November, 2024.
Every 2nd of November, most of the Filipinos celebrate All Souls Day. It is the day when we remember our loved ones who have passed away. This special occassion calls for much preparation as families will visit the graves of their ancestors before holiday to clean up the area and perform maintenance.
I am currently here at Batangas cemetery with the Amat's family. It's six o'clock in the evening kaya mapapansin na rin ang mga lights na nasa paligid ng bawat daan. May mga dala kaming mga pagkain dahil uso rito ang pagpapalipas ng gabi. Hindi naman nakakatakot dahil maraming ilaw at mga tao sa paligid na may kanya-kanya rin na ginagawa.
Frances and I are decorating the graves of their grand parents with flowers and candles. While Tito and Tita are fixing the tent. Huminto ako saglit habang si Frances ay patuloy sa pagsisindi ng mga kandila.
"Hindi pa ba bumabalik si Ella?" Maya-maya'y tanong ni Tito Allan.
"Not yet, Tito." Sagot naman ni Frances.
"Pwede bang sundan mo na, bunso?" Pakiusap ni Tita Lena na kaagad sinagot ni Frances.
"Po? But I'm afraid of ghost po. Baka may ghost po somewhere." I don't know kung takot ba talaga siya sa multo dahil nakasmirk naman siya ng tumingin siya sa akin. "Ate Gabb will do that for me, right ate?" Nag taas-baba pa ang mga kilay niya kaya alam kong sinasadya niya talaga ito.
"Huh?" Oh no!
"Pwede ba, Gabb?" Tanong ni Tita na ikina-ngiti ko ng alanganin.
"Y-Yes po." Pilit ang ngiti na sagot ko saka sumimangot ng mapatingin kay Frances.
"Salamat, Gabb. Mag i-ingat kayo ni Ella pag balik dito." Paalala ni Tito.
"Opo." Wala akong nagawa kundi tumayo at umalis sa pwesto ko para sundan si Ella. May ten minutes na kasi siyang nakaalis mula kanina. Nagpaalam siya na kukunin lang ang powerbank niya sa kotse.
Nag simula akong maglakad papunta sa parking. Marami akong tao na nakakasalubong at nakakasabay kaya hindi naman ako natatakot. Ang ikinatatakot ko lang ay ang idea na si Ella ang susunduin ko at makakasabay ko pabalik. Lalo pa at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano bang ginawa kong kahihiyan noong birthday niya? Nagising na lang ako noon na iba na ang suot kong damit. Tinanong ko si Tita kung sino ba ang naghatid sa akin paitaas ng kwarto ko dahil hindi ko talaga maalala na kusa akong nakarating doon. Halos nag freaked-out ako ng sinabi niya na si Ella ang nag hatid sa akin sa kwarto ko. Muntik na talaga akong mag choke sa harapan nila kung hindi dinugtongan ni Tita ang sinabi niya na siya raw ang nag palit ng damit ko. Ang ipinagtataka ko lang ay nang nag pasalamat si Ella sa regalo ko. Wala akong natatandaan na ibinigay ko iyon sa kanya. O baka sa sobrang kalasingan ay naibigay ko na pala iyon sa kanya? Swear! Hindi na talaga ako mag i-inom. Hassle!
Huminto ako ng mapansin ko si Ella na naglalakad papunta sa direksyon ko. Kumaway pa siya sa akin ng mapansin niya na nakatingin ako sa direksyon niya. Heto na naman! 'Yung malakas na tibok ng puso ko sa'twing lalapit siya. I don't know pero lately ay nararamdaman ko 'tong ganitong feeling sa'twing lalapit siya o malapit siya. Ayokong isipin na bumabalik na naman ako sa dating ako. No! That would never happen! Nakuyom ko ang dalawang kamao sa isiping iyon.
"Gabb, where are you going?" Nakangiting tanong niya ng makalapit sa akin.
"Pinapasundo ka na nila Tito." I act cool saka nag lakad pabalik.
"Sila Mama talaga, napaka nerbiyosa." Napansin kong pumantay siya sa paglalakad ko.
"They are just worried. In case you forgot, you're their unica hija." Sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid. Napansin ko pa ang ilang kalalakihan na habol ang tingin dito sa kasama ko. Binigyan ko ng masamang tingin ang iba sa kanila. Lalo na 'yung mga mukhang asong ul*l na halos tumulo ang laway dahil sa pag papantasya dito sa kasama ko. Ngayon ako naniniwala na hindi nakadepende sa suot ng babae kung babastosin siya ng lalaki. Kagaya na lang ni Ella, she's wearing a simple Mulan print over-sized t-shirt dress with mirror taping and a pair of white shoes. Walang kabastos-bastos sa pananamit niya pero may mga mata pa rin talaga na ang sarap tusokin. Badtrip!
BINABASA MO ANG
When September Ends (Completed)
Fanfiction[ASTRAIOS 1] She's Gabrielle Orion Skribikin, the girl who believe that what's mean to be yours is already making its way to you. (UNDER EDITING) A.❤️