Chapter 14

1 1 0
                                    

Kinabukasan pag pasok ko ramdam ko ang ang bigat ng paligid. Hindi pinapansin ng mga kaibigan ko si Kathie

Nakikita ko din ang paminsang tingin ni Kathie samin na parang gusto nya kaming lapitan

"Doreen bat parang iba pakiramdam ko sa paligid"

"Masanay kana bakla ganyan magalit ang boys natin" ngumiti pa siya habang sinasabi

Nakinig na kami sa prof hanggang sa dumating na ang lunch break

"Tara na Alli" sabi sakin ni Kiero at kinuha ang bag ko

Hinatak na nila ako at nilagpasan si Kathie na lalapit sana samin

Umupo kami sa usual spot namin at dumating na din si Train kasama ang mga kaibigan nya. Nakiupo sila samin at masaya namin silang tinanggap

"Shit bakla... kinikilig ako nandito sa table natin si Shan" kinikilig kilig na ani ni Doreen

"Wag ka maingay baka marinig ka nyan"

Kinagat nya ang labi nya "Dapat magmukha akong dalagang mahinhin para maakit ko siya. Nakita ko kasi sa ig yung mga ex nya, mukhang mahihinhin yung tipong mukhang di gagawa ng kabalastugan"

"Push mo yan teh, ewan ko sayo"

"Anong pinag uusapan nyo baby?" bulong sakin ni Train

"Natatae daw si Doreen sabi nya"

Napatingin siya kay Doreen at saktong lumingon sakin si Doreen na para bang kinakausap nya ko gamit ang mata na "Anong sinabi mo sakanya?!"

Tumawa lamang ako ng bahagya at nagpatuloy sa pagkain

"Ang sweet naman dito parang nilalanggam ako bro" biro ni Miguel kay Train

"Mapapa sana all kana lang talaga" dagdag na biro ni Jerson

Nakakatuwa silang tignan kasi para kaming isang buong barkada

Napapansin kong tahimik lang lagi si Kiero pag kami ni Train ang usapan, ewan ko ba sa lalaking yun kung ano ang trip sa buhay

"Shan alam mo bang may nagkakacrush sayo?"

Nanlaki ang mata ni Doreen at bahagyang nasamid sa sinabi ko

"Yeah i know Alli. Ang dami ko kayang fan girls dyan" mayabang na sagot ni Shan

"Yabang naman this boy" tawa tawang sagot ko

Mabilis na iniba ni Doreen ang topic, alam kong iniiwasan nya na mabuking ko siya kay Shan

"Nagmomodel ka diba Miguel?" tanong nya

"Yes why?" nakangiting sagot ni Miguel

"Wala lang pangarap ko din kasi maging model"

"Mahiya ka nga sa pinagsasasabi mo Doreen. Kilabutan ka naman kahit onti" pang bubully ni Kiero sakanya

Anak ng tokwa bat biglang ginanahan tong si Kiero? pag ibang topic nakikisali siya bat pag sakin tahimik tss

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Kathie na mag isang kumakain sa isang table

Bat di nya kasama sila Stella ngayon? ano to nagpapa awa samin

Bumaba ang tingin ko nang nakita ko si Train na nagbabasa ng text sa cellphone nya

"Baby, may business meeting akong pupuntahan mamaya. Di daw kasi pwede sila dad kaya ako ang pinapapunta"

"Walang problema Train.."

"Baka di din ako makapag focus don.."

"Bakit naman?"

Ngumiti siya "Ikaw kasi lagi tumatakbo sa isip ko Alli"

"Enebe Train weg ke ngeng genyen"

Tumawa siya ng malakas dahil sa pinagsasabi ko

Bumalik na kami sa room at nakinig sa mga prof namin

Dumeretso na kami sa gate at nag kanya kanya. Pumasok na ko sa sasakyan ni Train dahil nakasanayan na namin ang paghahatid nya sakin sa bahay

"I'll miss you baby" nagpapout pa ang mokong

"Di pa nga tayo naghihiwalay ngayon may pa miss kana dyan"

"Kahit naman magkasama tayo miss padin kita"

"Tss pafall.."

"Atleast mahal mo" mayabang na sabi nya

Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko

"Suko na ko boss wala kong pang laban sa sinabi mo kasi totoo yan"

He smirked "I love you more my Allison Faye"

Nakarating na kami sa bahay at hinalikan nya ko sa lips ng mabilis bago bumaba

Inantay ko munang makaalis ang sasakyan nya bago tuluyang pumasok sa loob...

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon