Chapter Seventeen

1.2K 61 10
                                    




March, 2025.



"Why did the school allow such uni? Hindi ba nila naiisip na minor pa sila?" Napailing na lang ako sa itinanong ni Supremo. Kanina pa kasi siya nag ra-rant sa cheering squad's uniform ng mga taga HUMSS.

"What is wrong with what they are wearing?" Tanong ni Master Abby habang patuloy na nanonood sa nagaganap na cheering squad competition between HUMSS and STEM.

"Oo nga, okay naman ah saka bagay sa kanila lalo na kay Frances." Sagot naman ni Captain. Frances is wearing a red V-neck shell croptop with V-front design and chest stripes. Pair with a red and white pleated skirt.

"Anong okay dyan? Halos makita na 'yung kaluluwa niya sa suot niya." Simangot na sabi ni Gia at lalo pang sumimangot nang makita si Frances sa gitna ng gymnasium dahil siya ang cheerleader ng HUMSS. Ngayon kasi ang first day ng Sports Festival dito sa E.I.S.

"Eh ano bang gusto mong i-suot nila? Baro't saya?" Pinigilan namin ni Master na matawa dahil sa sinabi ni Captain. "Hello?! Cheering 'tong pinapanood natin at hindi Pandanggo sa ilaw." Tuluyan na kaming natawa na mukhang ikina-pikon ni Supremo.

"Ewan ko sa inyo!" She hissed saka walang paalam na bumaba sa bench.

"Tamo 'to!" Iiling-iling na sabi ni Master habang nakasunod ng tingin sa naglalakad na si Gia papunta sa direksyon nila Frances na katatapos lang mag performed. "Meron ba 'yun ngayon? Ang init ng ulo eh."

"Palagi namang mainit ang ulo n'un kay Frances." Naiiling kong sagot.

"Hey, guys!" Approach ni Nanababe. As usual, late na naman siya sa usapan. Nakasuot na siya ng basketball jersey ng Engineering Department dahil maya-maya lang ay may laro na sila kalaban ang Crim.Department.

"Where's Supremo?" Tanong ni Nanababe matapos maupo at ipatong ang dala niyang gym bag sa katabi niyang upuan.

"There." Turo ko sa direksyon ni Supremo at ni Frances na mukhang nagtatalo na ngayon. Suot na ni Frances ang kaninang suot na jacket ni Supremo.

"Why? What happened?" Kunot-noong tanong ni Nanababe.

"Masyado raw maikli ang uni nila Frances. Look at the other team, 'di hamak naman na mas maikli ang uni nila." Naiiling na sagot ni Master.

"I didn't know that Supremo is conservative." Sabi ni Nanababe saka inayos ang sintas ng shoes niyang green J-Jumpman 2025 na terno sa suot niyang green uniform na may combination na white.

"Mukhang hindi na babalik 'yon. Tingnan mo nga, kinaladkad na palabas si Frances." Sabi ko habang pinapanood ang pagtatalo pa rin ng dalawa. Ngayon ko lang napansin na bagay sila. Napapailing na lang ako habang sinisita ang sarili. Heto ang napapala ko sa pagiging observant.

"Anyway, guys, do you remember what I said about Summer liking someone else?" Tanong ni Dana sa amin with her serious face.

"Oo naman, sabi mo nga binasted siya nito at umiyak pa siya sayo dahil d'on." Sagot ni Master.

"Ikaw naman si marupok, todo ang comfort." Kantyaw na naman ni Ecka.

"Maybe I'll just buy a sane person to talk to." Sarcastic na sagot ni Nanababe na mukhang napipikon na kay Captain.

"Heto naman, hindi na mabiro." Kamot sa ulong sagot ni Captain.

"So, what about her?" Tanong ko dahil na rin sa curiousity.

"I already know her." She smirk. 'Yung pag ngisi na halatang may masamang binabalak.

"And?"

"Sa pagkakangiti n'yan, parang may gagawin 'yang masama." Naiiling na sabi ni Ecka.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon