Chapter Fourteen

1.1K 78 13
                                    




December, 2024. (Part I)

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng umalis ako sa bahay nila Ella. I decided na tanggapin na ang condo na iniialok sa akin ni Budy at dahil sa sobrang galante niya, she also gave me a car. A ford mustang.

Bago ako umalis sa bahay nila ay kinausap ko muna ng mabuti sila Tito at Tita at ipinaliwanag kung bakit ako aalis. Naintindihan naman nila ito pero hindi pa rin nila naiwasan na umiyak lalo na si Tita na sobrang naging malapit na sa akin. Sinabi ko na lamang na bibisita ako paminsan-minsan sa kanila.

About sa parents ko, nalaman na nila kung nasaan ako at plan ni Papa Ouen na umuwi dito. Si Momy naman ay nanatili sa Cali kasama ang step-father ko. Kanina lang ay nagkausap kami ni Momy at hindi naging maganda ang pag uusap namin. Pinipilit pa rin niya ako sa gusto niya na manatili sa kanya ang custody ko. Ito ang dahilan kung bakit napilitan akong umuwi ng Pilipinas. Hindi sila magkasundo ni Papa about my custody at palagi na lang silang nag aaway. Maging ako tuloy ay hindi na rin alam kung sino ba ang susundin ko sa kanilang dalawa? Mananatili ba akong Skribikin o susundin ang surname ni Papa which is Oinuma? Hanggang ngayon ay undecided pa rin ako dahil kahit sino ang piliin ko ay alam kong may masasaktan pa rin sa kanila.

Narinig ko ang pag doorbell kaya patamad akong tumayo matapos alisin sa kandungan ko ang laptop na kanina'y gamit ko sa pakikipag usap kay Momy.

Kunot-noo kong binuksan ang pintuan at lalong nangunot ang noo ko ng mapagsino ito.

"Hi, Gabb. Good morning!" Nakangiti niyang pagbati.

"What are you doing here?" Cold kong tanong matapos mag iwas ng tingin.

"I made a pancakes for you." Masaya niyang itinaas ang hawak na paper bag.

Bumuntong-hininga muna ako saka nag decide na papasokin siya ng condo ko. "Come in." Nauna akong naglakad at naupo sa sofa bed. "Let's talk, so take a seat." Pag aalok ko ng katapat na upuan.

Nagpasalamat siya saka naupo at ipinatong ang dala niya sa glass table na nasa harapan namin.

"Do you know what's one of the reasons why I left your house?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Because your sister Ori wants a quality time with you?" Patanong na sagot niya.

"I want to breathe, Ella." Titig kong sagot na ikina-kunot ng noo niya.

"So, it means you were not comfortable with us?" Tanong niya saka muling nag salita, "Sana sinabi mo para nakapag adjust kami." Tipid siyang ngumiti na lalong naging dahilan ng iritasyon ko.

"Don't you get it? I left because of you! Tapos nandito ka na naman at kinukulit ako?" Iritable kong sagot saka siya tinaponan ng masamang tingin. Naiirita ako sa isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusuko sa ginagawa niya. Hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin niya ako mula dito hanggang sa school. At isa ito sa mga ikinatatakot ko. Ayokong tuluyang mapalapit sa kanya at masira na naman niya ang pader na ilang taon kong pinaghirapang itayo para sa sarili. Ayoko ng mag tiwala. Ayoko ng maniwala kaya hanggat maaari ay gagawin ko ang lahat para tuluyan na siyang maiwasan. Dahil sa ngayon ay alam kong hindi ko na kontrolado ang puso ko.

"G-Gabb..."

"Please, hayaan mo na ako, Ella." Titig ko pa ring pakiusap sa kanya para tigilan na niya ako.

Ilang ulit siyang umiling. Napansin ko pa ang pag kagat niya sa lower lip niya upang mapigilan na umiyak. "I'm sorry but I can't do that."

"Hindi mo pa rin ba talaga naiintindihan?!" Padabog akong tumayo at tiim-bagang siyang tiningnan. "Ayoko ng ginagawa mo! So, please tama na!" Sigaw ko para tuluyan na siyang tumigil.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon