Chapter 9

421 37 0
                                    

"Dalian nyo tumakbo!"

Nag kukumahog kami sa pagtakbo upang hindi mahuli. Pumasok kami sa isang classroom dito sa LOSU.

May kinuha kaming files sa faculty. Student profile ito ni Dasha. Ginawa namin ito upang gantihan sya sa ginawa nya sa akin nung nakaraan.

"Open your bag." Tiim bagang na sabi ni Prof. Bernardo, bukod sa nagtuturo sya ng Ethics, ay sya din ang disciplinarian ng school.

Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko at naka tingin lamang sa harapan. Napalingon ako sa gawi nila Dasha ng makitang naka ngisi sya. This fucking bitch!

"Kung alam mo namang wala kang itinatago at alam mo naman sa sarili mo na wala kang kasalanan, might as well open your bag." Pasensyadong sabi nya, concern is evident on his eyes. I know that he's fond of me, and I'm sure, that he's afraid na baka totoo nga sinabi ng nagsumbong sa kanya.

Tumayo ako at padabog na kinuha ang bag mula sa gilid ng desk ko.
Nagulat naman sila Asthea, at ang iba ko pang mga ka-block mates dahil sa biglaan kong kilos.

Kasalukuyan kong binubuksan ang bag ko nang tumayo si Thaddeus.

"This is wrong, you can't do it without any proof that she's using a fucking weeds while she's in the school's premises!" Galit na sabi nito, namumula ang leeg at tenga nito dahil sa galit. Tsk, why does he always have to interfere with the shits that I'm going through?

"Shut it." Sabi ko kay Thaddeus.

Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang lahat ng gamit dito.

"Oh." Inabot ko kay Bernardo ang bag ko upang sya na ang sumuri kung may natitira pang laman ito.

Umupo ako sa desk ng upuan ko habang hinihintay sya sa pag susuri sa bag ko. Pinag krus ko ang mga braso ko sa dibdib ko sa pag aantay. Nang matapos sya sa pag iinspeksiyon at wala syang nakita sa bag ko ay parang naka hinga sya ng maluwag.

"I'm glad that it's not true." Saad nito malambot ang tingin na ibinibigay nya sakin. I'm very fond of him, pinapautang ako nito tuwing wala akong pang tuition, at hindi agad sya naniningil. He's like a guardian angel to me.

I smiled sweetly at Dasha. Fuck off girl, you can't beat me by just doing like that. Try harder next time.

"Fuck, padating na yung guard!" Mahina ngunit madiin na sabi ni Thaddeus.

"Just shut your fucking mouth! Baka marinig tayo!" Angal ni Kent habang naka upo sa sahig ng classroom.

Magkakatabi kami at naka upo kami sahig at halos lahat kami ay hinihingal. Naka suot kami lahat ng itim na jacket at pantalon. Si Thaddeus ang may pakana nito. Mula sa damit at sa pag pa-plano kung ano ang gagawin namin ngayon.

Nanlaki ang mata ko ng makita na tinutok ng guard ang flaslight nya sa loob, at sumilip. Maigi nalang at malapit kami sa ilalim ng bintanang pinag sisilipan nya, at may kurtina kaya hindi kami kita dito.

"Hmm? Wala namang tao?" Saad ng isang guard sa kasama nyang mag ronda sa buong school.

"Pero may narinig talaga ako dyan eh." Sabi nito at tinutok din ang flashlight sa loob at sumilip din.

"Wala na, baka namali ka lang ng rinig. Sa kabilang building na tayo." Aya ni kuyang guard sa kasama nya.

Rinig namin ang tunog ng yapak nila sa hallway at ng matiyak na papalayo na sila dahil humina na ang tunog, ay naka hinga kami lahat ng maluwag.

Unti-unti kaming lumabas sa pinagtataguan namin at maingat na naglalakad upang di maka likha ng tunog.

"Where's the flashdrive?" Tanong ni Thaddeus habang naka lahad ang kamay.

We successfully got out from the campus, without getting in trouble, and the two guards on our school didn't even notice na may nanloob sa school. Binuksan namin ang locker ni Dasha dahil nandoon ang mga files na ginagamit nya sa pangdadaya. We are planning to send it to our principal.

Nandito kami sa sunnyland, ang flashlight lamang ng cellphone namin ang nagsisilbing ilaw dahil 11:53 na. Mag hahating gabi na.

Nilabas ni Finn ang dala nyang laptop at binuksan.

"Siguraduhin mong hindi tayo ma tra-trace ha!" Pingot ni Ashtea sakanya.

"Aray! Malamang, ano ako tanga?" Iritadong saad ni Finn at pinitik ang kamay ni Ashtea upang maalis ang kamay nito sa tenga nya.

"Nagtanong ka pa? Dalian mo na!" Pang iinis ni Rileson at tinapik ang balikat nito.

Inabot ko sakanya ang flashdrive at isinaksak agad ito.

Madaming pinindot si Finn sa laptop nya na hindi ko maintindihan.

"Done!" Sabi nito sabay pindot mg malakas sa 'enter' icon ng laptop nya.

"You idiot, saan mo natutunan yan?" Manghang sabi ni Thaddeus.

"Oh come on, madali lang yan. What a piece of cake." Mayabang na

Humiga si Asthea sa damo at ginawang unan ang mga braso nya, at pinag masdan ang mga bituin. Gumaya si Yxel, hanggang sa lahat kami ay nahiga na sa damo habang pinapanood ang mga bituin sa langit.

"Thank you, guys." I sincerely said. While looking at them, tinagilid ko lamang ang ulo ko at nanatiling nakahiga, ginawang unan ang braso.

"You're welcome." Naka-ngising sabi ni Asthea.

"We are a fucking team now." Usal ni Finn at bumangon sa pagkakahiga nya at tumingin sa amin lahat.

"Yeah, we are now." Mahinang sabi ni Yxel.

"We will be fucking indestructable." Naka ngiting sabi ni Thaddeus. Bumangon sya at nilahad ang kamay nya na para bang nakikipag maiba taya.

"Catastrophe have seven members now."

"Basist." Saad ni Kent at pinatong ang kamay nya sa kamay ni Thaddeus.

"Pinaka poging pianist." Sabay lahad na kamay ni Rileson.

"Yxel, the guitarist."

"Pogi, matalino, mabango, may ab---" Nahinto sa pag sasalita si Finn ng makita na matalim ang tingin sa kanya ng apat.

"Drummer." Naka nguso nitong sabi at pinatong na ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Yxel.

"What are you two waiting for?" Tanong ni Thaddeus habang tumitingin saming dalawa ng kambal nya.

Bumangon kami at lumapit sa kanila.

"Catastrophe's sunrise!" She said it like a fucking kid while smiling widely.

"What the hell?" Nagpipigil na tawa ni Rileson sa sinabi ni Ashtea.

"You don't care!" Iritadong saad ni Asthea at binatukan si Rileson.

"Fine, fine, fine." Pagsusuko nya.

Tumingin sila lahat sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

"Uhh, catastrophe's hope." Saad ko habang naka ngiti. I know that what I'm doing will attached me to them. They are like a magnet that is attracting me to be with them, and like a piece of metal, I can't help myself but to be attracted and can't defy the gravity that is pulling me, to be with them.

You Exist (Catastrophe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon