"Asul na kalangitan, ngayon ay dumidilim,
'Di inaasahang panauhin, muli bang patutuloyin?"
..
"Ella." Pag tawag sa akin ni Pres. Sela ang nag pa tigil sa pag aayos ko ng sariling table.
"Yes Pres?" Nilingon ko siya mula sa kinauupuan ko. Seryoso siyang nakaharap sa laptop niya upang taposin ang mga dapat niyang gawin ngayong araw. She's the student council president kaya mabigat ang responsibilidad niya. Actually, pareho kami dahil ako ang assigned student council vice president. Sa sobrang busy namin dalawa ay naiwan na kami ng mga officers dito sa SSC office.
"Natapos mo na ba 'yung kailangan ni Prof. Mendez?" Sinulyapan niya ako kasabay ng pag haplos niya sa kanyang sentido. Sa singkit niyang mga mata ay mababakas ang matindi niyang pagod. Lahat kami ay exhausted sa araw na ito dahil isang linggo na lamang ay mag bubukas na ang klase.
"Yes Pres. Dinala ko na kanina sa office niya." Sagot ko na ikina-tango niya.
"Good. You can go home now." Sa sinabi niya ay saka ko lamang na-realized na madilim na pala sa labas. I glance at my wrist watch. It's seven o'clock in the evening. Buti na lamang at na-informed ko sila Papa at Mama na gagabihin ako sa pag uwi.
"How 'bout you?" May pag aalalang tanong ko. Kahit alam kong sanay na siyang umuuwi ng gabi dahil sa dami ng dapat taposin ay nag aalala pa rin ako para sa kanya. She's not only the SSC President for me, but a good friend.
"Don't worry, I'll be fine." Muli siyang bumalik sa pag tipa sa laptop niya at walang senyales na mapipilit ko siyang umuwi. Sabagay ay mayroon naman siyang body guard na nag hihintay sa parking bukod sa mga security guards na nag iikot sa buong school.
"Okay, just text me when you get home." Mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil kanina ko pa gustong ipahinga ang katawan sa mag hapon na gawain. "Ingat sa pag uwi." Paalala ko.
"You, too." Maikli niyang sagot bago ako lumabas ng SSC office.
Mabilis akong nakarating sa student parking. Nakita ko roon si kuya Juancho, Sela's driver-body guard. Ngumiti ako and greeted him, good evening.
Pabagsak akong naupo sa driver seat ng kotse ko at ibinaba ang shoulder bag sa shot gun seat. It's a night blue Honda Civic na regalo ni Papa noong debut ko.
Matapos buhayin ang makina ng sasakyan ay nag pa tugtog ako. Kinaugalian ko na mag sound trip habang nag da-drive.
Nakita kita sa isang magasin
Saktong Eraserheads ang banda na kumakanta. I'm an old soul dahil mahilig ako sa mga lumang tugtogin katulad nito.
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y greenBahagya akong napasulyap sa aking cellphone at nakita ang text ni Caleb, na palagi naman niyang ginagawa.
'Hon, can we talk?' I rolled my eyes sa nabasa kong text niya.
'Please.' Napabuntong-hininga ako dahil sa kakulitan niya. Hindi pa rin talaga siya tumitigil to win me back kahit sinabi ko na noon sa kanya na tapos na ang lahat sa amin.
Sa isang tindahan
Sa may BaclaranTinapos niya noong lokohin niya ako sa araw pa talaga ng anniversary namin. I caught him cheating with another girl na kakikilala lamang niya sa isang bar.
BINABASA MO ANG
When September Ends (Completed)
Fanfiction[ASTRAIOS 1] She's Gabrielle Orion Skribikin, the girl who believe that what's mean to be yours is already making its way to you. (UNDER EDITING) A.❤️