==================❤️❤️❤️
"Pare, wala pa ba?" tanong ni Claude sa kanya. One of his friends. Kasama sa grupo nila ni Hughbert.
Halatang naiinip na ito dahil bigla na lang ini recline ang upuan ng passenger seat.
Kasama niya itong naghihintay sa labas ng gate ng subdivision nila Hughbert.
You've read that right. Naroon ulit siya. Reason? Because of that sweet, peachy-scented girl.
There really is something with that woman. Hindi lang niya matukoy. At iyon ang hindi makapagpatahimik sa kanya. Kaya naroon ulit siya at nagbabakasakaling makita muli ito.
Noong isang linggo pa sana niya naumpisahan iyon, a day after that dinner to be exact, kung wala lang naging problema sa kompanya.
Iyon ang hiningi niyang pabor kay Hughbert. Ang makatambay sa area ng subdivision na iyon nang walang sisita sa kanya.
Sino ba naman ang pwedeng mamalagi roon, na hindi taga roon, na walang sisita at magpapaalis sa kanya? Nang ganoong oras pa.
Baka isipin pa nilang may balak siya sa mga sikat na taong naroon.
Naikwento niya tuloy dito ang nangyari before that dinner. Nagtaka pa nga ito at tiningnan siya sa mapanuring tingin. Ngunit sa huli ay pumayag na rin at sinabing kakausapin ang ama.
Sa walong taong pagkakaibigan nila ay kilala na siya nito. Alam nitong kapag may nagustuhan siyang gawin ay gagawin niya talaga at walang makakapigil sa kanya. Kaya ngayon ay naroon siya. Sila. At naghihintay sa babaeng iyon.
"Pangatlong gabi mo nang naghihintay dito, pare. Let's just go to the bar and hang out with other women there. Rather wasting your time here." Sabi pa ni Claude. "Ipagawa mo na lang iyan sa isang private investigator." Halatang bagot na ito sa tono ng boses. Palibhasa minsan lang makalabas ng ospital.
Sana ay hindi na ito sumama. Napailing na lang siya.
Kung pwede nga lang eh. Naisip niya.
Pero sino namang private investigator ang makakahanap sa isang tao gamit ang scent lang na naamoy niya at tanging likod lang ang nakita?
Maya maya ay napagdesisyunan niyang lumipat ng pwesto. Nasa loob kaya ito? Baka nga nag dya jogging ulit siya.
Biglang napaayos ng upo si Claude nang buhayin niya ang makina. Binuwelta niya ang sasakyan papasok ng gate. Pinadaan naman sila agad ng mga gwardya nang makita siya. Sumaludo pa nga ang isa.
He smirked. Tatawagan niya mayamaya si Hughbert para magpasalamat sa easy access na binigay nito.
Ipinark niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng simbahan. Madadaanan kasi iyon palabas. Saka siya ulit naghintay.
"What's with her?" Narinig niyang tanong ni Claude.
Napabuntong hininga siya.
"I don't know. There's something about her. I just can't point it out yet. Maybe I just need to see her again and get over with.""Or maybe sleep with her and get over with." Nakangiting tudyo nito. Ngiting nakakaloko.
Natawa lang siya. Maaring ganoon na nga. Sa image niyang pagiging playboy ay hindi naman impossible iyon.
"Last time you got interested with a girl, you ended up banging her and ditch her after."
Siguro nga ay ganoon lang. Tama. Ganoon lang. After I see her. Maybe talk to her. Mawawala na ang interest ko sa babaeng iyon. I could also get a chance to sleep with her kung game siya sa lifestyle ko and then get rid of her after just like the other women that I've bed with.
Teka. Hindi mo pa nga nakikita ang mukha niya. Malay mo, pagharap niya ay ma turn off ka rin agad. A part of him think.
Hmm... Maaring maganda lang ang figure niya.
Pagkatapos na pagkatapos nito ay aalis na siya agad. Tatlong gabi na ang nasayang niya sa kakahintay na bumalik ito ngunit wala pa rin.
Imbes na ginugugol niya na lang sa bar. Doon ay ang mga babae pa ang kusang lumalapit sa kanya.
Naputol ang pagmumuni muni niya nang may mahagip siya sa gilid ng kanyang mga mata. Napaayos siya ng upo agad at napahawak ng mahigpit sa manibela.
It's her!
Hindi niya maipagkakaila ang likod na iyon. Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya alam ngunit pamilyar na agad sa kanya ang pigura nito.
Kung sa iba ay mukha ang nakikita at naipagkakaila nilang pamilyar. Pero sa kanya ay likod!
Hindi na niya napigilan at mabilis siyang bumaba ng sasakyan - na parang sinisilaban ang pwet - para sundan ang babae.
"Oh, saan ka pupunta?!"
"Pare, wait here."
Mabilis na sabi niya rito at agad na tumawid papuntang simbahan.
⬇️⬇️ Next Chapter is Part 3 ⬇️⬇️
==================❤️❤️❤️
Posted: August 23, 2020 9:32 pm
BINABASA MO ANG
It's Way Too Early [COMPLETED]
RomanceKinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kanya ng mga magulang. Inasam niyang dito niya muling mararamdaman ang kalinga ng isang ina, ngunit kabaliktaran naman ang pinakita sa kanya. Sa...