Chapter Eleven

1.4K 69 17
                                    


September, 2024.




"Please, hon just this one." Pangungulit ni Caleb sa akin dito sa SSC office. Mabuti na lang at wala dito si Pres.Sela

Inalis ko ang eyeglasses sa mga mata at patamad na ibinaba ito sa table ko. "Caleb, do you still not understand?"

"I know I hurt you. But everyday I prove to you how much I regret what I did. Isn't that enough, Ella?" Napabuntong-hininga ako sa itinanong niya. Gusto kong sabihin na wala na talaga kaming pag asa na magkabalikan. Hindi dahil sa panloloko niya kundi wala na akong nararamdaman para sa kanya, o baka tama si Pres, hindi ko siya totoong minahal. Because deep down to my heart, alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng puso ko. Siya lang. Siya pa rin.

"Please, h'wag dito." Pakiusap ko sa kanya dahil may mga kasama ako ngayon dito sa office.

"But where? You always rejecting my invitations." Malungkot niyang tanong. Sa totoo lang ay naaawa na rin ako sa kanya. Umaasa siya sa isang bagay na imposible ng mangyari. Parang ikaw, Ella.

"I'll just text you when and where. Basta, h'wag dito. I also want a proper closure, Caleb." Sagot ko saka muling isinuot ang eyeglasses ko at humarap sa laptop na nasa table. These past few days ay madalas sumasakit ang ulo ko kaya pinili kong mag suot ng eyeglasses. Siguro ay dahil sa madalas din akong nakaharap dito sa laptop ko at naaapektuhan nito ang mga mata ko.

"No, I don't want a closure. Let's give this relationship another shot, please?" Tumayo siya at nakikiusap na tumitig sa akin. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya. "I will wait, hon." Tipid siyang ngumiti saka nag paalam.

"Haba ng hair, 'te? Si Papa Caleb pinaghihintay lang?" Sabi ni
Jio matapos makalabas ni Caleb sa office.

"H'wag ka ngang bida-bida, vhakla. Gawin mo 'yang trabaho mo." Sita sa kanya ni ate Rans.

"Sus! Akala mo naman dedicated siya sa trabaho niya." Ismid nito.

"Compared to you, yes." Bwelta naman ni ate Rans. Napailing na lang ako saka tumayo para kumuha ng tubig.

Matapos kumuha ng tubig ay napabaling ako sa nakabukas na bintana. May naririnig akong ingay mula sa labas pero hindi malinaw sa akin kung ano ba ang pinag uusapan ng mga ito.

Bahagya akong sumilip at nakita sa ibaba ang grupo nila Gabb. Dito nga pala sila madalas tumatambay. Ang una kong napansin ay si Gabb na nakakunot ang noo habang nakatingala sa malaking puno na nasa gitna ng tambayan nila. Sumunod ay si Ba na nakatingala rin at parang may iniaabot paitaas. Si Dana ay nakahalukipkip at as usual, para siyang boss sa pagkakatayo niya. Nangunot ang noo ko nang mapatingin ako sa mismong puno. Si Abby at si Ecka ba 'yon? Nasa itaas sila ng puno and I don't know kung ano bang ginagawa nila roon. But yeah, it's none of my business.

Babalik na sana ako sa table ko nang muli akong mapatingin sa direksyon ni Gabb. Nag tama ang mga paningin namin. Kahit sa ganitong distansya ay napakaganda pa rin ng mga mata niya. It's her eyes I fell in love with. Nakaka-miss ang pakiramdam na para bang may humahaplos na malamig na bagay sa puso ko sa'twing tititigan ko ang mga matang iyon. The feeling of being lost inside of them.

I always stand in awe when the sun sets and the sun rises and I experience the same awe when I look at her, appreciating how her beauty is as varied as those things I just mention. She's my sunrise and my sunset. Beautiful, brilliant and majestic.

I smile at her pero nag iwas siya ng tingin sa akin. Alam kong marami pang beses na pwedeng mangyari 'to. Katulad lang ito noong isang gabi na nag kausap kami. Wala siyang isinagot noon sa mga sinabi ko. Inalis lang niya ang pagkakayakap ko sa kanya at iniwan ako. Siguro nga napatawad na niya ako, pero alam kong hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ko noon. And I'm wholeheartedly taking the responsibility for all the blame.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon