Chapter Twenty

1.3K 78 8
                                    


Disclaimer:
The chapter you are about to read contain of SPG that may not be suitable for some readers. Please, read at your own risk!

September, 2025.



Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ni Ella habang nag ta-type sa laptop na nasa kandungan ko. Isang buwan pa lang na nagsisimula ang klase ay sunod-sunod na ang mga ipinapagawa na activities ng mga professors sa amin. Ang sarap na ngang mag reklamo kung hindi lang sa dean's office ang bagsak ko.

Pansamantala akong tumigil sa pag ta-type dahil nakakaramdam na ako ng pangangalay. Itinaas ko ang dalawang kamay habang nakapikit at nag stretching, kasabay nito ang paglangitngit ng pintuan ng c.r.

Nagmulat ako at natulala nang lumabas si Ella mula sa c.r. Nakasuot siya ng baby blue na bathrobe at mukhang bagong ligo dahil may nakapulupot pang puting towel sa buhok niya. Napalunok ako nang pasadahan ko siya ng tingin hanggang huminto ang mga mata ko sa maputi at flawless niyang legs.

"Hey, bakit ganyan mo ako tingnan?" Umangat ang paningin ko sa mukha niya. Naramdaman ko ang pamumula ng mag kabilang pisngi ko nang makita ang nakakaloko niyang ngiti. Sh*t! Huli! Kaagad akong nag iwas ng tingin at bumalik sa laptop na nasa kandungan ko pa rin. "May iniisip ka, ano?" Naramdaman ko na nakalapit na siya sa akin dahil naaamoy ko na ang mabangong scent niya.

"Huh? W-Wala." Bahagya ko lang siyang sinulyapan saka bumalik sa pag ta-type sa laptop ko. Napansin ko ang panginginig ng mga daliri ko kaya mali-mali rin ang naita-type ko.

Narinig ko ang mabini niyang pagtawa kasabay ng pang angat ng laptop ko. "A-Akin?" Nanlaki ang mga mata ko nang siya ang pumalit sa kaninang pwesto ng laptop ko. She's now sitting on my lap. Muli akong napasulyap sa legs niya na lalo niyang ikina-tawa. Sa pagtawa niya ay muli kong naalala ang nangyari sa amin, ika-dalawang linggo, buwan ng Pebrero.

Nakangiti akong lumabas ng elevator papunta sa condo unit ko. Successful ang Valentine's pakulo namin ng grupo at naka-ipon kami ng mahigpit tatlong daang libo dahil sa mga donations ng mga kapwa namin estudyante. Ibinigay namin itong lahat kay Abby pero tinanggihan niya ito at kinuha lamang ang parte niya na ibinayad rin naman niya sa amin. Nag decide kaming maghiwa-hiwalay halos six o'clock na ng hapon.

Bago ko dinukot ang susi sa bulsa ko ay tinawagan ko muna si akin para i-inform na safe akong nakauwi. Nangunot ang noo ko at naibaba ang cellphone na hawak dahil sa naririnig kong kaluskos sa kitchen. Kaagad din akong napangiti ng marinig ko ang tunog ng cellphone na nagmumula sa kitchen. She's here. May sarili siyang susi ng condo ko kaya hindi na ako nagulat na nakapasok siya dito. Tinapos ko ang pag dial at siya ring pagtigil ng ringtone niya.

"Hi, akin!" Bahagya siyang nagulat saka lumingon sa direksyon ko.

"Hi, akin. Sorry, pinakialaman ko 'yung kitchen mo." Nahihiya niyang sabi saka lumapit sa akin at binigyan ako ng smooched.

"It's alright, kilig nga ako eh." Nangingiting sabi ko while back hugging her. Bumalik na kasi siya sa pagluluto.

"At bakit?" Tanong niya habang patuloy sa pagluluto.

"Ang wifey-material kasi ng girlfriend ko. Tara, pakasal na tayo." She giggled saka mahinang pinalo ang ulo ko na kasalukuyang naka-lean sa kanan niyang balikat. "Tapos ang bango-bango pa." Paglalambing ko.

"Sus! Bola pa!" Natatawa niyang sagot. "Are you hungry na ba?" Tanong niya.

"Uhm not yet, para kasing may iba akong gustong kainin." I giggled after I kissed her neck. I don't know pero nasa mood akong maging naughty ngayong araw.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon