"Look at your phone." Utos sa akin ni Asthea.
Pasimple kong nilabas ang cellphone ko sa aking skirt at nilagay sa ilalim ng lamesa habang nag tuturo ang prof sa unahan.
Asthea sent 2 photos.
Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya. Nakipag-palit sya ng upuan kay Thaddeus dahil nagsasawa na daw sya sa mukha ni Finn at dahil mabait si Thaddeus ay pumayag ito.
It's a screenshot of their conversation, the Catastrophe except me.
Thaddeus: I'm planning a surprise for her.
Yxel: Para saan?
Rileson: Surprise-surprise ka pa, ulol!
Finn: Dami mong alam!
Kent: I'm gonna tell it to her~
Asthea: Sure kuya, I will help you!
Tumingin ako dito at naguguluhang tumingin kay Asthea ngunit nag kibit-balikat lamang ito.
But surprise for what? Para sa birthday ko? Pero matagal pa iyon?
Napangiti ako at natuwa. The thought of him, surprising me make me feel excited, but it's not a surprise anymore because Asthea showed his brother's plans to me.
Asthea elbowed me from left at may ibinigay na maliit na papel sa akin.
Don't tell kuya the note says. Kumindat ito sa akin at nag kunwaring nakikinig sa prof.
Tumango ako dito at tinago ito sa aking bulsa, at tinuloy ang pag babasa sa conversations nila, not minding the professor in front lecturing our lessons.
Thaddeus: I will propose.
Nanginig ang aking kamay sa nabasa at nanlaki ang mata dahil sa gulat. Pinag-patuloy ko ang pag babasa sa conversation nila.
Rileson: YOU WILL WHAT?!
Finn: The hell? Ang bilis mo naman, Thaddeus!
Yxel: She won't answer you.
Asthea: Oh no, madaling-madali lang, kuya?
Kent: Dude, are you on drugs?
Napaawang ang aking bibig sa nabasa. Hindi ko inaasahan ito! We're not even in a relationship and now mag po-propose na sya agad? Is he nuts?
Napa-awang ang aking bibig at nilingon si Thaddeus na nasa aking likod.
"What?" He mouthed at masungit na tumingin sa akin. Sinimangutan ko ito at bumalik sa aking pwesto.
Napansin ni Asthea ang paglingon ko sa kanyang kapatid kaya inakbayan ako nito at pilit na hinarap ang aking ulo sa unahan.
"Mahahalata tayo eh!" Pabulong nyang reklamo.
"Sorry, I can't help it. Propose agad? As in?" Gulat at taka kong tanong dito.
"Eh iyon ang sa--" Napa-tigil si Asthea sa sasabihin nya nang sigawan kami ng prof.
"Zerraco, Prestine!" Nagulat kaming pareho ni Asthea nang marinig namin ang malakas na sigaw ng propesor.
"Yes?" We said in chorus. Narinig ko ang tawanan ng aming mga kaklase, ngunit mas nangingibabaw ang halalhak ni Finn.
Nakita ko ang pag simangot ni Asthea, at inirapan ko si Finn.
Si Thaddeus naman ay umiiling-iling lang sa gilid, at naka krus ang dalawang braso sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
You Exist (Catastrophe Series #1)
RomanceCatastrophe Series #1 She was there when he started dreaming, but when he reached that dream, she just became a memory for him. Graziel is pessimist, she prefer to think negatively to avoid hoping too much. Her shattered soul finally found someone...