train pero mabilis akong umiwas at nagkunwaring may kukuhaning box sa gilid nila Miguel
Bubuhatin ko na sana ang box nang biglang agawin sakin to ni Miguel at sinabing siya na daw ang magbubuhat. Nakita kong kumunot ang noo ni Train sakanya. Akala ko e susuntukin nya si Miguel pero inagaw nya ang box mula dito at siya ang nagbuhat. Isip bata talaga..
BINABASA MO ANG
Scar of the Past
Romance"You are the scar that taught me the greatest lessons of my life. The scar that reminds me of the pain and happiness i experienced in the past. You are the scar that will be forever marked to me" - Allison Faye Cortes