Photo cover edited by ballpenniako
Ate! Thank you for making this cover. I love it!
Ito mismo yung nai-imagine kong pose nila Matthew at Aica at gusto kong part ng Chapter 15 hihihi
Gagamitin ko siya as cover ^_^ :*
==================❤️❤️❤️CHAPTER 18
Dala dala na niya ang mga bag niya pagbaba ng hagdan. Lahat na ng gamit niya ay naroon na. Bago bumaba ay nag ayos muna siya. Hilam na hilam na kasi sa luha ang mukha niya. Mugtong mugto na nga ang mga mata niya.
Pagdating niya sa sala ay tanging ang tiyuhin at ang pinsang babae na lang ang naroon. Pagkakita ng huli sa kanya ay mabilis siyang niyakap nito.
"Salamat po Ate. Pasensya na rin at napagbalingan ka pa ni Inay. Hindi mo naman kailangang umalis Ate eh."
Pero umiling lang siya. Mas makakabuti sa kanilang lahat kung aalis na lang siya. Nakapag desisyon na siya.
Tumayo naman ang tiyuhin niya at lumapit sa kanya.
Naramdaman na naman niya ang paninikip ng kanyang dibdib. "Sorry po." garalgal ang tinig na sabi niya sa tiyuhin.
"Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo iha, Aica. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana kita pinigilan pa noon sa desisyon mo-
Naputol ang sinasabi nito nang umiling siya.
"Tama lang ho ang ginawa ninyo, tiyo. Kung hindi niyo po ako pinigilan, baka kung saan saan na po ako pumunta at mas lalong hindi nakapagtapos kahit high school lang. Kahit ganon po si tiyang sa akin, lagi naman po kayong nandyan para maging isang ama. Kaya salamat pa rin po." Saka niyakap ito ng mahigpit.
May inabot itong isang naninilaw na na sobre sa kanya. "Isa ito sa mga nakita sa gamit ng mga magulang mo. Hindi ko alam kung ano ang laman niyan dahil hindi ko na nagawang buksan pa. Pero sa tingin ko ay makakatulong iyan sa iyo, iha."
Tumingin ito sa mga dala niya.
"Kung gusto mo talagang umalis ay hindi na kita pipigilan iha. Malaki ka na at alam mo na kung saan mo gustong pumunta. Kung saan ang gusto mong tahakin. At alam kong mas aasenso ka saan ka man mapadpad. Huwag mo na kaming alalahanin dito. Unahin mo na ang sarili mo, iha." Huminga ito ng malalim. "At ako na ang humihingi ng pasensya sa lahat ng ginawa at masasamang sinabi ng tiya mo sayo."Hindi man niya aminin ay nakatulong din ang tiyahin niya sa kanya. Natuto siyang maging matapang at malakas. Natuto siyang maging mapagkumbaba. Lalong lalo na ang humaba ang pasensya.
"Basta, huwag mo kaming kalimutang dalawin ng mga pinsan mo ha?" Halata sa boses nito ang lungkot.
Napatango na lamang siya. Tiyak kasi na luluha na naman siya kung magsasalita pa siya. Mabilis na niyakap na niyang muli ito at lumabas na ng bahay.
BINABASA MO ANG
It's Way Too Early [COMPLETED]
RomanceKinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kanya ng mga magulang. Inasam niyang dito niya muling mararamdaman ang kalinga ng isang ina, ngunit kabaliktaran naman ang pinakita sa kanya. Sa...