Chapter Twelve

1.3K 78 20
                                    



October, 2024.



"Hi, Gabb. Why are you alone here? Nasaan sila Gia?" Pagbaba ko pa lang ng office ay napansin ko na kaagad na walang kasama si Gabb sa tambayan nila. Wala ang maiingay. Masaya akong akong lumapit dahil pagkakataon ko na rin 'to para makasama ng matagal si Gabb. Hindi naman kasi kami masyadong nag papansinan sa bahay. O mas tamang sabihin na hindi niya ako madalas pinapansin. Ewan ko ba but I'm used to it na rin. Ang mahalaga ay alam kong nandyan lang siya at hindi siya mawawala ulit.

"They still have classes." Sagot niya matapos ibaba ang notes na hawak.

"How's your day, so far?" Tanong ko at binigay ulit ang best smile ko. Malay mo, umepekto 'di ba?

"Good." Maikli niyang sagot kasabay ng pag iwas ng tingin.

"Ahm para sayo pala." Iniabot ko ang paper bag na naglalaman ng dalawang tupperware ng pagkain.

Tiningnan lang niya ang iniaabot ko saka muling tumunghay sa akin. "Bakit mo ba talaga ginagawa 'to, Ella?"

Humigpit ang hawak ko sa paper bag dahil sa itinanong niya. Hindi naman sarcastic ang tono niya pero bakit nasasaktan pa rin ako? "Because I'm courting you." Pinilit kong ngumiti dahil kailangan ko na rin na sanayin ang sarili. Dapat maging immune na ako sa mga ganitong treatments ni Gabb sa akin.

"We've already talked, haven't we? Please lang, h'wag ka ng gumaya sa iba." Doon ko nahimigan ang pagkairita sa boses niya. Okay lang 'yan, Ella. Kaya mo pa!

"No. Hindi ako basta susuko katulad ng hindi mo pagsuko noon." Sa sinabi ko ay lalong nangunot ang noo niya. "I'm s-sorry." Tumungo ako at ibinaba ang paper bag sa tabihan niya.

"Maiwan na kita." Feeling ko ay hindi rin magiging maganda ang kalalabasan ng pag uusap namin kaya much better kung bigyan ko muna siya ng space.

"Ella?" Pag tawag niya matapos akong tumalikod sa kanya.

"Hmm?" Muli akong humarap at inihanda ang sarili sa mga sasabihin niya na pwedeng makasakit sa akin.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya na ikina-laki ng mga mata ko.

"Huh?"

"Come here. Samahan mo akong kumain." Inalis niya ang bag na nasa tabi niya, senyales na doon ako maupo. Pagkatapos ay binuksan niya ang tupperware, maging ang pagkain na binili niya yata sa canteen.

"What?" Kunot-noong tanong niya nang makita na hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Help! Na-stucked na yata ako sa kilig!

"T-Thank you." Ngiting-ngiti akong dahan-dahan na naupo sa tabi niya. Pansamantala akong napapikit dahil na-miss ko ang ganitong pakiramdam.  Pakiramdam na malapit sa kanya.

Nag simula kaming mag lunch ng tahimik. Nag salita lang siya nang una niyang tikman ang iniluto ko for today at pinuri ito. Mukha ngang siya na ang makakaubos nito. Samantalang pinagtyagaan kong kainin ang binili niya sa canteen. Though may baon din ako ay hindi ko na 'to pinagkaabalahan na kunin sa office dahil baka magbago pa ang isip niya.

Katatapos lang namin kumain ng matanaw ko na paparating ang tatlo sa mga kaibigan niya.

"Awit! May nag mo-moment pala dito." Kantyaw kaagad ni Abby nang makarating sa tambayan.

"Did we disturb you, guys?" Segunda ni Ecka saka nag taas-baba ang mga kilay.

"Shut up, Captain!" Simangot ni Gabb na palihim kong ikina-ngiti.

"Highblood naman nito." Naiiling na sabi naman ni Gia.

"Siguro dahil may naudlot." Muling nag taas-baba ang kilay ni Ecka.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon