Thank you po for reading my work!
God bless you all!
❤️❤️❤️
==================CHAPTER 9
Nang maramdaman ang paghagod ni Matthew sa likod niya ay nakagaan iyon sa pakiramdam niya. Unti unti ng tumitigil ang pagluha niya hanggang sa sisinghot singhot na lamang siya.
Matapos niyang marinig ang mga sinabi ng tiyahin ay tumakbo na siya ng mabilis upang makalayo roon. Doon niya ibinuhos ang lahat ng lakas niya. Hanggang sa roon nga siya muling dinala ng mga paa. Doon lang naman siya pumupunta kapag napapagalitan at napagsasabihan siya ng tiyahin niya.
Katulad na lang ngayon. May problema man o wala ay nag dya jogging lang siya doon. Minsan ay magpapakapagod lang para kung uuwi ay matutulog na lamang siya. Tulog. Para tahimik. Walang ingay. Walang siyang singhal na maririnig. Walang paninising maririnig.
Nakagaan ng loob ang pag iyak niya. Noon niya lang mas nailabas lahat ng kinikimkim niya. Pasalamat na lang siya at nandoon si Matthew.
Dahan dahan siyang kumalas dito at pinunasan ang mga luha gamit ang likod ng mga kamay. Pagdilat niya ay ang basang t-shirt nito ang tumambad sa kanya.
"Nako... S-sorry. Nabasa ko na y-yung t-shirt mo." nang marinig ang boses ay napangiwi siya. Garalgal kasi iyon. Parang hindi sa kanya.
"It's fine. I don't mind." malumanay na sabi nito.
"Are you... okay now?"
Hindi niya alam ang isasagot dito. Magaan na ang loob niya. Pero naroon pa rin ang sakit.
"What happened?"
Nang hindi siya sumagot ay nagsalita ulit ito. "I'm sorry. I didn't mean to pry. It's okay if you're not ready yet." masuyong hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha niya.
Huminga siya ng malalim. "Okay lang bang mag-open?" saka tumingin dito.
Nakita niya kung paano nagbago mula sa pag aalala ang mga mata nito hanggang sa lumamlam ang mga iyon.
Hindi niya alam ngunit parang kusang loob na lang niya na magsabi rito ng mga dinadamdam. Kung tutuusin ay isa pa ring stranghero ito sa kanya. Pero kay dali at bilis niyang magsabi rito.
"Oo naman."
Umayos siya ng upo at sumandal sa upuan. Diretso ang tingin. Sa ganoon ay hindi nito makikita ang itsura niya. Hindi rin niya makikita ang magiging reaksyon nito.
Hindi muna siya nagslita. Nangingimi pa sa mga sasabihin niya.
"Fifteen-" huminga siya ng malalim at tinanggal ang bara sa lalamunan. Nag uumpisa pa lang siya ay nagkakabikig na naman ang lalamunan niya.
"Fifteen years old pa lang ako, nang masangkot sa isang aksidente sila nanay at tatay. Pauwi sila noon galing ng palengke ng maatrasan ng truck ng mga gulay yung sinasakyan nilang tricycle. Naiwan akong mag isa. Ang alam ko kasi noon ay wala naman ng ibang mga kapatid sila nanay at tatay. Iyong iba naman nilang mga kamag anak nasa malalayong probinsya at hindi ko rin kilala." sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri.
"Pero nalaman ko sa foundation na mayroon palang kapatid si tatay na nandito sa Maynila. Wala naman kasi siyang nabanggit na may kamag anak pa pala kami. At kapatid pa niya. Natuwa ako kasi nalaman kong babae pala yung kapatid ni tatay at pamilyado na din. Naisip ko, may mga anak siya, ibig sabihin pwede rin siyang maging mother figure sa akin."
Saglit na tumigil siya para huminga ng malalim. Naninikip na naman kasi ang dibdib niya. "Sobrang nalungkot kasi ako at nangulila kaya siguro excited na excited akong makita yung tiyahin ko. Inayos lahat ng papeles at inihatid ako dito. Pagkatapos noon, kinupkop na nila ako. Kaso lahat ng mga naisip kong iyon, isang malaking imahinasyon lang pala."
BINABASA MO ANG
It's Way Too Early [COMPLETED]
RomanceKinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kanya ng mga magulang. Inasam niyang dito niya muling mararamdaman ang kalinga ng isang ina, ngunit kabaliktaran naman ang pinakita sa kanya. Sa...