CHAPTER 3

616 15 4
                                    

Kaunting Trivia po tayo for this Chapter.

Dito kasi nag umpisa sa part na ito ang It's Way Too Early.

Sa maniwala kayo at sa hindi, nanggaling siya sa panaginip.
Yup! Napanaginipan ko siya. 😊

Hindi ko alam kung saan nanggaling. Siguro dahil parati ko ring napupuntahan noong high school at college yung church.
Pero saan galing si Kuya? 🤣🤣

Pag gising ko nga ay natulog ulit ako. Akala ko kasi matutuloy pero hindi. Haha 😆

Buti na lang at naalala ko pa rin siya nang magising ulit ako. At naisulat ko siya agad. Baka kasi makalimutan ko na.

And from there, dinagdagan ko na siya ng ibang scenes.

Hehe iyon lang po 🤗

Enjoy reading! 😘
==================

CHAPTER 3

"Hay salamat!" Sabi ni Aica nang marating niya ang park.

Mahigit isang linggo din siyang hindi nakapunta roon at nakapag jogging. Ang huli niyang punta roon ay noong naabutan niyang pinagagalitan ng tiyahin ang pinsan niya. Sa sobra kasing dami ng trabaho ay hindi na siya nagkaroon ng oras at mas pinipili na lamang ang magpahinga kaysa ihersisyo ang katawan at maglakad papuntang park.

Gustuhin man niyang maglagi sa magandang park na iyon ay wala na rin naman siyang lakas pang lakarin iyon pagkauwi.

Sa mga nakaraang araw kasi ay pulos pagpi-print ang ginawa nila ni Ate ML. Dahil papatapos na ang Abril ay nagsidatingan na ang mga eskwelahan na gustong magpa develop ng mga graduation pictures ng mga studyante.

Naging maganda ang record nila sa mga ito noong nakaraang taon kaya ang SasVill muli ang kinuha ng mga ito. Isang linggo din silang puro overtime matapos lang ang lahat ng iyon. Kaya heto siya, ngayon lang nakabalik sa pag dya jogging. Hangga't may oras ay nag dya jogging siya. Kahit araw-araw. Iyon na kasi ang naging libangan niya at pampatulog nang umpisahan niya iyon sa parke. Iyon din ang takbuhan niya kapag napagbabalingan siya ng tiyahin niya.

Ngunit dahil na nga sa dami ng trabaho noong nakaraang linggo ay ngayon lang muli siya nakabalik doon.

Pagpasok sa gate ay dumiretso muna siya sa St. Jude church. Tuwing mag dya jogging siya doon ay hindi pwedeng hindi siya dadaan ng simbahan. Bago man o pagkatapos tumakbo ay dumadaan siya roon. Ayaw niya kasi ng pakiramdam kapag hindi niya napapasok ang simbahan kapag malapit lang iyon sa pupuntahan niya o kung may madadaanan siya. Parang hindi kompleto. May kulang na hindi mo mawari at parang pakiramdam mo ay nagtataksil ka sa Kanya. Mabuti nga at bukas pa rin iyon tuwing gabi kahit walang misa. Hindi nga lang bukas lahat ang ilaw kaya may pagka dim ang kapaligiran nito. Hindi naman siya natatakot dahil mahigpit ang seguridad doon at puro taga roon lang sa loob ng subdivision na iyon ang nakakasabay niyang pumasok kapag ganoong oras.

Pansamantalang lumuhod muna siya para sabihin ang mga intensiyon niya. At syempre, ay magpasalamat na rin sa mga natanggap niya nitong nakaraang linggo at sa natatanggap araw-araw.

Pagkatapos ay pumupunta siya sa gawing kaliwa ng simbahan kung saan naroon ang sindihan ng floating candles. Tuwing pumupunta siya roon ay natutuwa at gumagaan ang pakiramdam niya. Naku cute-an kasi siya sa mga maliliit na kandilang hugis rosas na lumulutang sa mga candle holder na may tubig. Nae-enjoy niya ang pagsindi sa mga ito.

Paglabas ay dumiretso muna siya sa hilera ng mga floating candles. Nakita rin niyang may lalaki siyang kasabay doon. Ngunit dagli ring nawala doon ang atensyon niya dahil napansin niyang walang ni isa man ang nakasindi roon. Lahat ng candle holder ay malinis.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon