May, 2025.
Madalas na ang pag sakit ng ulo ko nitong mga nakaraang buwan. Akala ko dahil lang 'to sa stress kaya noong una ay binalewala ko lang. Pero lumala ang pag sakit ng ulo ko kaya I decided na magpa-check up. Hindi ko kaagad nakuha ang results ng ginawa nilang medical examinations sa akin. Bumalik lang ako sa ospital noong tawagan ako na gusto akong kausapin ng doktor na sumuri sa akin about the results. Hindi ko isinama noon si Mama kahit sinabihan na ako ng doktor na isama ko ang guardian ko.
"I'm sorry to say this, Ms.Amat but based on your medical results, we found out that you have a brain tumor." Halos gumuho ang mundo ko noong sabihin iyon sa akin ng doktor.
I was diagnosed with a brain tumor grade I. Ito ay noong araw na hindi ako kaagad umuwi sa bahay dahil hindi ko alam kung paano ko ba ito sasabihin sa parents ko. Wala sa sarili na nag lakad-lakad ako hanggang makita ko na lamang ang sarili na nasa Intramuros. Doon ako nag isip at umiyak ng umiyak. Para na nga akong baliw na pinagtitinginan noon ng mga tao. Aaminin kong natatakot ako. Takot na takot. Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang pangarap. Halos mawalan na ako ng lakas ng loob noon pero hindi ko inaasahan ang tao na dumating para sa akin. It was Gabb. Noong nakita ko siya habang papalapit sa akin ay para bang lahat ng sama ng loob ko sa nasa Itaas ay nawala. Isa siyang sign na nagsasabi sa akin na lumaban ako para mabuhay. Hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya ng mahigpit dahil iyon ang kailangan ko ng gabing iyon. Kailangan ko ng lakas ng loob para labanan ang sakit ko.
Nagpatuloy ako sa schooling ko without telling my parents about my health condition. Wala rin akong pinagsabihan kahit isa man sa malalapit sa akin. Patuloy din akong umiinom ng gamot habang itinatago ang sakit ko sa pamilya ko. Pero lahat talaga ng lihim ay nabubunyag.
Isang araw bago umalis ni Gabb para umattend sa kasal ni ate Isang at ate Ori ay nagkasakit ako. Madalas akong nahihilo at nagsusuka kaya hindi ako sumama sa kanya sa pag attend ng kasal. Sumunod na araw matapos makaalis ni Gabb ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakahiga sa hospital bed dahil nawalan pala ako ng malay. Noong araw na iyon nadiskubre nila Mama ang tungkol sa sakit ko. Pinilit nila ako na magpasurgery para mawala ang tumor na nagpapahirap sa akin ngunit hindi nila ako napilit. Naiisip ko pa lang ang magiging komplikasyon nito sa katawan ko ay para na rin akong pinapatay. Pinilit ko sila noon na i-uwi na ako sa bahay dahil ayokong maabutan ni Gabb ang sitwasyon ko.
Pinilit kong mabuhay ng normal kahit madalas na lumalabas ang mga sintomas na nagpapahirap sa akin sa araw-araw. Hanggang sa dumating ang isa sa kinatatakutan ko. Ang malaman ni Gabb ang totoo.
"'Nak, sinabi ko kay Gabb na gising ka na. Papunta na siya dito." Sabi ni Mama habang haplos ang ulo ko at nakatitig sa akin habang nakahiga ako dito sa hospital bed. Apat na araw raw akong nawalan ng malay at ito ang unang beses na makikita ko ang reaksyon ni Gabb tungkol sa sakit ko.
"Natatakot po ako, Ma." Kusang nagbagsakan ang mga luha ko lalo na sa pag iisip na magagalit sa akin si Gabb dahil sa pagtatago ko sa kanya about my condition. And worst, iiwan niya ako dahil dito.
"Shh! Ipinaliwanag na namin sa kanya ang lahat, 'nak. Maiintindihan ka niya. Sa katunayan ay halos dito na siya tumira sa loob ng ilang araw para bantayan ka. Pinilit lang namin siyang umuwi kagabi dahil kailangan din niya ng pahinga." Pag co-comfort ni Mama sa akin. Binigyan niya ako ng isang halik sa noo saka tumayo para ipaghanda ako ng pagkain. Kahit hindi tanggapin ng sikmura ko ang pagkain ay pinilit ko pa rin na kumain para hindi na sila mag alala sa akin.
Katatapos ko lang kumain nang dumating si Gabb. Nangunot ang noo ko ng mapansin ang nakangiti niyang mukha habang papalapit sa akin. Hindi ito ang ine-expect ko mula sa kanya. Inaasahan ko na tatakbo siya papalapit sa akin at yayakapin ako ng mahigpit habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
When September Ends (Completed)
Fanfiction[ASTRAIOS 1] She's Gabrielle Orion Skribikin, the girl who believe that what's mean to be yours is already making its way to you. (UNDER EDITING) A.❤️