Chapter Nine

1.4K 76 7
                                    


August, 2024. (Part II)


1st day of October, 2020, not anyone in the world knew that it was my first heart break. I never tell anyone how much I cried that day. Kung paano ko sinisi ang sarili sa pag alis niya. Mga unan lang ang naging karamay ko ng gabing 'yon at ng mga sumunod pang mga gabi. Mga gabi na tanging nakarinig sa mga mahihina kong pag iyak habang nami-miss siya at patuloy na sinisisi ang sarili. Once in my life, I was one of those pathetic and stupid creature who hurt a girl who loved me so much, that she forgot to love herself. A girl who stayed by my side even though I threw harsh words to her. The girl who did everything just for me. She was the girl who believed that we were soulmate, and I'm the girl who made her believe that we were really meant to be.

It's a lie if I say that I didn't mean to hurt her. Everytime I decided not to put her first, everytime I brushed her off, everytime I lied to her, it was my choice. So, I cut the crap that I didn't mean to hurt her because I f*cking did and I messed up. I was too late. Too late to realised her worth and that's the thing about time, we cannot get it back.

When I saw her last night, the memories of us all came back like a flashback. Naramdaman ko na naman 'yung pinaramdam niya sa akin almost four years ago. Sinisisi ko na naman ang sarili sa lahat ng nangyari at ang masakit ay parang wala na 'yong lahat sa kanya. I can feel it. I can see through her eyes. She already moved on. Samantalang ako, nanatili siya sa kasuluksulukang bahagi ng isip ko, at sa espesyal na parte ng puso ko hanggang ngayon. I can't forget her 'till now. Tell me, how can I forget a girl who gave me a lot to remember?

"Anong oras ka na ba nakauwi kagabi? Hindi ka na namin nahintay." Papa asked while we're having our breakfast.

Ilang sign of a cross ang ginawa ko kanina bago lumabas ng kwarto ko. Nag bibigay sa akin ng hindi maipaliwanag na kaba ang kaalaman na nandito siya sa bahay at malaki ang possibility na magkita kami araw-araw. Nalaman ko rin kay na Mama na dito siya pansamantalang mag i-stay hanggang hindi pa niya naaayos ang issues niya sa pamilya niya na hindi ko naman alam kung ano.

"Around seven-thirty na po." Sagot ko kay Papa saka nag simulang kumain ng agahan. Mabuti na lang at hindi pa siya bumababa sa room niya. Siguro dahil pagod siya sa naging byahe niya kahapon.

"Papasok ka na naman ba ngayon? Hindi na kita nakita na tumigil dito sa bahay." Tanong ulit ni Papa na magalang ko naman na sinagot.

"Opo, Pa. Marami pa po kaming dapat asikasuhin sa school."

"Alam mo naman na SSC officer 'tong anak natin, mahal." Sabi naman ni Mama habang nilalagyan ng bacon ang pinggan ni Papa. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay sweet pa rin sila sa isa't-isa.

"Nag aalala lang ako dahil baka pati health mo ay napapabayaan mo na." Nakita ko ang concern sa mga mata ni Papa kaya nag smile ako sa kanya to assure na hindi siya dapat mag alala sa akin dahil inaalagaan ko pa rin naman ang sarili.

"Don't worry, Papa. Kayang-kaya ko po 'to. Nag mana po kaya ako sayo." Magiliw kong sagot saka sumubo ng pag kain.

"Paano naman ako?" Nagtatampong tanong ni Mama at dahil gusto ko siyang asarin ngayong umaga ay sinagot ko siya ng,

"Ma, tanggapin mo na po na kay Papa ako nag mana." Napansin namin ni Papa ang pag pout ni Mama kaya sabay kaming tumawa. "Kidding! I love you, Ma!" Binigyan ko siya ng flying kiss dahil nasa kabilang banda ako ng table kung saan kaharap ko silang dalawa.

"Hi, guys! Good morning." Nawala ang pagkakangiti ko sa boses na narinig. Automatic din ang pag lakas ng tibok ng puso ko na para bang may banda ng musiko na kasalukuyang tumutugtog dito.

When September Ends (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon