(c) edited from Facebook
1k Reads!!
1k Reads!!
Parang kailan lang po nasa 216 pa lang ang reads ng "It's Way Too Early" hehe
Salamat po ng Maraming-marami sa pagbasa niyo sa aking first publish story!
So thankful and grateful po... and honoured hehe. Thank you po! *kisses*
Love you all!!
==================❤️❤️❤️
CHAPTER 17
Malungkot na nakahiga sa maliit na kama niya si Aica. Hawak hawak ang pulang t-shirt ni Matthew habang iniisip pa rin ito.
Day off kasi niya kaya nasa bahay lang siya at nagmumukmok. Alam nila Ate ML at Boss Sacha na nalulungkot pa rin siya kahit pilit niyang pinasisigla ang sarili.
Minsan lang ay umaangat ang mga insecurities niya at negativity kaya mas lalo lang siyang nada down. Iniisip kung may nagawa ba siya o sadyang nagsawa lang ito o isa lang siyang flavor of the month ng binata. Wala naman kasing sinabi ito kung ano sila. Siya lang ata talaga ang assumera.
Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Hughbert na hintayin ito at ang sinabi ni Matthew na aayusin nito. Pero ano naman ang panghahawakan niya, kung wala naman naging malinaw sa kanila?
Sila Ate ML naman at Boss Sacha ay lagi siyang pinapasaya at inaaliw sa sarili nilang mga paraan. Blessed na blessed siya na nandyan ang mga ito kaya binibigay niya rin ang lahat para naman hindi masayang ang mga effort ng mga ito.
Alam niyang natsismis na rin ni Ate ML ang mga narinig nito sa conference noong isang linggo kaya magkakampi ang mga ito sa mga plano.
Napabuntong hininga siya. Hindi pwedeng ganito na lang Aica. Sabi niya sa sarili. Hindi pwedeng magpadaig na lang siya sa kalungkutan.
Kaya pilit na tumayo siya para bumaba na. Mahirap na rin na baka katukin pa siya ng tiyahin niya para gumalaw sa bahay. Masesermonan na naman siya.
Ngunit pagbaba niya ay wala ang mga taong kasama niya. Marahil ay nasa palengke ang tiyo at tiya niya at ang mga pinsan ay nasa mga kabarkada na. Wala pa siyang ganang kumain kaya naglaba muna siya ng mga damitan nila.
Halos tatlong oras na ay wala pa ring bumabalik sa mga kasama sa bahay. Magtatanghalian na kaya naisipan na niyang magsaing at baka magsidatingan na rin ang mga ito.
Habang naghihintay ng sinaing ay nagwalis na lang muna siya sa sala habang nakikinig lang sa TV.
Mayamaya ay napaangat siya ng tingin doon nang marinig ang pangalang Matthew. Siyempre ay nag assume na naman siya. Pero hindi lang pala pag a assume iyon dahil ang Matthew na ibinabalita ay ang Matthew din na kilala niya.
BINABASA MO ANG
It's Way Too Early [COMPLETED]
RomanceKinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kanya ng mga magulang. Inasam niyang dito niya muling mararamdaman ang kalinga ng isang ina, ngunit kabaliktaran naman ang pinakita sa kanya. Sa...