Chapter 17

336 15 1
                                    


"Z, give this to the table over there." Turo ni Klea at ibinigay sa akin ang tray na may lamang isang bote ng vodka.

Tatlong araw na ang naka lipas mula nung camping namin. Nasabi ko na din ka mama ang tungkol kay Rileson.

Wala ang Catastrophe ngayon, dahil sa Forkers sila nag gig ngayon.

Tahimik ko itong nilapag sa table nila at narinig ko ang pinag uusapan nila.

"It's nice to be back here on La Oreña, right?" Tanong ng isang lalaking mestizo, matangkad, at malaki ang pangangatawan sa kausap nito.

Marami sila sa table, lima sila lahat, at lahat sila ay lalaki na may magagandang itsura.

"Yeah, right. Naalala ko pa nung bata pa tayo, lagi tayong nag hahabulan sa bukid ng hacienda." Natatawang saad naman ng lalaki na may singkit na mata, at parehong katangian ng kausap nya.

Ang tatlo namang lalaki ay, pag kalapag na pagkalapag ko ng vodka ay nag salin agad sa baso.

Pabalik na ako sa counter nang maalala ang mukha ng limang lalaki na pinag serve-an ko. Hmm, parang pamilyar sila? Parang nakita ko na sila, pero hindi ko lang alam kung saan. Ikinibit balikat ko nalang ito at inalis na sa isip.

Natapos na ang trabaho namin sa gabing ito, at palabas na kami ni Klea.

Siniko ako nito habang nag lalakad.

"Ang pogi nung 5 guys na pinag serve-an mo earlier 'no?" Ngising sabi nito. Napa buntong hininga nalang ako, ang sakit sa tenga ng paraan nya sa pag sasalita.

Pero tama si Klea, magagandang lalaki ang mga iyon. Bumalik na naman sa utak ko ang mga mukha nila at pilit na inaalala kung saan ko nga ba sila nakita.

"Oo ng----" Putol na sabi ko, dahil may bastos na nakisali sa usapan namin ni Klea.

"Tss, mas pogi ako don." Mayabang na sabi ni Thaddeus, na naka sandal sa street light, at naka pasok ang isang kamay sa bulsa, habang ang isang kamay ay may hawak na sigarilyo.

Nagulat naman ako sa biglang pag sabat nito sa usapan namin, ngunit nagawa ko pang inspeksyonin kung anong suot nya, at ang itsura nya.

He look so fucking good with that, black plain shirt, denim jacket, and ripped jeans. Unfair, bakit sa ibang tao ay pag nag su-suot ng ganyang damit ay nag mumukhan jejemon? Pag s'ya ay parang modelo ng isang international clothing line.

"Oh em gi, si Thaddeus!" Pakantang saad nito, napa ngiwi ako. Ako ang nahihiya sa katangahang ginagawa nya.

"Let's go home." Sabi ni Thaddeus, binitawan nito ang hawak na sigarilyo at tinapakan ito bago lumapit sa akin. Hindi nito pinansin ang pagiging tanga ni Klea.

"Hmpk. Snobber." Ungot nitong katabi ko, imbis na batiin ni Thaddeus ito, ay tinapunan lang sya ng malamig na tingin.

Natawa ako ng mahina.

"Intayin muna nating maka-sakay 'to si Klea bago tayo umuwi." Sagot ko, at nilingon ito. Bakit pa ba ako hinintay nito? Kailan ko pa sya naging driver?

"Okay." Saad nito at kinuha ang bag pack na nasa likod ko.

Nakita ko naman ang pag ngisi ni Klea bago pumara ng tricycle.

"Bye, good night. See you tomorrow, Z." Sabi nito na nakasakay na sa tricycle at naka dungaw, ngunit nakay Thaddeus ang ngiti. Tusukin ko kaya ang mga mata nito?

"Let's go." Hawak nito sa aking pulsuhan at hinatak papunta sa kanyang motor.

He put the helmet in my head, at inalalayan akong umupo doon.

You Exist (Catastrophe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon