Epilogue

2.2K 109 30
                                    






October 1, 2028.



BGC, Taguig. Twelve o'clock in the afternoon. Makikita ang malaking banners sa mag kabilang sides ng mahabang table na inuupuan namin. Katapat ng table namin ay ang mga table kung saan naroon ang mga interviewers para sa araw na ito. May malaki ring banner bago pumasok ng events hall na may naka-print na,

Interview
with the authors
(Under RVR Publishing)

◾Ethan Nakpil
(Runaway)
◾Miles Soler
(Guardian Angel)
◾Tefanie Lee
(Hanggang)
◾Orion Skribikin
(Malay mo tayo)

"To, Ms.Orion..." Bumaling ako sa isang interviewer na nasa bandang kaliwa. Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagdampot ko sa mic na nakapatong sa ibabaw ng table.

"Sa tatlong books na ginawa mo, including this recent one, Malay mo tayo, ano ang pinaka paborito mo?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na ba nila ito sa akin. Kanina pa rin kasi nagsimula ang interview at aaminin kong medyo nangangalay na rin ako sa pagkakaupo.

Nakangiti pa rin ako bago sumagot sa itinanong niya, "Actually, lahat ng libro na isinulat ko ay sobrang malapit sa puso ko. Para ko na itong mga anak na ipagmamalaki ko kahit saan ako makarating..." Panimula ko kasabay ng pag alala kung paano at kailan ako nagsimulang mag sulat.

Year, 2026 noong una kong isulat ang story na ginawa ko lamang dahil sa sobrang lungkot. Titled, When September Ends. A love story of Gabby and Demi. A love story of soulmates meeting at the wrong time.

Hindi sinasadya na mabasa ito ni Budy at alukin ako na isulat din ang love story nilang dalawa ni ate Isang, titled, Crossing the line. Ang story nilang dalawa ang unang published story ko na naging successful. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na magiging isa akong tanyag na author dahil dito. Malayo ito sa propesyon na pinangarap ko noon. Though, pangarap ko pa rin ang maging engineer and I'm already in my 5'th year.

Sa loob ng halos tatlong taon ay marami na ang nangyari.

Marami na ang nagbago.

Pero may ibang nanatili.

Marami na ang nangyari mula ng araw na iwan ako ni Ella. Mula ng araw na ang tanging nagawa ko lamang ay ang tanawin siya habang papalayo sa akin.

Masakit. Sobrang sakit na palayain ko siya kahit ang gusto ko lamang gawin ng mga panahon na iyon ay h'wag bitawan ang mga kamay niya at ikulong siya sa mga yakap ko. Mas pinili naming palayain ang isat isa, hindi dahil ito ang gusto namin. Kundi dahil ito ang gusto ng tadhana.

Being in love with Ella is like a roller coaster ride. Excitement but at the same time, fear of taking a risk and danger. Excitement na naramdaman ko habang nagsisimula paitaas kasama siya. 'Yung saya na ipinaramdam niya sa akin sa'twing makikita ang magandang ngiti at maririnig ko ang mga tawa niya. 'Yung sarap sa pakiramdam na yakap ko siya habang ipina-plano ang kinabukasan namin ng magkasama. 'Yung excitement sa'twing hahalikan ko ang labi niya. At takot, matinding takot na baka sa pagbulusok namin paibaba ay mabitawan namin ang kamay ng isa't-isa. At nangyari nga ito. Pareho kaming nahulog at nasugatan. And worst, pinaglayo ng tadhana.

Hindi naging madali. It was like starting my life over and I had no idea where to begin. Ilang drum ng luha ang pumatak mula sa mga mata ko sa'twing maiisip ko siya. I sometimes look in the mirror and see her walk into the room behind me. Only to find out that she aren't really there anymore. Ilang ulit kong pinalitan ang bedsheet at unan ko dahil sa pag iyak lalo na sa mga gabing naaalala ko siya at nag aalala sa kalagayan niya. Ilang libong beer ng alak din ang naitumba ko sa'twing mararamdaman ko 'yung sakit. Sa'twing wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak sa sobrang pangungulila sa kanya. I miss her so much! I miss her smile, and her laughter. I miss how she used to get jealous to any girls whom I talking to. I miss how tight she hold me. I miss the smell of her. Those goodnight and good morning kisses. Nakakabaliw ang sobrang lungkot lalo na at simula noong umalis siya ay nawalan na ako ng koneksyon sa kanya. Maging kay Gia at Frances ay pinutol niya ang koneksyon niya. But I understand her, I will always understand her.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon