January, 2020.
"Ma, kanino po 'yung bike na nasa harapan?" Tanong ko kay Mama habang nagluluto siya ng almusal namin.
"Christmas gift raw sayo ni Gabb sabi ni Clara." Sagot niya na ikina-tigil ko sa pag inom ng hot chocolate.
Lumapit ako kay Mama dahil para akong nabingi sa sinabi niya. "P-Po?"
Nilingon niya ako mula sa tabi niya saka nag salita, "Kaya ikaw, h'wag mo ng sinusungitan 'yung bata. Gusto laang makipag kaibigan eh kaarte-arte mo naman."
"Ma naman!" Nag pout ako dahil ang harsh ni Mama sa akin. Hindi naman niya alam kung bakit ako gay'on sa makulit na 'yon.
"Hala sige, ikaw eh mag pasalamat at sabi ni Clara eh pinag iponan pa 'yun ni Gabb." Pahabol pa niyang sermon sa akin. "Magaling pa ang batang 'yon, marunong mag ipon samantalang..." Umalis ako sa tabi niya ng maubos ang hot choco na iniinom ko. Lumabas ako dahil ayokong mag almusal ng sermon mula kay Mama. Nilapitan ko ang bike na naka stand sa labas ng gate namin. Halos mag ningning ang mga mata ko ng matitigan ito. Grabe! Ang ganda! Kinuha ko ang card na nakalagay sa basket na nasa unahan ng bike.
If someone makes you happy, make them happier.
Your star, Orion.
Kusa akong napangiti dahil sa nabasa. Isinuksok ko ito sa bulsa ng shorts ko saka hinawakan ang bike na nasa harapan ko.
"Good morning, ate Ella." Napapitlag ako at bumitaw sa bike dahil kay Gabb.
"Morning." Tipid akong ngumiti. Sakay siya sa bike niya at mukhang kakauwi laang. Saan naman kaya siya nanggaling?
"Did you like it?" Nakangiti niyang tanong saka sumulyap sa bike na ibinigay niya.
"Hindi ka na sana nag regalo." Nahihiya kong sagot. Oo, may gusto siya sa akin pero hindi naman ako katulad ng iba na ita-take advantage 'yung nararamdaman niya para sa sarili kong interes. "Siguradong mahal ang..."
"I'm asking you, if you like it?" She asked me again.
"O-Oo naman. Maganda." Ngumiti ako kahit na nahihiya pa rin. Tinitigan ko siya at sincere na nagpasalamat. "Salamat."
"I'm glad you liked it." Nakangiti pa rin niyang sagot saka bumaba sa bike niya at ini-stand ito. "Here, for you." Iniabot niya ang isang stem ng sunflower. Tinanggap ko 'to at nag pasalamat.
"Saan ka pala nanggaling? Bakit parang pagod na pagod ka?" Iniba ko ang usapan dahil bigla akong nakaramdam ng awkwardness.
Kumamot siya sa kilay niya, "W-Wala pa kasing tubo 'yung sunflower na tanim ko kaya pumunta ako sa bayan para bumili nyan." Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Parang ayoko ng tanggapin ang regalo niya. Kaya laang ay ipipilit niya 'to sa akin. Baka mapagalitan pa ako ni Mama dahil dito.
"Hindi mo na dapat..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lumabas ng bahay ang Tita niya.
"Gabb, nabili mo na ba 'yung kailangan mo sa school?" Mabilis kong naitago ang bulaklak sa likuran ko.
Lumingon si Gabb sa kanya saka sumagot, "Yes po." Nag sinungaling pa talaga siya para makapunta laang sa bayan.
"Sige, pumasok ka muna at gusto kang makausap ng Momy mo." Sagot nito matapos akong ngitian. Tumango ako at nahihiyang ngumiti bilang sagot.
"Ahm, sige ate. Papasok na muna ako." Pag papaalam ni Gabb habang nakaalalay sa bike niya. Kasabay nito ang pag pasok ng Tita niya sa loob ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
When September Ends (Completed)
Fanfiction[ASTRAIOS 1] She's Gabrielle Orion Skribikin, the girl who believe that what's mean to be yours is already making its way to you. (UNDER EDITING) A.❤️