BONUS CHAPTER #1

300 7 0
                                    

Bonus! Bonus! Bonus! Hahaha

As promise... ^_^
==================❤️❤️❤️


MATTHEW'S P.O.V

Inisang lagok ni Matthew ang scotch na binigay ng waiter kasama ng ibang inumin na order nila Hughbert at Claude. Saka humingi pa ng dalawang order niyon.

Naroon sila sa bar kung saan sila laging nagkikitang magkakaibigan.
Pinag uusapan ang naging problema na ginawa ng mga magulang nila ni Hughbert at Reece.

Pare pareho nilang hindi inaasahan na bigla na lang mag aanunsiyo ang mga ito ng engagement.

At hindi man lang sila sinangguni ng mga ito.

Ni hindi nga nila ginusto iyon ni Reece. Maging si Hughbert ay tutol sa mga pinaggagagawa ng mga magulang nito.

At ngayon ay pinag uusapan nila kung ano ang maaaring gawin para hindi matuloy ang plano ng mga ito.

Hindi niya maaaring pakasalan si Reece. Hindi siya ang tunay na ama ng dinadala nito at hindi nila mahal ang isat isa.

Naihilamos niya ang palad sa mukha. Kung kailan naman niya nakilala at minahal si Aica ay saka naman nangyari ito.

Maging si Reece ay na gi-guilty na na nadamay pa raw siya at nasira ang mga plano niya para sa kanilang dalawa ni Aica.

Napatuwid siya ng upo nang biglang may tumabi sa kanya at humawak sa kanyang hita. Nang lingunin niya kung sino iyon ay isang babae ang nakita niya. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot nitong dilaw na bestida.

"I missed you, Matthew." sabi nito at walang sabi sabing hinalikan siya sa mga labi.

Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon kaya ilang sandali pa siyang natigilan. Nang matauhan ay mabilis na hinawakan niya ito sa mga balikat at inilayo sa sarili. Nag uumapaw ang galit sa dibdib.

"What the hell are you doing?!" nanggagalaiting lumayo pa siya rito.

Hindi niya maalalang nakilala niya ito. Inaamin niyang playboy siya noon pero itinigil na niya iyon nang makilala ang pinakamamahal niya.

Padaskol na ipinunas niya ang likod ng palad para mabura ang halik nito sa kanyang mga labi.

Nakita niyang inutusan ni Hughbert ang isa sa mga bodyguards nito na ilayo ang babae sa booth nila.

"Pare, you okay?" narinig niyang tanong ni Hughbert.

"Who's that?" Tanong naman ni Claude.

Sa nangyari ay pakiramdam niya na nagtaksil siya kay Aica.

Sa tingin niya ay hindi na niya kakayanin ang mga nangyayari. Kailangan na niyang makita ito. Miss na miss na niya si Aica.

Ipinilig niya ang ulo. "Kayo na muna ang bahala rito." Iyon lang at nagmamadaling umalis na siya. Iniwan na sila Hughbert at Claude.

Nasa daan na siya papunta sa bahay ni Aica nang maalala ang dahilan kung bakit hindi niya magawang lapitan, kontakin, o puntahan man lang ito.

Kinambyo niya ang manibela at inihinto sa gilid ng daan ang kanyang kotse.

Inis na pinaghahampas niya ang manibela. "Argh!"

Ano na kaya ang nangyayari rito? Hinahanap kaya siya nito? Nakita kaya nito ang balita? Maaring galit na ito sa kanya dahil sa walang sabi sabing iniwan niya ito.

Kay daming tanong sa isip niya na gustong hanapan na agad ng kasagutan. Kausapin na si Aica.

Ngunit hindi siya susuko.

Mas kailangan niyang iprayoridad ang kaligtasan nito at privacy ng dalaga. Ayaw niyang isangkot ito sa kaguluhang iyon.

Alam niyang unfair iyon sa dalaga. At kasalanan niya iyon. Pero saka na niya iyon poproblemahin. Saka na siya magpapaliwanag kapag tapos na ang problemang ito.

Babawiin niya muli ito at ipapaliwanag ang lahat ng gustong malaman nito. Kung sana lang ay tanggapin siyang muli nito.

Nang lumitaw sa isip niya ang nakangiting mukha ni Aica ay may naalala siya.

Mabilis na kinabig niya ang manibela at pumunta na ng Parkwood subdivision.

Nang makarating na sa simbahan ay sarado na ang mga entrance niyon. Mabuti na lang at bukas ang isang gate nito sa kaliwa kaya nakapasok pa rin siya papunta sa hilera ng mga floating candles na nasa gilid lang sa labas ng simbahan.

May iilan pang mga nakasindi roon at nakalutang. Kumuha na siya ng mga kandila at naghulog ng barya.

Nang mapatapat sa dating pinagsindihan nila ni Aica ay napangiti siya. Naalala kung gaano kaingat itong nagpalutang at nagsindi ng mga kandila.

Saka ginaya ang mga ginawa nito noon. Kumuha siya ng papel para sindihan ang mga iyon.

At sa nagsusumamong tinig ay binanggit ang hinihinging dalangin sa Kanya.

"I really love her. Please, help me..."


==================❤️❤️❤️

Haay Matthew <3 <3 <3 ^_^

==================


Author's Note:

I've decided na ituloy po muna yung isang nagawa kong plot dati bago gumawa ulit ng bago hehehe. Bawas bawas din hahaha

Kaya magpo focus po muna ako sa plot na ito. This will be the 2nd story that I will publish. (Other story po siya and not related to Aica and Matthew.)

Wala pa akong title since processing pa siya and gusto ko ring palawakin ang mga happenings sa story na ito.

Napa-face palm ako... 2012 ko siya ginawa. 8 years! 8 years siyang natengga. Naninilaw na! Haayyss hahaha

See you po sa next story ng iba ko pang babies! Hehehe mwah!God bless po ❤️❤️❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

See you po sa next story ng iba ko pang babies! Hehehe mwah!
God bless po ❤️❤️❤️


==================❤️❤️❤️

Posted: August 20, 2020 8:30 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon