CHAPTER 1

1.5K 31 10
                                    

Hello my fellow writers and readers! 🤗

Thanks for dropping by. Nakakataba po ng puso.

Itong story na ito ang pinaka-una kong nai publish sa Wattpad, but most definitely not the first story I've ever written. And I would love to hear your opinions and reactions.

Kung meron man po akong typos, wrong grammar, etc., please (but do kindly) correct me.

I do have some questions at the end of each chapter. Feel free to comment po.

Maraming Salamat! ❤️❤️❤️

==================

CHAPTER 1

Pilit pinaseseryoso ni Aica ang mukha kahit sa loob-loob ay tawang-tawa na siya. Paano ba naman kasi ay kanina pa siya kinukulit at pinipilit ng katrabaho niya na bumili rito ng binibentang mga pabango.

Ang totoo niyan ay kanina pa siya napa-oo nito. Tinamaan lang talaga siya ng kalokohan at kabagutan kaya naisipan niyang lokohin ito. Mabuti na lang at wala silang customer sa pinapasukang picture printing shop at bakante sila. Ang boss naman nila ay mamaya pa ang dating. Kaya nagagawa pa niyang pagtripan ito.

Ito naman ay hindi pa siya napapansin na pinagtitripan ito dahil sa busy sa paglalabas sa bag at pagaayos ng mga binibentang mga pabango.

"Sige na, beshy. Bumili ka na. Mababango lahat to, promise. Saka kahit authentic, magtatagal ang bango." ungot muli ni Ate ML.

Apat na taon na niya itong katrabaho sa SasVill Photoworks kung saan siya kasalukuyang nagtatrabaho ngayon. Halos magkasunod lang sila ng pagpasok doon dahil bagobago lang din ang negosyong iyon noon kaya madali lang silang nagkapalagayan ng loob. At dahil na rin sa umalis ang kasama nila isang taon na ang nakararaan, dahil sa pag uwi sa probinsya, ay silang dalawa na lamang ni Ate ML ang palaging magkasama roon. Isama pa ang bossing nila na si boss Sacha.

Picture printing shop iyon kung saan pwedeng magpa print ng ibat ibang sukat ng litrato at magpa litrato ng personal sa kanilang studio gamit ang ibat ibang packages na kanilang ino offer. Ang boss nila ang palaging nasa loob ng studio para kuhanan ng mga litrato ang mga customer. Hilig kasi nito ang photography kaya raw nagtayo ito ng ganoong business para naman daw mapagkakitaan ang gusto nitong hobby. Tinuruan naman sila nito sa paggamit ng camera at ng ibang equipments nito para raw kapag wala ito sa studio, ay may kukuha pa rin ng mga litrato sa mga darating na customers.

May tarpaulin printing services din ang shop nila pero a day before dapat ang bigayan sapagkat sa isang shop pa nila iyon pini print dahil na rin sa naglalakihang mga tarpaulin printer na naroon kumpara sa maliit na shop na pinapasukan nila. Doon ay dalawang lalaki naman ang staff na nagtatrabaho dahil na rin sa mas kaya ng mga ito ang pagkumpuni ng mga machine na naroon. At sa laki na rin minsan ng mga tarp na ginagamit.

Umarte siyang napipilitan at nagkamot ng ulo.

"Eh Teh, wala pa kasi sa budget ko ang pagbili ng pabango. Saka meron pa akong cologne sa bahay, kaya hindi ko pa kailangang bumili niyan." Pero ang totoo ay kahit na wala sa budget ay may mga naitatabi naman siyang kaunting pera - na kahit pabaryabarya lang - para kung may kailanganin ay may mahuhugot siya kung saka sakali.

"Ibibenta ko sa iyo ng two gives. Sa susunod na sahod mo na lang bayaran. Saka Aica, langya naman! Cologne? Ano ka, baby? Aba'y beinte-tres anyos ka na ah! Dapat ay perfume or eau de toilette na ang ginagamit mo!"

Napangiwi siya. Napagalitan pa ako. Palatak niya sa isip.

Isa talagang rakitera si Ate ML. Mas matanda ito ng walong taon sa kanya, at sa tingin niya ay mas marami pa ang pinasok na trabaho o raket nito kaysa sa edad nito. Mapa Avon, sabon, kape, bag, chocolate, collagen at kung ano anong pang pampaganda ay nabenta na nito. Ngayon naman ay pabango. Palibhasa ay ito ang bread winner sa pamilya at nagpapa aral ng bunsong kapatid. Ito na lang din ang tumutulong sa mga magulang nito kaya kuntodo kayod ito sa pagta trabaho at pagra raket. Kaya kahit hirap din siya ay naglalaan siya makatulong lang dito kahit sa ganoong paraan. Isa pa ay itinuturing na rin niyang nakakatandang kapatid at kaibigan ito kaya close na sila at nagagawang asarin ito.

Maayos naman ang pagtatrabaho nila sa SasVill, kaya kahit nasa minimum lang ang swelduhan ay hindi nila magawang umalis doon dahil sa napaka mabait sa kanila ng bossing nila at sa pagiging makatao nito. Hindi rin naman laging toxic ang trabaho roon kaya hindi na rin sila choosy. Sino ba naman ang aayaw sa trabaho kung ang mga kasama mo naman ay mga kasundo mo?

"Oh ito. Fragrance mist lang iyan kaya mas mura. Saka nung inamoy ko iyan. Ikaw agad ang naisip ko. Bagay sa'yo kasi kahit sweet ay mild lang siya." Sabay abot ng bote sa kanya. "Mamaya pagdating ni boss ay siya naman ang aalukin ko ng mga ito."

Nakakalokong ngumiti na siya para malaman nitong pinagtitripan lang niya ito. Nang makita nito iyon ay napatigil pa ito sa ginagawang pag aayos. At nang makabawi ay mahinang pinalo siya nito sa braso. Doon na niya nailabas ang pinipigil na tawa.

"Nako! Ikaw talaga. Pinagtitripan mo na naman ako."

Nag peace sign lang siya rito. Natatawa pa rin. "Ikaw naman 'Teh. Matitiis ba kita?"

"Kuuh. Kung di ka lang malapit sa akin... " Hindi na nito itinuloy ang sinasabi at masuyo siyang nginitian. "Salamat ha."

Ngiti lang din ang sinagot niya dito. Nakakataba ng puso na kahit paano ay napasaya niya ito.

Nabaling ang atensyon nila nang mapunta sa balita ang pinakikinggang radio.
"Isa sa mga tumatakbo bilang mayor sa nasabing lalawigan, nakitang palutang lutang sa isang ilog sa katabing lalawigan. Pinaghihinalaang isa sa mga kalaban sa pwesto ang may kagagawan nito. Patuloy pa ring iniimbistigahan ng pulisya ang kaso ng nasabing kandidato."

Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay ni Ate ML.
"Hay nako. Kaya hindi umuunlad ang bansa eh. Lahat ginagawa makaupo lang sa pwesto. Tapos ano? Pag nakaupo na wala ng gagawin kundi mangurakot..." Nagratatat na naman na parang shotgun ang bibig nito tungkol sa gobyerno.

Napailing na lang siya. Ewan ba niya pero ang laki talaga ng issue nito patungkol sa gobyerno. Isang beses na tanungin niya ito ay halos magdamag itong nagseminar about sa politika. Siguro kung nakaangat lang ito at nakatapos ng pag-aaral ay naging news reporter ito o kaya naman ay abogado.

Mabuti na lamang at may dumating na customer at doon na nabaling ang kanilang atensyon.

==================

Gusto kong pasalamatan si
IamAyaMyers at ballpenniako
Sa walang sawang pagsagot sa mga tanong ko at pangungulit ko sa kanila sa messenger. Hehe 😄
Kasama po sila sa mga taong fully support sa pagpa publish kong ito.

Maraming salamat Ate Aya at Ate Dian! Love you both!

==================

How's the story?

Any comments?

Votes?

New friends?

Tara, chika 🤗

Don't forget po to add this in your Library 😘

Thanks for reading! ❤️❤️❤️

Posted: June 3, 2020 7:57 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon