June, 2020.
Ella being tamad. Checked!
Ella being lutang. Checked!
Ella being pasmado. Checked!Tatlo na ang nagawa ko sa mga lists na isinulat namin ni Ba. Ito ay mga lists kung paano matuturn-off sa akin si Gabb. Dalawa ang naging plans namin ni Ba. Plan A, kung saan gagawa ako ng mga nakakaturn-off na bagay ng hindi ko sinasagot si Gabb. At Plan B, kung saan sasagotin ko siya saka gagawin ang nasa lists. Ito ay kung sakali na hindi umepekto kay Gabb ang Plan A.
I decided na simulan ang plan A. Ang unang nasa lists, Ella being tamad. Ipinakita ko sa kanya na tamad ako sa mga household choirs. Pinagalitan pa ako ni Mama dahil alam niya na hindi naman ako gay'on katamad sa bahay. Mission failed dahil sa halip na maturn-off si Gabb ay nag prisinta pa siya kay Mama na tulongan ako. Mag hapon tuloy siyang nasa bahay.
Ella being lutang, though hindi na 'to bago sa akin ay ginawa ko pa rin. Sa haba ng sinabi niya, tanging 'huh?' laang ang isinagot ko na para gang wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Tinawanan niya ako dahil ang cute ko raw matulala. So, it was also a mission failed!
Ella being pasmado, hindi ako touchy na tao pero kahapon ay sinadya kong hawakan ang kamay ni Gabb at ipinaramdam sa kanya na 'pasmado' ako. And yes, it was another mission failed dahil natuwa pa siya sa ginawa ko. First time raw kasi niya na mahawakan ang kamay ko.
"Bilisan mong kumain dyan at mag linis ka ng kwarto mo." Utos ni Mama na ikina-simangot ko.
"Mamaya na laang po, Ma." Sagot ko sabay subo sa pagkain na nasa harapan ko.
"Alam na alam ko na 'yang mamaya mo, Ella Mae." Sagot niya. Tumahimik na laang ako dahil siguradong pag nangatwiran ako ay sermon ang magiging tanghalian ko.
"Saka hindi ka ga nahihiya? Matutulog dito si Gabb tapos ang dumi ng kwarto mo." Napanganga ako sa sinabi ni Mama. Mukhang tumigil ang pag function ng utak ko.
Ano raw?"P-Po?"
"Marami tayong cotton buds dyan, mag linis ka ng tainga mo." Nag pout ako dahil ang harsh talaga sa akin ni Mama. Minsan, naiisip ko na baka ampon laang nila ako ni Papa. Lol.
"Mag s-sleep over po dito si Gabb?" Pag uulit ko sa pag asa na nagkamali laang ako ng dinig sa sinabi ni Mama.
"Oo, pinapipinturahan ni Clara ang bahay nila ngayon. Ipinakiusap muna niya sa akin si Gabb dahil nga may asthma. Bawal siyang maka-amoy ng pintura."
"Bakit naman po sa kwarto ko pa po?" Nakasimangot kong tanong. Doon na nga laang sa kwarto natatahimik ang buhay ko, tapos makikisleep-over pa siya. Bwisit! Ano gang nagawa kong masama? Bakit feeling ko ang malas-malas ng bakasyon ko. Mali! Ang malas ng buong taon ko. 2020, bakit napakalupit mo sa akin?!
"At saan mo gustong patulogin si Gabb? Sa sofa? Oh siya sige, d'un ka matulog sa sofa at si Gabb sa kwarto mo." Suggestion ni Mama na ikina-haba ng nguso ko.
Sino ga sa amin ni Gabb ang totoong anak niya?..
Gabi. Nakapag linis na ako ng katawan at nag hahanda na sa pag tulog. At katulad ng napag usapan nila, dito matutulog si Gabb ngayong gabi.
Narinig ko ang mga katok sa pinto ng kwarto ko. "Ate Ella? Papasok na ako,huh?" Pag papaalam niya.
Mabilis akong nag takip ng kumot at nag kunwaring natutulog. Naramdaman ko ang pag akyat niya sa kama. Nasa right side siya at ako naman sa left side. Sa gitna ay may tatlong malalaking unan na nakapagitan.
BINABASA MO ANG
When September Ends (Completed)
Fanfiction[ASTRAIOS 1] She's Gabrielle Orion Skribikin, the girl who believe that what's mean to be yours is already making its way to you. (UNDER EDITING) A.❤️