Chapter 1

23 4 12
                                    

"Alli! si Papa Train oh!" tumatalon talon na sabi ni Doreen

"Shit tumahimik ka nga Doreen! baka marinig tayo nyan"

Madalas kaming dumaan sa classroom nila Train para silayan sya. Sikat na sikat sila ng barkada nya dito sa school dahil grupo daw sila ng mga gwapo at mayayaman

Kailan man ay di ako lumapit kay Train dahil ayokong masungitan ako at tawaging stalker nya. Sa dami ba namang babae ang nagkakandarapa sakanya e never syang namansin sa kahit sino sakanila

Mabilis kong hinatak si Doreen pabalik sa room namin at naupo na sa upuan namin

"Sis ano? hanggang patingin tingin ka nalang ba? kawawa naman ang kaibigan ko" tukso tukso nya pa

"Shhh ang ingay mo... baka mamaya e mapagalitan tayo ni Ma'am dragon" bulong bulong kong baling sakanya

"Miss Cortes and Miss Dela Cruz, kung magchichismisan lang kayo sa klase ko mas mabuting lumabas na kayo!"

Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Ma'am dragon samin. Kulit kasi ni Doreen sinabi ng baka mapansin nanaman kami tuloy tuloy padin sa panunukso

"Sorry po maam nagtatanong lang po si Doreen about sa lesson nyo" lumusot ka please lumusot ka

"Opo maam! tinatanong ko lang po kung bakit pa kailangang kabisaduhin ang periodic table kung gumawa na nga po ng kopya si Mendeleev para di na tayo mahirapan pa" tatango tango pa sya habang sinasabi yun

Mabilis na nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa sinabi nya. Mukhang mas nagalit pa si Ma'am dragon dahil sakanya. Inaannounce nyang kabisaduhin namin ang periodic table at isa isa kaming mag rerecite sa harap bukas

Kahit kelan e pahamak talaga tong si Doreen. Lumabas na kami ng pinto dahil pupuntahan namin sila Kathie sa canteen. Nauna na sila doon at nag reserve ng upuan para samin ni Doreen

Lagi kasi kaming dumadaan muna sa room nila Train para sumilay kaya nauuna sila sa canteen

"Hoy dito!" sigaw ni Kiero na kakaway kaway pa

Naupo na kami ni Doreen at nagsimulang kumain

"Gago ka talaga Doreen dinamay mo pa kami a periodic table na yan!" inis na sabi ni Jerson sakanya

"Aba e malay ko bang maiinis sya sa sinabi ko! totoo naman e di naman dapat kabisaduhin yun tss" inirapan pa sya ni Doreen

"Alam nyo sabay sabay nalang tayo magkabisa para masaya" sabi naman ni Kathie samin

"Wag na natin isama si Kyle at Alli alam naman natin na kaya nilang makapag recite at makabisado agad yun lahat" pang aasar ni Kiero samin

"Sus kasalanan ko bang nag aaral akong mabuti kesa sainyong mga bulakbol" inirapan ko si Kiero

"Ouch!" sabay sabay na sabi ng boys na kala mo e totoong nasaktan sa sinabi ko

"Gago" sabi pa ni Kyle

"Shit may nagsalita! minumulto ba ko o narinig nyo din?" lilingon lingon pang banat ni Jerson sa paligid

Nagyakapan sila ni Kiero at kunwaring nanginginig pa

"Pare mukhang minumulto na tayo.. Sabay tayong magdasal bilisan mo" dagdag pa ni Kiero

"Mga gago!" inis na sigaw ni Kyle sakanila

Nagtawanan kaming lahat dahil lagi nilang pinagtitripan si Kyle. Siya kasi ang pinakatahimik sa grupo. Wala syang ginawa kundi ang magbasa ng libro tuwing magkakasama kami

Sabay sabay kaming umakyat sa room para magklase

Pagkatapos ng mahabang pakikinig ay dumating nadin sa wakas ang uwian

Scar of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon