Chapter 6

568 75 1
                                    

Tapping my fingers on the desk of my chair while listening to this old man's lecture, bore the hell out of me.

"Hey." Kalabit sakin ng katabi ko. Thaddeus.

Again. Nakipag palit sya ng upuan sa kapatid nya. Kaya ngayon ay si Finn na ang katabi ni Asthea. Mukha namang gusto din ni Asthea dahil hindi sya tumutol nang alukin sya ni Thaddeus na makipag palit ng upuan.

"What?" Tanong ko sakanya ng hindi sya nililingon.

"Aren't you bored here?"

"Nag hahabol ako ng grades, kung gusto mo mag cut, wag mo 'ko idamay." I refuse to let emotion visible on my tone.

Naalala ko ang nangyari kahapon, napyansahan ko na si mama sa presinto, kaya ngayon ubos na ang ipon ko, at pamasahe nalang pauwi at papasok sa trabaho ang pera ko, and now I'm hungry.

"Get your yellow pad now."

Malamang mag papa-quiz na naman 'to. At malamang identification na naman. Mabuti nalang ay kahit papano ay nakinig ako sa mga sinasabi nya.

Natapos na ang quiz at mag che-check na kami, sinilip ko ang papel ni Thaddeus at nakita na may mga laktaw iyon.

"Exchange your papers now." Sabi ni Prof. Bernardo. Sa tanda na nito ay balita ko ay wala itong asawa at mga anak. Narinig ko lang naman. Hindi ako chismosa.

"Hoy consider mo na yan! Kulang lang naman ng isang letter!" Rinig kong sabi ng nasa unahan namin habang inaaway ang nag che-check ng papel nya.

"Oh, isa lang mali mo." May ngisi na pang demonyo si Thaddeus habang inaabot ang papel ko sa akin.

Lintik na pag che-check na ito. Napakalaki ng paglagay ng corrected by at ang laki ng paglilinya nya sa pag che-check! Demonyo talagang tunay.

"Akin na yung papel ko." Tanong nya sabay pilit nyang kinukuha ang papel nya na nilakihan ko din ang pag che-check at pagbilog ng mali. Nang matapos na ay nilamukos ko ang papel tsaka ibinigay sakanya.

"Quits na." Naka-ngiwing saad ko pagbato ko sakanya ng papel na parang bola na ngayon.

"Nice." Sabi nya sabay buklat ng papel. At nang makita ang score nya, ay sya na mismo ang naglamukos nito uli.

Pano ba naman 16/30. Ikaw ba naman hindi makinig e.

"Ilan ka?" Kalabit sa akin ni Asthea mula sa likod.

"Isa." Pang babara ko.

"Who got the highest?" Tanong ni Prof Bernardo.

May nagtaas ng kamay at sinabing, "Si Dasha po naka 25, Sir." Saad nito na para bang nag mamalaki.

Sasagot na sana ako ng biglang magsalita ang katabi ko at sinabing, "25 lang? 29 nga si Graziel eh ." Pang aasar ni Thaddeus. Nakita ko naman ang pag salubong ng kilay ni Dasha.

"Good job, ipag patuloy mo yan iha." Sabi nito sakin habang naka ngiti. Isa sya sa mga guro na nagsasabi na nanghihinayang ito dahil nagpabaya ako sa pag aaral nitong mga nakaraang buwan.

Natapos na ang klase ni Prof Bernardo at itatabi ko na sana ang papel ko sa bag ng lumapit si Dasha at Kirsten. Yung dalawang pabida sa klase.

"Patingin nga ng papel mo." Inilahad ni Kirsten ang kamay at pilit ba kinukuha ang papel ko.

Walang sabi sabi kong ibinigay ang papel ko sa kanya upang masuri nya ito at bilang proweba na hindi ako nandaya. May ganyan talagang tao, hindi maka tanggap ng pagkatalo. At ito namang Dasha na 'to, masydong competitive na ayaw nyang nalalamangan sya ng kung sino. College na pero parang highschool pa rin kung umasta. Palibhasa'y malapit ng matanggal sa pagiging dean's lister.

"Desperate." Parinig ni Asthea sa likod namin, at ngumunguya ng bubble gum.

"Arte di naman maganda." Dugtong ni Finn. Narinig ko ang halakhak ni Thaddeus sa tabi ko.

"Nakakagulat lang kase na biglang naging ganyan ang score nyan, ni-hindi nga nakikinig 'yan eh!" Pag tatanggol ni Kirsten kay Dasha.

Tsk, bagay talang magkaibigan, desperado at isang kunsintidor. Naalala ko lang nung nakaraan ay nakita kong tumitingin sa notebook si Dasha upang mai-perfect nya ang quiz non. Palibhasa'y gawain nya kaya ibinabaling sa iba e.

Tumayo si Thaddeus sa upuan nya at umupo sa desk nya paharap kela Dasha at Kirsten at hinablot ang papel sa pagkakahawak ni Dasha.

"Stop that shit, Dasha. Ikaw 'tong nakita kong nandadaya kanina e, diba nga tumitingin ka sa notebook mong color red? A cheater who's blaming her actions on the innocent one, and to think na nandaya ka na nga lang, ikaw pa 'tong may lakas ng loob na mambintang?" Mahaba nyang lintaya, magsasalita pa sana sya ng sumingit na naman si Asthea at sinabing,

"Shame on you." Ashtea said it with a disgust on her face, while looking at her painted nails.

"True, kadiri noh?" Finn backfired again on what Asthea have said. Mga alulod at tila bading naman si Finn sa pinag sasabi nya.

"You don't know anything!" Sigaw ni Dasha at pilit syang hinahatak ni Kirsten pabalik sa upuan nila, mukhang natauhan na din ito sa pagpapahiya ni Thaddeus at nagpahatak na sa kaibigan nya.

Lunch came and wala akong pera pang bili ng pagkain dahil nga naipang pyansa ko na. Nagpunta nalang ako sa ibaba ng tulay papuntang gym at tumambay doon. Nilabas ang sigarilyo at humithit dito.

I smelled the familiar scent on the air, as expected, Thaddeus followed me again.

"What now?" Tanong ko.

He tossed a lunch box on me. Mabuti nalang ay hindi ako lutang at nasalo ko iyon.

"What is this?" Taka kong tanong sakanya habang tinitignan ang lunch box na ibinato nya saakin.

"Lunch." Sabi nya sakin at kinuha ang sigarilyo na nakaipit sa daliri ko.

Natigilan ako. Why is he doing this?

Binuksan ko ang lunch box at nagulat sa laman noon. Rice, bacon, hotdogs, at may saging pa! Para syang tatay na pinagbaunan ang anak nya.

"You cooked this?" Tanong ko habang kinakain ang niluto nya. In fairness, mas masarap pa syang mag luto kesa sa akin.

Tumango lang sya, at malayo ang tingin.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya, syempre nakakahiya kung ako 'tong kumakain ng niluto nya samantalang sya ay hindi pa kumakain!

"Easy sa pagtatanong baka mahulog ako." Sabi nya habang naka-ngisi at tumabi sakin.

"Thank you for this, by the way." Saad ko sakanya nang maubos ko ang pagkain sa lunch box na ibinigay nya.

"Bukas ko nalang to ibabalik ha, huhugasan ko muna."

"You can count on me, Graziel. Don't be afraid to tell your problems on me alright? I will listen to your shits, no judgment attached." He said it with sincerity is evidence on his eyes.

Before I always wish to have someone that will listen to your shits in life. But realization hit me, I have to be independent, I have to do things on my own, paano nalang kung na-attached na ako sa taong iyon, at bigla naman itong umalis nalang ng walang paalam?
At the end of the day, ikaw lang din ang makakaintindi sa sarili mo. We can't know better until knowing better is useless.

Don't let your guards down, or else you'll be breaking down, your hopes getting down, until you can't trust your life decisions anymore. Losing yourself is the most bad thing that can happen on your life. Hindi laging may tao na nandyan para sayo. The only person that I can count on in this world is my self only. Protect and love yourself at all cost.

You Exist (Catastrophe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon